Sa ngayon ginagamit kong exchange ay ang mga sumusunod:
https://www.binance.com/en << kakahack nga lang nyan pero I believe safe pa rin ang fund mo dito.
https://international.bittrex.com/ << matagal na akong member nyan way back 2014 pa. So far wala pa naman akong naencounter na problema. Need din ng KYC dyan.
https://poloniex.com/ << ginagamit ko ring exchange kasabay ng Bittrex,
https://idex.market/eth/idex << ethereum decentralized exchange medyo iba ang approach ng pagdeposit ng token kasi ikaw mismo magcoconnect ng address mo patungo sa platform.
https://www.kucoin.com/ << magandang exchange siya so far, may multilayer ang security dahil hahanapan ka ng trading security pin maliban sa 2fa mo.
https://www.hbg.com/en-us/login/ << magandang exchange din na may malaking trading volume.
at marami pang ibang maliliit na exchange.
Kadalasan kasi kapag meron kang token na wala pa sa major exchange mapipilitan kang mag-open sa mga maliliit na exchange lalo na at nakafocus ka sa mga altcoins. Sa ngayon yan ang listahan ng ginagamit kong exchange at hindi pa ako nagkaroon ng issue maliban dun sa poloniex dahil sa katangahan ko rin hehe.
Napakahalaga na laging enable ang 2fa at kung maari ay kasabay nito ay text messaging sa inyong phone para sa higit na security ng account mo. At wag gawing bangko ang exchange na doon itatago ang mga hindi ititrade na coins or tokens. Ilagak lamang ang mga tokens na iyong ititrade at itago sa iyong cold wallet ang mga coins at tokens na ihohold ng matagal.