Author

Topic: up to 4% INTEREST RATE? or Binance Savings (Read 395 times)

legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
January 08, 2021, 02:59:11 AM
#7
Though nagulat ako na rank 5 sila sa Southeast asia ?
baka naman kasi nagstart talaga sila sa foreign countries and mas laganap ang CIMB dun at talagang dito sa atin ay bagong Bank lang sila? Dahil halos naman lahat satin ay Metro, Union, BDO, BPI, LandBank, etc... na kilala na natin noon pa...

Natry ko na toh sa GSAVE, meron pa nga yan Auto Debit sa savings mo sa Gcash(sinesetup)  and napansin ko kahit 100 lang eh meron kang tinutubo weekly ata or baka nga monthly din dahil hindi ko napapansin...
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
December 30, 2020, 09:18:53 PM
#6
Though nagulat ako na rank 5 sila sa Southeast asia ? but just recently ko lang narinig ang bank na to kung hindi pa inalok ng office mate ko na try ko daw since na digital bank daw sila,but its good na They are offering 4%  Annually ba to? But sa mga tulad nating nasa crypto ? na saksi sa kakayahan ng pera nating kumita ng sobrang higit sa 4% ? i think stay nalang ako sa crypto coins , Pwede kong abangan Holding ko na siguradong hihigit sa 4% monthly ,specially sa tulad kong sigurista sa cons na hahawakan ,and besides kung savings lang din ang pag uusapan eh matagalang Hintayan to, bakit hindi nalang sa Bitcoin ko ilagay ,para mas sigurado akong kakayanin ang interest rate ng higit pa.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
December 30, 2020, 09:28:24 AM
#5
Kung ako tatanungin mas kampante ako na iliagay nalang sa btc kesa sa digital bank at naliliitan ako sa ganyan pero kung tutuusin nga mas ok na yan kumpara sa traditional bank na kakarampot ang interest rate pero ok na rin yan wala naman ginagwa tutubo pera mo pero nasa crypto na tayo na mas malaki ang possible income bat lalayo pa tayo yung interest rate na yan kung ilagay mo pera mo sa btc isang araw lang yan.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
December 30, 2020, 08:38:06 AM
#4
Dyan kasi sa CIMB, regulated yan ng BSP kaya kahit may mangyaring hindi maganda sa kanila, naka secure yung deposit mo at covered ng PDIC. Pero kung sa Binance, kung ma-hack man sila ulit, nasa sa kanila na yun na kung kasama ka sa apektado ng hack na yun. Pwedeng oo, irefund nila at pwede ring hindi, katulad ng ibang exchange kapag naha-hack sila. Nauuso na ang digital banking at isa itong CIMB sa nauna. Pero meron din yung Unionbank. Nasa sayo yan kung anong prefer mo, meron nga din yung sa Abra interest accounts. Kung may extra ka namang pera na hindi mo ginagamit, i-save mo sa kanila para tutubo kahit papano.

legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
December 30, 2020, 05:44:35 AM
#3
Medyo marami na nga akong nakikita tungkol dito sa CIMB as of late. Gumawa na rin ako ng inquiries tungkol dito at sa kanilang inooffer na interest rate. Kung tutuusin, malaki nga naman talaga ang 4% per annum, pero may catch as per the website itself: kailangan mo muna ng 100k pesos balance sa iyong GSave/UpSave account bago ka magqualify sa program. It's actually good kung ganun kalaki ang savings mo, pero para sa karamihan sa atin medyo hindi siya pasok sa budget at need ng ibang way para maka-take advantage sa ganitong mga rates. Overall though, maganda ang offering, at for sure sa simula lang ito given na bago lang halos ang CIMB bank, so they need initial investors and budget para mag-expand.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
December 30, 2020, 03:19:12 AM
#2
Medyo bago pa siguro ang banko na ito kaya ganyan ang interest rate ng mga nagpapasok ng pera. Maganda nga yang banko na yan maganda ang benepisyo na once na nagpasok ka ng pera ay magkakaroon ng tubo at malaki din hindi katulad sa ibang banko na talaga namang napakaliit ng tubo na talaga namang savings lang gagawin mo sa bank na yan iyan habang nag iipon ka nagkakaroon ng tubo try ko rin yan next time.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
December 29, 2020, 11:00:18 PM
#1
Medjo nagtrending itong post na ito sa Facebook, dahil na rin siguro sa mataas na interest rate.

Quote
Flex ko lang CIMB Bank PH, share ko lang kasi ito ang d best savings bank ever based on my experience. Kung may Gcash ka, basahin mo to.

Sila ang first ever Digital Bank sa Pilipinas, sila rin ay 5th largest bank sa buong South East Asia.

Pros:
- UP TO 4% INTEREST RATE sa savings account. So kung yayamanin ka at 300k ang deposit mo, may 1k ka monthly!
- NO MAINTAINING BALANCE, walang penalty kahit ma zero balance ka.
- FREE ATM CARD pagkinumpleto mo yung application sa CIMB app. Free delivery pa.
- FREE WITHRAWAL sa kahit anong ATM nationwide, mapa BDO man yan o BPI, pwede ka magwithraw kahit saang ATM. Libre!
- FREE DEPOSIT, libre ang fund transfer from any banks, pero pinaka dbest if GCash ang gamit kasi built in siya dun.
- MABILIS ANG APP, di tulad ng ibang banko na laging sira ang app lalo na pag sahod.
- INSURED ANG PERA mo sa PDIC just like other banks.

Cons:
- Wala masyadong physical branches, pero para sakin ok lang naman. Kung may marami silang branch, malamang hindi sila 4% interest rate.
- Hindi pa siya trusted ng mga boomers, siguro dahil pure digital bank only siya. Hindi naman sila sanay sa ganto. 😛
- Kailangan maingat ka at proficient ka sa mobile banking, medyo kumplikado kasi sa una.

Try niyo rin, punta lang kayo sa "save money" (GSave) ng GCash app niyo, sundan niyo instructions. 😃

UPDATE: Para makakuha kayo ng card, download lang ng cimb app, connect gsave then complete niyo yung instructions ni CIMB. One of it is yung umabot ng 5k yung saving niyo and yung mag



Anong opinyon nyo dito maganda rin kayang kahit papano ay maginvest din sa ganitong savings?

Marami rin naman tayong investments tulad na lang sa Binance kung saan tumutubo din ang pera mo like lock savings or flexible savings.

Source:
https://www.facebook.com/photo/?fbid=3727344343942728&set=a.103035093040356
Jump to: