Author

Topic: Tutorial Understanding sa LIQUIDITY (Read 53 times)

sr. member
Activity: 952
Merit: 303
June 13, 2024, 05:22:22 AM
#7
Maraming salamat sa inyong pagbahagi ng kaalaman lalo na kay OP. Napakalaking tulong nito lalo na sa mga baguhan sa mundo ng trading, malinaw ang paliwanag at madaling maintindhan. Mahirap talaga ang trading lalo na kung hindi mo pa lubos na nauunawaan ang mga terminologies and concept nito which is normal lang naman sa mga newbies. Ang mahalaga ay patuloy kang natututo at nagpupursige.

Ako naman sa spot trading lang ang karanasan ko, di ko pa na try mag future trading...

            -   Yep, sang-ayon ako sa sinabi mo simple yung paliwanag at intindido hindi nga siya mahirap unawain, mabuti nalang ay meron tayong mga kasama sa ating lokal na may kayang ipaliwanag sa simpleng paraan sa lengguwahe natin, kasi kapag sa english lang natin nabasa hindi natin maabsorb ng eksaktong understanding dun mismo sa binasa natin.

At madaming mga kababayan natin ang ganun ang pakiramdam nil, oo naintindihan nila ang kanilang binasa pero yung translation ng kanilang pagkaintindi ay hindi parin maituturing na 100% talaga dahil iba parin sa salita natin pinapaliwanag. Ako ganun kasi mas nauunawaan ko ng 100% kapag lengguwahe talaga natin. Kaya salamat din kay op. Sana maipaliwanag nya din mga type of liquidity at type of liquidity action para narin sa kapakananan ng ibang mga kasama natin dito sa ating lokal section.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
June 13, 2024, 01:45:50 AM
#6
Maraming salamat sa inyong pagbahagi ng kaalaman lalo na kay OP. Napakalaking tulong nito lalo na sa mga baguhan sa mundo ng trading, malinaw ang paliwanag at madaling maintindhan. Mahirap talaga ang trading lalo na kung hindi mo pa lubos na nauunawaan ang mga terminologies and concept nito which is normal lang naman sa mga newbies. Ang mahalaga ay patuloy kang natututo at nagpupursige.

Ako naman sa spot trading lang ang karanasan ko, di ko pa na try mag future trading...
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
June 13, 2024, 12:59:05 AM
#5
Dagdag ko na rin ito OP, ito ay based on my experience lamang po.

Kung gusto niyong malaman kung hanggang saan pupunta ang liquidity grab para mamaximize natin yung profit natin per trade, check niyo lang lagi yung higher timeframe na FVG (fair value gap) the higher the timeframe the more it will attract price. Wag niyo rin kalimutan mag-tp sa mga ERL para wala pa ring talo just in case mag-bounce back yung entry nyo sa entry point nyo after mahit yung first TP nyo.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
June 12, 2024, 03:46:15 AM
#4
Nice one OP. Marami matutulungan ng thread na to to especially mga nebies na nagbabalak sumabak sa trading. Actually nagself study ako trading right now as in deretsahan sa live chart pero di ko pa alam yung ibang mga terms to be honest which is nakakatawa though nanunuod din naman ako sa YouTube kaso nakakalito sa sobrang dame but yeah I am a newbie so it is acceptable and a thread like this is no doubt very helpful to someone like me.

Kung derekta agad ang ginawa mo for sure puro negative zero lagi kinahinatnan ng ginawa mo kung sa futures ka pumasok hehehe... Alam mo madali lang naman intindihin ang trading kung sa spot palang ay lumalim na yung understanding mo sa trading.

Pero kung mababaw palang ang understanding mo sa spot trading at pumasok kapa sa futures trading mas malilintikan ang fund mo for sure. Oo, andun na tayo nagsasagawa ka ng analisis, pero hindi ganun kadali gawin yun though madali siyang gawin, pero sa actual application ng pag-analisa hindi siya madali talaga, dahil kumbinasyon ito ng ating emosyon at tamang analisis para makakuha tayo ng profit. Pero maybe one of this day I will give some basic understanding sa futures trading.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
June 11, 2024, 09:34:33 AM
#3
Nice one OP. Marami matutulungan ng thread na to to especially mga nebies na nagbabalak sumabak sa trading. Actually nagself study ako trading right now as in deretsahan sa live chart pero di ko pa alam yung ibang mga terms to be honest which is nakakatawa though nanunuod din naman ako sa YouTube kaso nakakalito sa sobrang dame but yeah I am a newbie so it is acceptable and a thread like this is no doubt very helpful to someone like me.
member
Activity: 560
Merit: 17
Eloncoin.org - Mars, here we come!
June 10, 2024, 06:34:42 PM
#2
     Salamat sa pagbigay ng malinaw na paliwanag tungkol sa liquidity kabayan, mukhang nalinawan ko narin ng husto yung nagagawa ng liquidity dahil sa ginawa mo na ito op, oo tama ka nababasa ko lang na merong liquidity pero yung lalim na sinasabi mo ay hindi ko nga din ganun pa nalalaman nga.

     Ibig sabihin dahil sa mga pinaliwanag mo dito yan pala ang halaga na dapat meron tayong pagkaunawa sa liquidity na bahagi sa lahat ng aspeto ng crypto trading na ating ginagalawan malaking bagay at tulong ito sa community narin sa ating lokal section.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
June 10, 2024, 10:32:42 AM
#1
Helo sa mga kababayan ko dito, ngayon may nais lang akong ibahagi sa inyo dito na gusto ko rin na mapag-usapan natin dito sa section na para magkaroon tayo ng bigayang kuro-kuro sa bagay na ito. Madami sa atin dito maaring laging nababasa or napapanuod ang salitang LIQUIDTY pero ang karamihan na mga kapwa kababayan natin sa field ng crypto ay hindi pa talaga ito nauunawaan ng malaliman.

Kung kaya naman ibabahagi ko sa inyo yung konting nalalaman ko tungkol sa bagay na ito. Ang Liquidity ang isa sa mga kailangan natin sa trading na nakakalimutan ng most traders at hindi nila napapansin ito.  Sabi nga nila " Kung hindi mo ang alam ang liquidity sa market then ikaw ang Liquidity ". So, para hindi tayo maging liquidity kailangan nating alamin o maidentify sa market.

So ang Liquidity ito yung kung gaano kabilis ang isang asset na maconvert into cash. Ibig sabihin the more na mabilis mabenta ang isang asset sa price ay  meaning mabilis at malakas ang liquidity dun, madaming demand, mataas ang supply, or mataas and trading volume sa price na yun, in short ito yung open order o PERA. Pero kung mababa ang liquidity ng isang asset ay mahihirapan ka naman na maibenta ito dahil walang masyadong demand sa area na yun.

Halimbawa nagbebenta ka ng isang Pillow tapos ang halaga ay 100k sa currency natin ay sino naman ang bibili nyan? diba wala? kasi wala naman naghahanap at walang demand at sa quality ng Pillow. Maliban nalang meron akong iphone 15 na ibebenta ko ng 20 thousand pesos for sure madaming magtatanung nyan kung available pa, kung original ba yan, so basically ganito yung kalakaran sa liquidity.

The core of LIQUIDITY

Buystop liquidity(BSL) - ito yung other words na RESISTANCE, ito rin yung the usual and common na nasa itaas. So bakit ganun hindi sa baba yung buy side eh sa baba nga tayo bumibili diba then negbebenta sa itaas? diba? Ang sagot ay dahil sa area ng Resistance dyan madaming STOP LOSS, kapag nabasag kasi yung Resistance ay madaming orders ang mag-aactivate, at karamihan na mag-aactivate ay mga Buy orders.

Kung mapapansin din ninyo two words itong BSL, ito yung BUY and STOP.

Sellstop liquidity(SSL) - ito naman yung kabaligtaran ng Buystop ganun lang yun.

Type of Liquidity

1. Candle liquidity
2. Liquidity level
3. Trend Liquidity

Type of liquidity Action

1. Liquidity Hunt
2. Liquidity Grab
3. Liquidity Clear out

Reference: Ano ang kahulugan ng Liquidity?

Kung may tanung kayo, ipost nio lang sasagutin ko sa abot ng aking pagkaunawa at makakaya. Salamat Smiley
Jump to: