Yung VPN talaga ang risky since pwede talaga ma flagged account natin as suspicious activity at baka dyan pa tayo mag ka error kaya kung kaya naman iwasan wag nalang talaga itong gamitin at kung nag aalangan sila mas mainam pull out na nila pera nila habang kaya pa e access si binance.
- Honestly, ngayon lang ay naglipat na ako ng crypto assets ko mula binance papuntang bybit, nung isang araw kasi nung hindi ko pa nababasa itong ginawa ni op ay hindi na ako makapagaccess kay binance, pero nung ginawa ko itong instruction ni op ay nagkaroon ulit ako ng pagkakataon na makapaglog-in. Kaya sinamantala ko narin na ifullout lahat ng meron ako, though okay pa naman siyang gamitin, kaya lang hindi ko naman gustong ilagay sa risk yung mga assets ko sa binance siyempre.
Actually binasa ko din yung "Term of use" ni Binance tungkol sa Vpn at wala naman akong nabasa na may binanggit sa rules nila tungkol sa word itself na VPN, pero pasok siya dito sa terms of use nila na makikita mo sa larawan na binigay ko sa ibaba;
So ibig sabihin kung dati nakakagamit pa tayo ng VPN dito sa bansa natin, ngayon hindi na pwede yan dahil restricted na yung bansa natin sa Binance, na kung saan ay any moment ay pwedeng materminate yung account natin sa kanila, pero wala rin naman na nakalagay na agad-agad ay blocked or ban na rin yung account mo, dahil siyempre iisipin nila na baka hacker yung gumgamit ng account natin. Kaya nga para wala na tayong alalahanin pa ay sundin nalang natin ang regulation na meron tayo sa bansa natin. At maghanap ng ibang exchange na ipapalit sa binance at tama naman yang pinili mo na bybit dahil ginagamit ko din yan mate.