Author

Topic: [TUTORIAL] Pag set up ng Stellar wallet gamit ang "Lobstr" (Read 180 times)

legendary
Activity: 2058
Merit: 1315
i'm planning to add Stellar(XLM) in my holdings since nakikitaan ko ng maganda potential ang currency na ito sa mga susunod na taon.

having this thread nakakita na ako ng magandang wallet na gamitin so for OP salamat ng marami dito,and this moment ay ginagawa ko na ang instructions mo.sharing the threads also sa groups para magkaron sila ng idea.

Thanks po. Maganda siya actually, sana magustuhan mo yung set up ng wallet. Madami po choices trip ko lang talaga yun Lobstr same like Imtoken app kasi so easy access.

Im a moblie user so mostly I will use very convenient wallet for every coin/token that I have. No problem, glad I helped.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
i'm planning to add Stellar(XLM) in my holdings since nakikitaan ko ng maganda potential ang currency na ito sa mga susunod na taon.

having this thread nakakita na ako ng magandang wallet na gamitin so for OP salamat ng marami dito,and this moment ay ginagawa ko na ang instructions mo.sharing the threads also sa groups para magkaron sila ng idea.
legendary
Activity: 2058
Merit: 1315
Oo bro tama ka diyan. Madaming token based on stellar blockchain need ng custom add. Same how it works like Imtoken ang Lobstr only differencr is you need the website domain rather than contract address ng erc20 token and actually ganito ka efficient yung mga hinahanap ko na wallet for different blockchains kaya pinost ko na din ito. Stellarport ayos din, pero gusto ko kasi yung interface ng lobstr more attractive sa mga users.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1147
https://bitcoincleanup.com/
This is the XLM wallet that I am using.

Not many are using transacting in Stellar at gumagamit ng mga wallets nito.

Madalas nagagamit lang ito ng mga bounty hunters kapag based on stellar yung nasalihan na campaign and one of the main issue nila dito ay hindi alam kung paano mag-add ng token sa wallet o yung pag-create ng tinatawag na "trustline". Unlike other blockchains na kailangan mong i-add by contract address, website lang ang kailangan for stellar.

Sa case ni Lobstr, ito lang mga kailangan gawin pra masama sa listahan yung bagong token:
(this after setting up your wallet)

Click Assets > Add new asset > All Assets > Add Other Asset > Add the official website of the token in the domain field > Search

After mo gawin yung steps na yan, added na yung token sa Asset list mo.




Kung gumagamit naman kayo ng ibang wallet like stellartport, eto naman yung guide nila to add trustline
https://stellarportio.zendesk.com/hc/en-us/articles/360004724893-Add-a-Trustline-to-Your-Stellar-Wallet
legendary
Activity: 2058
Merit: 1315
Sa mga gustong magkaroon ng XLM wallet address, I recommend Lobstr. Maganda siya at simple lang gamitin dahil diyan, Ishahare ko sa inyo itong pag set up ng Lobstr web wallet para sa mga wala pang xlm addresses.

Una ay bisitahin muna ang official website ng Stellar

Sa kanang bahagi ay makikita ang wallets na seksyon iclick ninyo ito.




Pag ka click ninyo ay lalabas na ang mga third party app and web wallets na nagsususporta ng xlm or lumens.





Pagkatapos ninyong piliin ang Lobstr idederekta kayo nio sa registration page

https://lobstr.co/authorization/signup/

Maaari ninyong gamitin ang inyong email, ang account sa Facebook, Google or ang inyong numero.

Kapag kayo ay handa na magregister iclick lamang ang sign up.




Kung ang inyong ginamit ay ang inyong email. Kailangan pa ninyo itong ikumpirma sa mismong email na inyong ginamit. Para maactivate ang inyong pag sign up.



Pumunta lamang sa inyong email at icheck ang email ng Lobstr at iclick ang here.




Makikita ninyo ang kumpirmasyon na ang account ay activated na. Maaari na kayong magsign in at gumawa ng stellar wallet.





Ngayong activated na ang inyong account. Kailangan na ninyo gumwa ng stellar wallet.

Para gawin ito ay, gumawa ng unique na username at iclick ang Create Account




Pagkatapos ay lalabas na ang Recovery code. Ito ay importanteng bagay kung sakaling makalimutan ninyo ang inyong password na puwedeng gamitin para maretrieve ang inyong account. Mas magandang inyong isulat ito sa papel at itago sa ligtas na lalagyanan.


Lagyan ng check ang mga tick box kung ito ay inyo ng nakopya at naitabi. At iclick ang OK




And Hooray mayroon ka ng Stellar wallet at username.




Sa home ng website ay makikita ninyo ang inyong XLm dashboard ganun din ang market chart nito.




Kung gusto ninyong mag send ng xlm sa ibang account. Click lamang ang send sa menu or kanang itaas ng inyong dashboard.



Pag ka click ay may lalabas na Send Payment Window at dito ay kailangan ninyong isulat ang xlm address nila or username. Ang amoung at ganun din ang message memo. Kung handa na at tama lahat ng detalye ay iclick na ang send. Agaran ito ay mapoproseso.





Kapag kayo naman ang tatanggap mula sa ibang tao ng lumens or xlm ibigay ninyo lamang ang inyong xlm address or ang xlm username na inyong ginawa sa pagregister or maaari din kayong mag request ng xlm sa kanila

Iclick lamang ang Request Money




Pag kaclick ninyo ay may lalabas ulit na window. Kopyahin lamang ang address ng magbibigay sa inyo, ang amount, at ang message na kanilang ginawa at iclick ang Request kung tapos na.




Kung gusto naman ninyong makita ang inyong mga transaksyon na nagawa ay iclick lamang ang History





Kapag ang inyong pinindot naman ay ang access history ay magpapakita lahat ng detalye tulad ng oras ng inyong pag access ng lobstr account.




Kapag kayo ay madalas gumamit at makipag transaksyon gamit ang xlm maaari ninyong isave ang mga xlm address ng inyong pinapadalhan at iclick ang + add contact sa kanang bahagi ng platform





Kopyahin lamang ang xlm address ng inyong mga ilalagay sa contact at lagyan ng deskripsyon, maaaring pangalan nya para madaling matandaan.




Kapah ang inyong pinindot ay Converter maaari na ninyong makita ang palitan ng xlm sa USD.




Kung ayaw naman ninyong gumamit ng web wallet ay maaari kayong magdownload ng app ng Lobstr sa Google Playstore at App Store.

Google Playstore

App Store




Sana ay nakatulong sa inyo kabayan ang Tutorial na ito.

Disclaimer
Ang post na ito ay direktang nilathala sa wikang tagalog at ang mga soure na imahe at iilang detalye ay galing sa website na ito. https://coinwalletguide.com/lobstr-web-wallet
Jump to: