Author

Topic: Trading Tips (Read 427 times)

legendary
Activity: 2548
Merit: 1234
May 06, 2019, 05:47:06 PM
#28
Even though basic learning in trading you can do trading even your not expert enough dahil walang expert sa trading which is nagbibigay ng magandang resulta. Right timing and have a sense of humor in picking good coins to trade is very important in trading. But OP has a very informative thread which is enlightened us when it comes trading. Kahit baguhan ka sa trading sige ka lang ng sige and learned in every mistake that you've encountered, someday you will know that wala kanang pera Grin Cheesy you are good trader even your not a perfect one.
sr. member
Activity: 2478
Merit: 343
20BET - Premium Casino & Sportsbook
May 06, 2019, 07:13:10 AM
#27

*Panic Sell
*Panic Buy
*Taranta moves
*Confusion
*Litong lito na sa gagawin
*Tirang madali
*Bahala na si batman
*Laki na ng talo

Tama. wala namang trader na nagsimulang magaling agad. lahat dumadaan sa pagiging baguhan. lahat dumaan sa ganyan. walang magaling na trader na hindi nakaranas ng ganyan. sigurado marami sa magagaling na trader ngayon nag panic buy at nag panic sell din.
Dahil ganito talaga ang ugali  ng mga pinoy, gustong matuto at minsan nman gustong magpakatutuo.
As a succeesful trader talagang naghihirap muna bago nakamit ang karangalan bilang isang magaling na trader. Kung gusto nating maging ganito, kailangan nating magsikap, hindi kang sa gusto natin dahil sa pera but for us na gustong maging magaling na trader.
sr. member
Activity: 403
Merit: 257
May 06, 2019, 06:41:32 AM
#26

*Panic Sell
*Panic Buy
*Taranta moves
*Confusion
*Litong lito na sa gagawin
*Tirang madali
*Bahala na si batman
*Laki na ng talo

Tama. wala namang trader na nagsimulang magaling agad. lahat dumadaan sa pagiging baguhan. lahat dumaan sa ganyan. walang magaling na trader na hindi nakaranas ng ganyan. sigurado marami sa magagaling na trader ngayon nag panic buy at nag panic sell din.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
May 05, 2019, 05:27:58 AM
#25
Maganda ang iyong nagawa kabayan dahil ang napapansin ko lang sa panahon ngayon dumarami ang mga taong pumapasok dito sa industriyang ito nang hindi man lang alam ang basics even walang knowledge about it and how it works. Ang maidaragdag ko lang dito ay dapat matuto tayong kontrolin ang ating emosyon dahil ito ang malalagay satin sa kapahaman for example, makita lang natin na lagapak ang market then magpapanic tayo at ibebenta lahat ng assets which is wrong. So yun lang, matuto tayong kontrolin ang ating emosyon, just stay cool.
Marami talaga ang gustong punasok sa larangan ng trading at karamihan sa kanila walang kaalaman tungkol dito kaya malaking tulong itong thread na ito para sa mga newbie na nais maging trader na makakatulong sa kanila sa kanilang journey na tatahakin para makaiwas din sila pagkalugi dahil sa mga desisyon na gagwin nila. Atleast sa ngayon magiging aware sila sa mga nangyayari sa coin at alam nila ang hindi dapat at dapat gawin.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
May 02, 2019, 05:34:40 PM
#24
Sharing knowledge from experience siguro yan yung mga ginawa mo paps relate din ako kasi gumagamit ako ng trading simulator at masasabi ko na magandang pang kick start yun pang praktis praktis all of your tips is highly recommended paps good job
Okay na okay ang trading simulator para sa mga gusto mag start sa trading at hindi lang yan pang crypto.

Dagdag ko lang kabayan. Kailangan din ng isang trader iwasan ang pagiging Greedy at Fear. Bukod sa mga nabanggit mo, emosyon mo talaga ang isa sa kalaban mo, ang tips ko naman dyan, kailangan alam mo ang limit  mo kung hindi ay di mo namamalayan na nagkakaloss ka na pala. At huwag matakot kasi kung may alam ka sa Technical analysis, di ka mangangamba sa pagbili at pagbenta mo.
Kahit marami na akong times na nagte-trade hindi talaga mawawala yung ganito. Yung pagkakaroon ng greedy feeling at yung takot pero sanayan na lang siguro talaga.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
May 02, 2019, 08:51:34 AM
#23

*Panic Sell
*Panic Buy
*Taranta moves
*Confusion
*Litong lito na sa gagawin
*Tirang madali
*Bahala na si batman
*Laki na ng talo

Lahat yan ok lang maranasan sa simula. Wag piliting maging perpektong trader agad agad. Di niyo ba alam na if talagang ipupursue ng isang tao ang pagiging trader, mas magandang maranasan nila lahat ng mga downsides ng sa gayon iiwasan na nila na maranasan pa ulit iyon in the future. Yang mga mistakes na yan ang magpapalakas sa isang trader habang nagbubuild up sila.
Indeed. I think normal naman sa umpisa na magkaron ng mga ganyang dilemma, lahat naman tayo dumaan sa pagiging beginner bago naging fully aware sa mga dapat malaman ng isang trader.

Yung mga past mistakes magandang experience yan para mahasa pa at pagbutihin sa susunod na mag trade ka. Hindi naman maiiwasan kung minsan na magkamali sa mga nagawa o desisyon pero pwede itong ma minimize dahil may alam ka at hindi sumusugal lang ng basta sa mga napili mong coins.
jr. member
Activity: 48
Merit: 3
Dream big Aim for the sky make it happen
May 02, 2019, 08:19:02 AM
#22
Sharing knowledge from experience siguro yan yung mga ginawa mo paps relate din ako kasi gumagamit ako ng trading simulator at masasabi ko na magandang pang kick start yun pang praktis praktis all of your tips is highly recommended paps good job
full member
Activity: 280
Merit: 102
May 02, 2019, 07:42:32 AM
#21
Dagdag ko lang kabayan. Kailangan din ng isang trader iwasan ang pagiging Greedy at Fear. Bukod sa mga nabanggit mo, emosyon mo talaga ang isa sa kalaban mo, ang tips ko naman dyan, kailangan alam mo ang limit  mo kung hindi ay di mo namamalayan na nagkakaloss ka na pala. At huwag matakot kasi kung may alam ka sa Technical analysis, di ka mangangamba sa pagbili at pagbenta mo.
sr. member
Activity: 966
Merit: 274
May 02, 2019, 07:35:00 AM
#20
Malaking bagay ang ibinahagi mo kabayan lalo na sa mga taong gusto mag trade ng mga cryptocurrency. Alam naman natin na mahirap maging isang trader lalo kung ikaw ay baguhan kaya dapat bago ka pumasok dito dapat ay may alam kana. Lahat ng sinabi mo kabayan ay kailangan nilang aralin upang maging successful na trader at dapat pag igihan nila ang pag aaral sa mga ito dahil makakatulong ito sa kanila na magkaroon ng magandang buhay.

Minsan kabayan, ang experience mo sa stock market ay maaari mong gamitin upang mapalago mo pa ang investment mo dito sa crypto. Pwede rin namang vice versa kung titignan, ang experience mo sa crypto ay maaaring i apply din sa stocks. Pero kung ako ang pipili, mananatili ako sa crypto, mas risky pero more din ang chance na kumita ako ng malaki.
member
Activity: 576
Merit: 39
May 02, 2019, 06:48:57 AM
#19
Magandang thread to, sana mabasa ito ng ating mga kabayan na baguhan palang sa crypto at nais mag trading, mahalagang malaman natin itong mga bagay na nabanggit at isaalang alang ang lahat para maging gabay saating mga desisyon na gagawin sa pag tetrading.
sr. member
Activity: 854
Merit: 267
★777Coin.com★ Fun BTC Casino!
May 01, 2019, 08:26:57 AM
#18
Maganda ang iyong nagawa kabayan dahil ang napapansin ko lang sa panahon ngayon dumarami ang mga taong pumapasok dito sa industriyang ito nang hindi man lang alam ang basics even walang knowledge about it and how it works. Ang maidaragdag ko lang dito ay dapat matuto tayong kontrolin ang ating emosyon dahil ito ang malalagay satin sa kapahaman for example, makita lang natin na lagapak ang market then magpapanic tayo at ibebenta lahat ng assets which is wrong. So yun lang, matuto tayong kontrolin ang ating emosyon, just stay cool.
full member
Activity: 434
Merit: 100
April 30, 2019, 06:15:40 PM
#17
Tama lahat ng nabanggit sa taas saka sana iwasan ng mga kabayan natin ang mafomo kasi dun talaga natatalo ang iba sa halip na benta na may kita bentang palugi ang nangyayari sumasabay kasi sa hype ayaw muna pahupain saka bumili sa pull back, sa mga newbie na gusto trading aralin nyon muna wag kayo magmadali kasi kayo din mahihirapan pag nag madali kayo mahala alam nyo support at resistance.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
April 30, 2019, 02:58:15 PM
#16

*Panic Sell
*Panic Buy
*Taranta moves
*Confusion
*Litong lito na sa gagawin
*Tirang madali
*Bahala na si batman
*Laki na ng talo

Lahat yan ok lang maranasan sa simula. Wag piliting maging perpektong trader agad agad. Di niyo ba alam na if talagang ipupursue ng isang tao ang pagiging trader, mas magandang maranasan nila lahat ng mga downsides ng sa gayon iiwasan na nila na maranasan pa ulit iyon in the future. Yang mga mistakes na yan ang magpapalakas sa isang trader habang nagbubuild up sila.
Tama lahat ng sinabi mo lalo na sa taranta moves, ganyan na ganyan ako dati siguro nung mababa pa yung bitcoin. At kapag medyo mas bumaba pa, di ko na alam gagawin taranta na na halos lahat ng hinohold ko bebenta ko na agad autosell na kagad eh.

Charge to experience ika-nga.
legendary
Activity: 2940
Merit: 1083
April 30, 2019, 01:36:33 PM
#15

*Panic Sell
*Panic Buy
*Taranta moves
*Confusion
*Litong lito na sa gagawin
*Tirang madali
*Bahala na si batman
*Laki na ng talo

Lahat yan ok lang maranasan sa simula. Wag piliting maging perpektong trader agad agad. Di niyo ba alam na if talagang ipupursue ng isang tao ang pagiging trader, mas magandang maranasan nila lahat ng mga downsides ng sa gayon iiwasan na nila na maranasan pa ulit iyon in the future. Yang mga mistakes na yan ang magpapalakas sa isang trader habang nagbubuild up sila.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
April 30, 2019, 01:32:03 PM
#14
Salamat Kabayan sa pag bibigay ng opinion mo sa aking post. Mahirap kasi mag umpisa sa wala at alam kong mahirap kumita ng pera kaya naisipan kong baka maganda mag bahagi ng kunting kaalaman tunkol sa trading kasi pwede itong pagka kitaan pag ginawa mo ng tama.
Salamat sa pagshare ng mga tips, kahit na mahirap kumita sa trading meron talagang mga tao na marunong at mahusay sa decision making. Doon na nagsisimula yung proseso kung paano ka kikita kasi marunong ka gumawa ng desisyon kung ano ang tama at ano ang mali.

Wag lang din maging panic seller, okay ang mag cut loss pero kapag masyadong malaki na pag-isipang mabuti kung kaya tanggapin ang talo.
member
Activity: 312
Merit: 10
(。◕‿◕。)
April 28, 2019, 09:02:30 AM
#13
Malaking bagay ang ibinahagi mo kabayan lalo na sa mga taong gusto mag trade ng mga cryptocurrency.
--snip
Salamat Kabayan sa pag bibigay ng opinion mo sa aking post. Mahirap kasi mag umpisa sa wala at alam kong mahirap kumita ng pera kaya naisipan kong baka maganda mag bahagi ng kunting kaalaman tunkol sa trading kasi pwede itong pagka kitaan pag ginawa mo ng tama.
sr. member
Activity: 868
Merit: 257
April 28, 2019, 08:32:11 AM
#12
Noong nag simula ako pumasok sa field ng trading gumamit talaga ako ng mga trading simulator upang magkaroon man lang akong experience sa pagtratrading kahit demo account lang ang gamit ko. At ngayon nagtretrade na ko ng iba't ibang altcoin tulad ng ethereum and ripple and madalas akong nagtretrade sa Binance. Pero mas madalas kong ihold ang mga altcoin ko kesa itrade ito,
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
April 27, 2019, 05:12:33 PM
#11
Ang hirap lang kasi ngayon sa pagtratrade ng altcoin pag pump up si bitcoin dump ang alt pag dump si bitcoin dump padin ang altcoin ito yung masakit na part sa pagtratrading kaya dapat my stop loss ka pag nagtratrade mga 2% sa iyong buy order. Malaking tulong ang thread mu OP lalo na sa mga nawawalan ng pag asa sa pagtratrade baka makatulong ito sa inyo.
Part yan dahil kung titignan natin kung ang bitcoin naman ay magpump o tumaas ang mga altcoins din ay tataas nakabase kasi sila kay bitcoin but not mostly all the time ganyan dahil meron pa ring mga altcoin gaya ng ethereum na kayang tumaas ang presyo without the help ni bitcoin pero ang karamihan kinakailangan si bitcoin para tumaas. Malaking tulong talaga itong thread for the newbies.
hero member
Activity: 2716
Merit: 904
April 26, 2019, 11:49:37 PM
#10
 
2. Best Time to Buy And Sell

    Ang dalawang pinakamahalagang desisyon na gagawin ng trader ay kung kailan bibili at kung kailan mag bebenta. Ang pinakamagandang na oras para bumili ay kapag ang iba ay negatibo(bear market). Ang pinakamagandang oras na pag benta ay kapag ang iba ay aktibong bumibili(bull market). Kapag bumibili, tandaan na ang pag-asa ng isang mataas na return ay mas malaki kung bumili ka pagkatapos bumaba ang presyo nito kaysa halip pagkatapos ng pag taas ng presyo. Ngunit kailangan ang masusing pag-iingat.


Idagdag ko din dito para ilawak natin ang kaalaman sa punto na kung kailan bumili at magbenta.
Hindi naman palagi na magbenta pag mataas na ang presyo, kailangan din magbenta kung lugi ka nah at patuloy na
bumabagsak ang presyo na hinahawakan na assets. Eto ang pagtatag ng risk profile, na kung saan may naka.set na limitasyon na hanggang kung kailan ka lang magbenta. For example, pag umabot ng P1k ang lugi mo, need mo ng magbenta kaysa malugi ka pa ng mas malaki pa.
Yung pagbenta pag mataas ng ang presyo nito. Hindi lang din nah out of nowhere gusto mo nah magbenta. Kailangan may strategy, kung magkano ang gusto mo na gain. Kasi cyclical naman ang pag trade tumataas at bumababa, kaya para mabawasan ang stress bago magtrade may sariling strategy nah.
Ang tinutukoy niya siguro sir ay yung cutloss sa pag tetrade dapat may limit ka sa kung ano yung kaya mong ipatalo,ngayon kung umabot sa cutloss bracket mo better sell saka ka bumawi sa ibang coin na itetrade mo.
Ahh yeah, nakuha ko yun punto niya. Pasensya hindi ko pala nabanggit sa kumento ko na pwede din magbenta as to opposite of cutting loss.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 276
April 26, 2019, 08:13:25 PM
#9
 
2. Best Time to Buy And Sell

    Ang dalawang pinakamahalagang desisyon na gagawin ng trader ay kung kailan bibili at kung kailan mag bebenta. Ang pinakamagandang na oras para bumili ay kapag ang iba ay negatibo(bear market). Ang pinakamagandang oras na pag benta ay kapag ang iba ay aktibong bumibili(bull market). Kapag bumibili, tandaan na ang pag-asa ng isang mataas na return ay mas malaki kung bumili ka pagkatapos bumaba ang presyo nito kaysa halip pagkatapos ng pag taas ng presyo. Ngunit kailangan ang masusing pag-iingat.


Idagdag ko din dito para ilawak natin ang kaalaman sa punto na kung kailan bumili at magbenta.
Hindi naman palagi na magbenta pag mataas na ang presyo, kailangan din magbenta kung lugi ka nah at patuloy na
bumabagsak ang presyo na hinahawakan na assets. Eto ang pagtatag ng risk profile, na kung saan may naka.set na limitasyon na hanggang kung kailan ka lang magbenta. For example, pag umabot ng P1k ang lugi mo, need mo ng magbenta kaysa malugi ka pa ng mas malaki pa.
Yung pagbenta pag mataas ng ang presyo nito. Hindi lang din nah out of nowhere gusto mo nah magbenta. Kailangan may strategy, kung magkano ang gusto mo na gain. Kasi cyclical naman ang pag trade tumataas at bumababa, kaya para mabawasan ang stress bago magtrade may sariling strategy nah.
Ang tinutukoy niya siguro sir ay yung cutloss sa pag tetrade dapat may limit ka sa kung ano yung kaya mong ipatalo,ngayon kung umabot sa cutloss bracket mo better sell saka ka bumawi sa ibang coin na itetrade mo.
full member
Activity: 686
Merit: 108
April 26, 2019, 04:43:39 AM
#8
Ang hirap lang kasi ngayon sa pagtratrade ng altcoin pag pump up si bitcoin dump ang alt pag dump si bitcoin dump padin ang altcoin ito yung masakit na part sa pagtratrading kaya dapat my stop loss ka pag nagtratrade mga 2% sa iyong buy order. Malaking tulong ang thread mu OP lalo na sa mga nawawalan ng pag asa sa pagtratrade baka makatulong ito sa inyo.
Sa nakikita ko sa market when bitcoin pumps, altcoins will follow kase right now nasa bear market paren tayo so altcoins will also have to pump. Yes, this trading tips is so worth it lalo na kung talagang babasahin mo ito at gagawin. Marami sa atin ang nagtratrade lang basta basta and it can cause trouble to the trader. Everything of this should be consider while trading, wag basta basta bumili o magtrade ng walang plano.

hero member
Activity: 2716
Merit: 904
April 26, 2019, 02:58:44 AM
#7
 
2. Best Time to Buy And Sell

    Ang dalawang pinakamahalagang desisyon na gagawin ng trader ay kung kailan bibili at kung kailan mag bebenta. Ang pinakamagandang na oras para bumili ay kapag ang iba ay negatibo(bear market). Ang pinakamagandang oras na pag benta ay kapag ang iba ay aktibong bumibili(bull market). Kapag bumibili, tandaan na ang pag-asa ng isang mataas na return ay mas malaki kung bumili ka pagkatapos bumaba ang presyo nito kaysa halip pagkatapos ng pag taas ng presyo. Ngunit kailangan ang masusing pag-iingat.


Idagdag ko din dito para ilawak natin ang kaalaman sa punto na kung kailan bumili at magbenta.
Hindi naman palagi na magbenta pag mataas na ang presyo, kailangan din magbenta kung lugi ka nah at patuloy na
bumabagsak ang presyo na hinahawakan na assets. Eto ang pagtatag ng risk profile, na kung saan may naka.set na limitasyon na hanggang kung kailan ka lang magbenta. For example, pag umabot ng P1k ang lugi mo, need mo ng magbenta kaysa malugi ka pa ng mas malaki pa.
Yung pagbenta pag mataas ng ang presyo nito. Hindi lang din nah out of nowhere gusto mo nah magbenta. Kailangan may strategy, kung magkano ang gusto mo na gain. Kasi cyclical naman ang pag trade tumataas at bumababa, kaya para mabawasan ang stress bago magtrade may sariling strategy nah.
full member
Activity: 688
Merit: 101
April 26, 2019, 02:22:35 AM
#6
 
2. Best Time to Buy And Sell

    Ang dalawang pinakamahalagang desisyon na gagawin ng trader ay kung kailan bibili at kung kailan mag bebenta. Ang pinakamagandang na oras para bumili ay kapag ang iba ay negatibo(bear market). Ang pinakamagandang oras na pag benta ay kapag ang iba ay aktibong bumibili(bull market). Kapag bumibili, tandaan na ang pag-asa ng isang mataas na return ay mas malaki kung bumili ka pagkatapos bumaba ang presyo nito kaysa halip pagkatapos ng pag taas ng presyo. Ngunit kailangan ang masusing pag-iingat.


Idagdag ko din dito para ilawak natin ang kaalaman sa punto na kung kailan bumili at magbenta.
Hindi naman palagi na magbenta pag mataas na ang presyo, kailangan din magbenta kung lugi ka nah at patuloy na
bumabagsak ang presyo na hinahawakan na assets. Eto ang pagtatag ng risk profile, na kung saan may naka.set na limitasyon na hanggang kung kailan ka lang magbenta. For example, pag umabot ng P1k ang lugi mo, need mo ng magbenta kaysa malugi ka pa ng mas malaki pa.
full member
Activity: 798
Merit: 104
April 25, 2019, 10:51:54 AM
#5
Ang hirap lang kasi ngayon sa pagtratrade ng altcoin pag pump up si bitcoin dump ang alt pag dump si bitcoin dump padin ang altcoin ito yung masakit na part sa pagtratrading kaya dapat my stop loss ka pag nagtratrade mga 2% sa iyong buy order. Malaking tulong ang thread mu OP lalo na sa mga nawawalan ng pag asa sa pagtratrade baka makatulong ito sa inyo.
copper member
Activity: 182
Merit: 1
April 25, 2019, 10:48:17 AM
#4
kailangan talaga dito sa trading ay dapat bihasa ka nah, hindi kasi madaling gawin ito lalo na kung ikaw ay baguhan. medjo kailangan talaga pag toonan ito ng pansin bantay bawat oras o minuto. pero dahil dito sa artikulo na ito ay malaki ang maitutulong sa mga baguhan na gustong pumasok at mamuhunan sa trading na ito. bawat detalye ay ma babasa mo ito at intindihin kung paano. salamat sa kabayan malaking tulong ito
member
Activity: 476
Merit: 12
April 25, 2019, 10:17:06 AM
#3
Also include Bitmex testnet in trading demo take note margin trading a bitmex kaya ingat ingat nalang maliquidate.
By the way thank you for providing a helpful tips regarding sa trading baka my mga baguhan tayong kababayan na gustong matutong magtrade alam ko my topic din na ganito regarding sa pagtratrade.
sr. member
Activity: 896
Merit: 267
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
April 25, 2019, 09:17:02 AM
#2
Malaking bagay ang ibinahagi mo kabayan lalo na sa mga taong gusto mag trade ng mga cryptocurrency. Alam naman natin na mahirap maging isang trader lalo kung ikaw ay baguhan kaya dapat bago ka pumasok dito dapat ay may alam kana. Lahat ng sinabi mo kabayan ay kailangan nilang aralin upang maging successful na trader at dapat pag igihan nila ang pag aaral sa mga ito dahil makakatulong ito sa kanila na magkaroon ng magandang buhay.
member
Activity: 312
Merit: 10
(。◕‿◕。)
March 30, 2019, 08:42:19 AM
#1
 
Trading Tips Para sa aking Kababayan

    Sa panahon ngayon mahirap ng kumita at kadalasan puro lugi lang nakukuha sa pag HODL ng mga crypto currency. Yung mga kababayan ko diyang gusto mag try ng katulad ng Trading. Here are some tips para maimaximize nyo ang inyong tubo.

1. Mag try muna ng Trading Simulator

    Madaming mga websites na pwede kang gumawa sarili mong Demo Account. Importante ang pag practice ng trading sa umpisa kasi ang trading ay isang kasanayan na nangangailangan ng oras at karanasan. Sa umpisa kailangan mo munang alamin ang mga basics tapos mag practice para masanay ka sa sistema.

    Hindi ka pwedeng dumeretso agad sa pag tre-trading kung di mo pa alam ang basics neto. Posibilidad neto ay pwedeng maubos ang pundo mo o di kaya magkakaroon ka ng napakalaking lugi, na di katanggap tanggap.

2. Alamin ang Basics ng Trading
   
    Walang nagnanais na mawalan ng pera. Bukod dito ang masakit ay pwedeng umabot ng higit na libo libo. Kung nag uumpisa ka palang at ayaw mong mag ka roon ng lugi, wag mo ng balakin mag trading.

2A. Paano Tumaas o Bumaba ang mga Presyo sa Crypto Market
    Maraming mga kadahilanan kung bakit ang mga presyo ng crypto ay tumaas o bumaba. Kabilang dito ang media, ang mga opinyon ng mga kilalang tao sa Crypt, pulitika at FUDs, risk, supply at demand, at kakulangan ng angkop na alternatibo. Ang kabuuan ng mga salik na ito, kasama na ang lahat ng may-katuturang impormasyon na naibigay, ay lumilikha ng isang tiyak na uri ng tingin ng tao (example, bullish at bearish)  at isang kaukulang bilang ng mga buyers at sellers. Sa madaling salita pag mas maraming sellers ang presyo sa market ay malamang bumaba. Kabaligtaran naman pag mas maraming buyers ang presyo sa market ay maaring tumaas.

2B. Bakit Mahirap Gumawa ng Predictions

    Halimbawa, ang presyo ng crypto ay tumataas over couple of months na. Ang iba titignan ito as a potential threat kasi mag kakaroon ng market correction any time soon. Ang crucial part ay kung ano ang mag-trigger ng selloff o eksakto kapag mangyayari ito. Kaya ang iba mag sesell na ng kani kanilang crypto samantalang ang iba nag hihintay ng pagkakataon para maka enter. Yung mga risk takers ay maaring ipag palagay na mas malaki ang kita nila kasi bumili sila sa mas mababang halaga at manonood nalang na tumaas ang presyo sa market. Dahil dito, ito ay gumagawa ng ilang tanong sa trader. Una, kailan ang the best mag enter at  pangalawa kailan mag eexit? Kung predictable lang ang market madali lang naten yan masasagot ngunit hindi.

2B. Tatlong Mahahalagang Bagay na dapat I-konsider

    1.  )  Presyo ng Coin  Ang actual na presyo ng coin ay natutukoy batay sa market activity neto. Pag gumagawa ng desisyon kung kailan bibili or mag sesell, traders ay madalas na pi naghahambing ang presyo ng latest na presyo sa average price sa market. Halimbawa, kung ang isang coin ay nag tretrade sa .5$ per coin at ang average price nya sa market sa araw na iyon ay .7$, it may be worth buying. Kabaligtaran kung ang isang coin ay nag tretrade sa .9$ sa araw na iyon tapos ang average price nya sa market sa araw na iyon ay .6$, ang coin na iyon ay pwede nating ikonsider as overvalued at ang trader ay advised na lumayo nalang dito.

    2.  )  Triggering Event

Dapat alam mo kung anong event ang pwedeng mag cause ng  trend reversal. For example, Twitter Official posts. Coin Reviews or Crypto Currency daily News.

    3.  ) Ang iyong Decision Process

    Kapag gumagawa ng mga desisyon, dahil may isang trader din sa kabilang panig na handang bilhin ang iyong selling o ibinebenta kung ano ang gusto mong bilhin, dapat mong maiproseso ang may-katuturang data at gumawa ng isang mahusay na desisyon. Gayunpaman, imposibleng malaman ang lahat ng kailangan mong malaman at iproseso ito nang walang anumang bias. Sa kadahilanang ito, minsan tayo ay gumagawa ng panget na desisyon na maaring maging ikakalugi naten. Nagaganap ito kahit sa mga analytical na indibidwal.

2. Best Time to Buy And Sell

    Ang dalawang pinakamahalagang desisyon na gagawin ng trader ay kung kailan bibili at kung kailan mag bebenta. Ang pinakamagandang na oras para bumili ay kapag ang iba ay negatibo(bear market). Ang pinakamagandang oras na pag benta ay kapag ang iba ay aktibong bumibili(bull market). Kapag bumibili, tandaan na ang pag-asa ng isang mataas na return ay mas malaki kung bumili ka pagkatapos bumaba ang presyo nito kaysa halip pagkatapos ng pag taas ng presyo. Ngunit kailangan ang masusing pag-iingat.


Summary

    Ang crypto market ay isang kumplikadong lugar kung saan ang hindi angkop sa mga baguhan. Madaming kadahilanan kung bakit ang presyo ng mga coin ay tumataas at bumababa na maaaring mahirap na unawain. Dahil ang tanging sigurado ay pwedeng bumaba ng zero, kapag nag-invest ka, isaalang-alang ang pagdaragdag ng proteksyon (2FA verification, Avoiding Phishing sites atbp). Siguraduhin na ang coin na iyong binibili ay may potential. Maliban kung mahilig ka sa panganib, at maaaring iwasan ang paglagay ng masyadong maraming pera sa isang coin.

    Kailangan ng maraming taong kasanayan para ikaw ay maging dalubhasa sa crypto currency market. Maaari kang humingi ng patnubay sa taong kilala mo o di kaya pinag kakatiwalaan mo. Maaaring mukhang tulad lang ito ng miscellaneous expenses mo ngunit ang pagpunta sa hindi pamilyar na teritoryo ay kadalasang nagkakahalaga ng higit sa inaasahan mo.


Sources:
http://www.bitcointradingsites.net/features/demo-mode/
https://www.learn.altcoinfantasy.com/featured/2018/11/19/vbvbxvbvcb
https://www.forbes.com/sites/mikepatton/2015/04/28/five-basics-you-should-definitely-know-about-the-stock-market/#10aa9a447efa

Jump to: