Bago lang tong IWE sa pandinig, nalaman ko to nung medyo mainit sa tao tong IWE dito sa lugar namin. July to nagumpisa, my friend told me na mag-invest kasi sayang daw, Pero iba yung kutob ko sa ganito. Then this 1st week of November, Nagka-gulo gulo nang malaman ng Governor ng probinsya itong IWE na pinapalakad dito. Dahil walang maipakitang legalities. Pinarefund lahat ng pera, but now wala akong update kung narefund na ba yung mga pera nila o hindi. Kaya sa mga sasabak sa ganito, Think twice.
Last na balita ko may mga partial na narefund. Hindi kaya ibigay ng isang bagsakan lang. Ang masama ang sabi ng iba kaya daw walang marefund ay dahil meron daw na VIP investors which are politiko na pati tubo ay kinuha na dapat ay puhunan lang daw.
Eto na nga ba sinasabi ko,Kaya malalakas ang loob ng mga to ay merong nakasabit na Matataas at prominenteng tao,Dapat ilabas nila mga pangalan nito para mas mapadali ang proseso.
dahil ang mag susuffer yong mga ordinaryong tao na wala naman hinangad kondi kumita ng kahit paano though mali sila ng napasukan.
Meron na din na magreklamo sa PAO, pero mas matagal daw mabibigyan yung mga nagreklamo sa PAO. Sa tingin ko di kayang irefund lahat, napakadamo ng pera na dapat ilabas bago maisagawa yun, ei kinukwestyon na daw sila ng bangko.
Pag nagreklamo sa Legal matatagalan talaga kasi merong magiging demand in which sinasabi na ngang hindi agad kayang ibigay.
The thing is baka pag lumamig na issue eh yong mga kakulangan ay malibing na din sa limot.