Author

Topic: [TUTS] Paramihin ang iyong POS Coins gamit ang VPS (VPS STAKING) (Read 199 times)

legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Update:  After a week of setting up my VPS wallet for staking, ok naman ang takbo nya.  Ginamit ko ang Energi katulad ng nasa tutorial, so far sa isang linggong paghihintay twice lang siyang nagstake.  From 84 NRG nagstake siya ng twice na tig 2.2 NRG.  Not bad since ang price ni NRG ay naglalaro sa $3.7 at $4.5.  Wala rin naman naging problema sa VPS na ginamit ko.  Susubukan ko pag magsetup ng isa pang VPS gamit namang ang ibang coins.  Kapag nasetup ko na siya ishare ko rin dito ang experience ko about dun sa bagong plano.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
I am very interested in this masternode/POS thing pero one constraint ang pumipigil sa akin at iyon ay ang kailangan na ang internet connection mo sa gumagana 24/7 which is very impossible for me. With your experience in staking, ano ang maipapayo mo sa gustong pumasok sa ganitong larangan kabayan? Your recommended VPS service, na subok mo na. Sana ay may oras ka to further discuss your experience in staking.

Medyo mahirap ang pagsetup sa VPS lalo na kung newbie pa lang tayo.  May mga guide naman sa internet para sa pagsetup ng isang staking wallet sa VPS ang problema lang yung iba is obsolete na meaning magkakaroon na ng error pero open naman ang mga support channel ng ibang coins sa mga technical question.  About sa staking sa VPS, maganda talaga ang pagsetup nito dahil 24/7 nakaopen ang wallet mo for staking.  Meaning patuloy na magaacumulate ito ng weights para magstake.  Ang maganda dito, 24/7 din ang pagcompete nya para sa pagstake.  Sa ngayon, pwede magsetup ng 1 month staking sa halagang $3.5 - $5, ang maganda dito may mga promo ang mga vps provider ng hanggang 90%. Kapag nakakuha ka ng magandang guide about sa pagsetup, wala kang magiging problema sa pagsunod dito.  Like for example, yang guide ng energi, need mo ng ubunto 18.04 , kapag ganyang OS ang gamit mo wala kang makakaharap na problema sa guide nya.  Kadalasan din kasi sa mga guide is from linux kaya medyo naninibago tayo dahil sanay tayo kay windows, pero may mga vps din namang window OS mas mahal nga lang ng konte.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
I am very interested in this masternode/POS thing pero one constraint ang pumipigil sa akin at iyon ay ang kailangan na ang internet connection mo sa gumagana 24/7 which is very impossible for me. With your experience in staking, ano ang maipapayo mo sa gustong pumasok sa ganitong larangan kabayan? Your recommended VPS service, na subok mo na. Sana ay may oras ka to further discuss your experience in staking.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Nais kong ibahagi sa inyo ang isang guideline kung paano magstake ng token gamit ang Virtual Private Server.  Napakahalagang matutunan ito lalo na ang mga kasamahan natin na mahilig mangolekta ng mga Proof of Stake coins at token.  

Mga kakailanganin:
  • VPS service na maaring bayaran ng cryptocurrency.
  • Proof of stake Coins/Token
  • Kailangang Software
  • Guide



VPS service accepting Bitcoin and other cryptocurrency
May mga VPS na pwedeng bayaran ng credit card o paypal subalit mas kumportable tayo kung ito ay tatanggap ng cryptocurrency dahil kadalasan sa atin ay walang Credit card, Visa Card at Paypal.  Narito ang mga listahan ng mga VPS service na tumatanggap ng Cryptocurrency:



Note: ang ginamit ko dito ay ang cinfu.com service dahil sa mura ang kanilang charge at may 50% discount for newcustomer.


Proof of Stake Coins/Token
Maari tayong pumili kung anong token ang magandang istake pero sa tuts na ito ay pipiliin ko ang Energi (NRG) dahil sa magandang sistema ng proyektong ito.


Note:  Nangangailangan lamang ng 1 NRG coins para makapagsimula ng staking.  Ayon sa kalkulasyon kada 100 NRG ay pwede kumita ng $0.5 per day.  Ang maganda dito  ang proof of stake ay napatunayang nagbibigay ng compounding profit dahil ang mga nastake na coins ay magmamature at magiistake rin.



Kailangang Software




Guide:
Ang guide na ito ay magtuturo kung anu-anong command ang kailangan para sa pagsetup ng VPS para iready sa coin staking.


Note:  Mangyari lamang na sunding mabuti ang guide.  Mukha lang siyang mahirap pero kung susundin mo ang mga command line ay sadyang napakadali lang pala


Kalkulasyon at Pagtatapos

Kung aalisin natin sa gastusin ang bibilhing coins o token, maari na pala tayong magsimula ng pagstake sa VPS sa napakababang halagang $3.75 (less than Php200) less 50% off kung gagamitin natin ang voucher discount sa cinfu.com ang problema lang is ubunto 16.04 ang gamit dito.  Ang latest na magandang gamitin ay ubunto 18.04, maari nyong subukan ang time4vps para sa isang buwan na may hanggang 90% na discount, mas madali kasi ang pagsetup sa os na yan.  Kapag ito ay ating nagawa ng maayos ay makakapg stake tayo ng 24/7 at  bukod sa staking may mga option din ang mga PoS token at coins ng pagiging masternode na maari ring tugunan ng VPS setup na ginawa natin. Nangangailangan lang na ma meet ng setup ang kinakailangang coins para maging masternode kung saan sa NRG ay kailangan ng 10k NRG.  

Kung nais  naman nating mag-stake ng ibang coins o token, maari nating palitan ng napili nating Coins ang wallet na iiinstall natin sa vps.



Note: Hindi ko na isinalin ang mga nilalaman ng mga links na nakapaloob diyan dahil magiging napakahaba ng thread na ito na dahilan para tamarin ang mga nagbabasa.
Jump to: