Para sa mga nalilito kung paano ba nila ibebenta ang kanilang tokens after nilang makuha ito sa mga bounties, sundin lamang ang mga steps na ito. Ang exchange na aking gagamitin bilang halimbawa ay EtherDelta at ang token wallet na gamit ay MyEtherWallet.
1. I open ang iyong MyEtherWallet sa
https://www.myetherwallet.com/.
2. Sa isa pang tab, i open ang Etherdelta -
https://etherdelta.com/.
3. Upang mai import ang iyong MyEtherWallet sa EtherDelta, gawin lamang ang sumusunod:
3a. Click ang Account
3b. Click ang Import Account
3c. Hihingiin sa iyo ng site ang ETH Address at Private Key mo
3d. Kunin mo ang iyong ETH Address at Private Key sa iyong inopen na wallet sa MyEtherWallet site
Ito ang iyong ETH Address
Ito ang iyong private key (click lang yung "eye" icon para makuha mo yung mismong key)
Paalala:
Huwag mo ipapaalam sa iba ang iyong Private Key! 4. After mo iimport ang iyong MyEtherWallet sa EtherDelta, hanapin ang coin or token na nais ibenta dito.
Halimbawa, AION tokens ang balak kong ibenta
5. Bago mo ibenta ang iyong token, nararapat mo muna ideposit ang iyong tokens sa EtherDelta smart contract. Click mo lang yung Deposit Tab at i enter ang amount ng tokens na nais mo ibenta. (aking naideposit na noon ang aking AION tokens kaya meron na agad amount na nakalagay sa aking EtherDelta Smart Contract ayon sa imahe)
Paalala: Sa pag dedeposit ng mga tokens, kinakailangang may minimum kang .001 ETH para sa gas fee. Mag laan ng sapat na ETH para sa
iba't ibang transaction na iyong isasagawa sa EtherDelta.
6. Matapos mong ideposit ang iyong tokens sa EtherDelta Smart Contract, tumingin ka sa mga Sell Order sa Order Book. (nakaindicate ito bilang mga green bars)
Ang Sell Orders ay naka ayon mula taas hanggang pababa na nangangahulugang nasa pinakataas ng Sell Order ang matataas na rates ng iyong maaaring ibenta.
7. Click mo ang rate na umaayon sa iyong kagustuhan o estratehiya sa pag tatrade. Aking pipiliin ang pinakataas bilang aking halimbawa.
8. Ilagay sa "Amount to Sell" ang tokens na iyong nais ibenta, tapos click "Sell Order". Asahan ang kaunting fees sa pagbebenta ng tokens. Bibigyan ka ng TXID upang malaman mo ang status ng iyong transaction o pagbebenta.
9. Hintayin mo dumagdag sa iyong ETH balance ang iyong naibentang tokens. After na dumagdag ang iyong balanse ng ETH sa EtherDelta Smart Contract, maaari mo na itong i withdraw sa iyong actual wallet.
10. Matapos mong maiwithdraw ang ETH mula EtherDelta Smart Contract hanggang actual wallet mo, maaari mo nang i alis o iout ang iyong na import na MyEtherWallet sa site kung wala ka nang nais ibenta pang tokens. Gawin lamang ang sumusunod:
10a. Click Account sa top right corner at click forget account
Paaalala: Huwag maging gawain ang mag iwan ng masyadong ETH o kahit na anong token sa exchanges.Happy Trading mga kabayan!