Hello everyone, para sa mga old timer na dito sa crypto at mga baguhan, sigurado eh pamilyar na kayo or narinig na ninyo ang CoinMarketCap sa Internet or mga kaibigan ninyo sa Crypto society.
Pero para sa mga hindi pa, at gustong malaman ang tungkol dito, Ipapakilala ko kayo at ibabahagi ang mga bagay at proseso kung paano sa inyo makakatulong ito sa inyong crypto activity, ma pa trading, investing, or pag monitor ng inyong mga asset.
Ang CryptoMarketCap ay isang website na nagbabahagi ng mga mahahalagang inpormasyon, statistika, at mga replikas, ng datos tungkol sa ibat ibang cryptocurrencies. Gusto ba ninyong matutunan ang mga ibat ibang aspeto kung paano magamit ang CoinMarketCap? Kung Oo, ay ito na simulan na natin ang Tutorial na ito. Ibabahagi ko sa inyo ang mga basic features at iba pang mga kagamitan nito na siguradog makakatulong sa inyo.
1.
GLOBAL MARKET METRICSIto ang una natin dapat tignan at maintindihan kapag tayo ay gumagamit ng CoinMarketCap.
Kapag kayo ay bumisita sa kanilang website, makikita ninyo ang mga global metrics sa taas ng homepage. Tama, sa imahe ay makikita ninyo ang mga highlighted na mga importanteng bagay na dapat tignan kapag gusto natin malaman ang estado ng merkado kung ito ba ay maganda or pababa.
Ito ang mga impormasyon na inyong makikita at dapat tignan:
- Ang kabuuan bilang ng cyptocurrencies na nakalista sa CoinMarketCap.
- Kabuuang bilang ng Merkado kung saan makikita ang mga nakalista na coins and tokens.
- Kabuuang bilang ng Global Market Cap. O ang statistiko kung saan malalaman natin gaano kalaki ang pera na umiikot sa buong industriya ng cryptocurrencies. (Kapag inyong pinindot and statistic amount dadalhin kayo sa graphical data patungkol sa mga teknical na galaw ng bawat cryptocurrencies).
- Kabuuang 24 Oras na volume or dami na naiproseso or natransact sa lahat ng merkado ng mga tokens or coins na nakalista sa CoinMarketCap.
- Bitcoin Dominance, ito ang percentage kung saan malalaman natin kung ang kanyang value ay bumaba versus sa buong market, Kapag ang BD ay bumababa ibig sabihin ay umaabante ang ibang tokens o coins sa merkado. Ang pag compute neto ay (Bitcoin Market Cap/ Total market Cap)
Sa ngayon 2019 ang Bitcoin Dominance ay ?? sa oras na aking inilathala ang post na ito.
2.
ACCURATE COIN METRICSIto ay ang seksyon kung saan makikita ninyo ang individual na mga datos at statistiko ng coin na inyong gustong tignan.
Ang mga sumusunod ay inyong makikita:
- Market Capitilization
- Trading Volume
- Presyo (Maari ninyong baguhin ito sa ating currency na PHP)
- Ang Supply, na umiikot sa buong merkado at, ang kabuuang supply nito.
- Mga Charts ng Impormasyon.
Sa charts, ay maaari ninyong makita ang mga kaibahan sa araw, linggo, buwan, at higit pa para malaman ang statistikang pagbabago ng presyo ng coin na inyong tinigtignan.
3.
RESEARCH OPTION FOR CRYPTOCURRENCY TOKENS OR COINSDito ay ang seksyon kung saan puwede ninyong madaliang mahanap ang inyong hinahanap na token or coin, subalit ang mga token or coins lamang na nakalista sa CoinMarketCap ang maari ninyong hanapin dito. Itype lamanag ang symbol ng token at ito ay lalabas na, at pag ka pindot ninyo ay magpapakita na ang mga impormasyon sa number 2 seksyon sa taas.
4.
MGA GRAPIKAL NA DATOSSa seksyon na ito, makikita ninyo ang mga graphs na kung kayo ay nagttrade sa merkado ay makakatulong ng malaki sa pag analisa ng mga datos na nakapaloob sa historikal na presyo ng bawat mga tokens at coins.
Para makita ang datos ng graph ay inyong scroll pababa at makikita na ninyo ang mga ito. Maari ninyo din baguhin ang oras or peryodiko nito, maaaring Isang taon, tatlong buwan, isang buwan, isang linggo or isang araw na datos ng volume o ang mga trades na nagawa.
5.
MGA IMPORTANTENG WEBSITE O LINKS NG MGA COINS OR TOKENSKapag inyong pinindot ang isang coin or token na nakalista sa CoinMarketCap ay makikita ninyo base sa imahe ang mga sumusunod na bagay.
- Opisyal na website.
- Blockchain Explorer
- Mga Sosyal na Grupo tulad ng Telegram, Discord at iba pa.
- Teknikal na Dokumento tulad ng whitepaper at iba pa
- At kung siya ba ay token or coin.
6.
MGA MALALAKING MERKADO BASE SA VOLUMEAng pinakamahalaga sa merkado ay ang market or exchange na ating pinupuntahan para ibenta at mag bili ng mga tokens or coins ay malaki at meron liquidity. Sa CoinMarketCap ay makikita ang top 100 na merkado. Para ito ay makita ay, pindutin lamang ang Exchanges na seksyon at makikita na ang mga listahan ng mga ito.
7.
MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA MERKADOKung ikaw ay nagnanais malaman ang bawat detalye sa mga merkadong nakalista sa CoinMarketCap ay puwede mo itong makita. Piliin lamang ang merkado na gusto at makikita na ang mga mahahalagang impormasyon tungkol dito.
Tulad ng:
- Opisyal na website
- Mga Pangsosyalan na grupo
- Teknikal na support link
- Mga coins or tokens na nakalista sa kanilang merkado
8.
MERKADO KUNG SAAN MAAARI MABILI ANG INYONG GUSTONG COIN O TOKENPara malaman kung saan merkado ito makikita, Pumunta lamang sa search option ng CoinMarketCap at hanapin ang inyong gustong coin o token, sa ibaba nito ay makikita ang detalye pindutin lamang ang seksyon g merkado at lalabas na ang mga merkado kung saan siya nakalista.
9.
GUMAWA NG WATCHLISTSa CoinMarketCap ay maaari kayong gumawa ng sarili ninyong watchlist, kahit hindi kayo magawa ng premium na account. Sa watchlist makikita ninyo ang mga coin an gustl ninyo lang makita at mamonitor. Para magdagdag ng coin o token sa list ay, bisitahin ang specific na coin o token na dashboard at iclick ang star katulad ng nasa imahe. At sa ilalim nito ay pindutin ang "watch" sa ilalim ng mga impormasyon ng presyo.
10.
MGA TUMAAS AT BUMABA NA TOKEN O COIN SA MARKETMayroon din seksyon na puwede natin makita ang tumaas ang presyo at bumaba na mga tokens at coins sa merkado. Maaari nating tignan ang isang araw na pagbabago, isang linggo at higit pa. Ito ay makakatulong kung ikaa ay naghahanap ng magandang coin o token na puwedeng mainvest amg inyong pera.
Para mas madaling makita, click lamang ang link na ito.
https://coinmarketcap.com/gainers-losers11.
PAGKONVERT NG IBAT IBANG PRESYO NG TOKEN O COINIto ang isang nakakatuwang aplikasyon ng CoinMarketCap dahil maari ninyong malaman ang halaga ng inyong token o coin na katumbas sa ibang mga coin o token katulad ng btc o eth.
12.
ALAMIN ANG MGA DARATING NA EVENT SA BLOCKCHAIN AT CRYPTOCURRENCYMayroon din ang CoinMarketCap na seksyon kung saan maaari natin matignan or maantabayan ang mga darating na event na maaari makatulong sa atin sa pag trade sa merkado. Kadalasan ay pag may magandang balita sa isang coin o token eh biglang tumataas ang presyo nito ganun din ang pagbaba kung may hindi inaasahan na balita tungkol dito.
13.
HISTORIKAL NA DATOSKung ikaw ay isang baguhan at nagaaral ng tamang pag trade sa merkado, magandang alamin natin kung paano makakatulong ang mga historikal na datos mula sa mga noon na trading ng mga token o coin dahil maaari itong makapagbigay sa atin ng tulong sa pagisip or lohika kung ano ang magiging takbo ng presyo ng mga token o coin sa merkado.
Maswerte tayo dahil ang ganitong impormasyon sa iba ay kailangan pang bayaran ngunit sa CoinMarketCap ito ay libre nating nakikita at nagagamit.
Para ito ay makita, hanapin lamang ito sa dashboard ng coin o token na ating gustong tignan.
14.
HISTORIKAL NA SNAPSHOTSAng seksyon na ito ay napakagaling. Dahil maaari mong makita ang kabuuan galaw ng mga token o coin sa mga nagdaan na panahon. Maaari mong makita ang dating presyo at maikumpara sa presyo ngayon at baka magulat ka na grabe na pala ang tinaas.
Para inyong magamit ito, pumunta lamang sa seksyon ng “Tools”tapos hanapin ang “Historical Snapshots.” at ayan makikita na ninyo ang mga snapshots ng mga token o coin.
Sana ay nakatulong sa inyo ang
TUTORIAL na ito. Lahat ng imahe at mga reference ng topic na ito ay binase sa article na ito.
https://cryptomaniaks.com/how-to-use-coinmarketcap-tutorial