para sa mga bumili ng LTC/BTC last week at last month. Sa akin palagay ngaun ang magandang timing para ibenta ito.
Dahil base sa pag kakabasa ko chart ito ay babagsak na ang presy sa mga susunod na lingo.
Ito and daily chart ng LTC/BTCThis is the 4H timeframe of LTC/BTCMga dahilan kung bakit ko nais ibahagi sa inyo na dapat mag sell sa LTC/BTC
1. mapapansin na ang price at umabot na sa tinatawag na resistance ng trend sa daily chart. Malaki na ang chance na bumalik ito oh bumaba ang price. (SUPPORT AND RESISTANCE is highly accurate especially on higher timeframes).
2. Tumingin sa 4h chart. mapapansin nyo na ang price is nag retest o nag pullback na sa resistance. ibig sabihin kapag tinawag na retest o pullback nagawa nitong bumalik sa nakaraang presyo ngunit hindi niya ito nahigitan. once na ang price ay nag retest sa trend malaki ang chance bumalik na sa dating price (madalas mangyari ang retest sa bawat time frames kapag ang price ay nasa support o resistance.)
malake ang chance na masunod ito sa mga higher timeframe kung ikukumpara mo sa mas baba like 1h chart. minsan kase false retest ang ngyayari sa lower TF.
3. Pansinin ang price sa 4h TF ang price ay kasalukuyang nasa pullback stage. kung ikaw ang mag buy or sell dapat isasakto mo sa pullback stage para ikaw ay nka timing. (somebody call it sell high buy low. ang pullback ay nangyayari tuwing pag katapos ng isang rally then pullback then rally nanaman). dito pinaka maganda mag sagawa ng isang trade.
4. pansinin ang daily chart may isang indicator ako ginamit. tinatwag ito na relative strength index(RSI). Ito ay sumusukat ng volatility ng isang pair. pansinin ang hugis eclipse nagawa na nitong mag retest at marating ang tuktok.(ibig sabihin nalalapit na itong bumaba dahil humuhupa na ang volatile wala ng sapat na volatile upang maitaas ang presyo. Mapapansin nyo ang kasalukuyang RSI reading ay nsa gitna na. kaya nalalapit na iton bumaba.
NOTE:
1. may mapapansin kayong manipis na linya na kulay green sa 4h at daily chart. napansin ko na ang support na ito ay matibay at kung mag sasagawa kayo ng sell ngaun. jan sa price kung saan ang linya na green ang sunod na magiging stop over ng price pag katapos ng rally tapos hihina nanaman ang volatile. mag pupullback sa panahon na iyon pde nanaman kau mag speculate kung mag buy or sell kau.
2. kung mapapaansin nyo sa 4h chart ang price ay nasa gitna pa lamang ng trend. may tendency ito na pumunta sa resistance bago bumaba. pag nag punta ito sa resistance mas malake ang chance na bumba ito dahil makikita nyo na sumusunod lang ito sa trend.
pag walang big event na makaka apekto sa pair. ang price ay sumusunod lamang sa trend hindi gumugulo ang chart. Dahil ang volatile ay sakto lamang para pagalawin ang price.
3.Walang 100% sa trading yaan po ang tatandaan nyo lahat ay speculation lamang. walang nakaka alam kung saaan tatakbo ang price.
kaya nag kakaroon ng rally dahil pag nag ka isa ang speculation ng bawat trader ukol sa pair na iyon nasusunod ang price action, Hindi lamang doon. depende rin sa mga event na ngyayare NEWS. Malaki ang impact nito sa market Lalo pa pag kilalang tao ang nag salita ukol dito. Kaya dapat ay well updated din kau dito.
4. Ang maipapayo dapat mahaba ang pasensya nyo mag intay, wag greedy sa pag ttrade. At mag laan lamang ng halaga na kayang nyong ipatalo dahil. may epekto eto sa diskarte at pag iisip ng trader pag hinde nasusunod ang gusto nya tapos malaki na ang talo nya. Ugaliing kwentahin ang Risk para palaging aware ang handa sa pangyayari