So para to sa mga interesado sa LSK/BTC na pair yung mga gusto mag trade ng pair na ito. para mag karoon kayo ng mga karagdagan confirmation para mag sagawa ng isang trade. mag sshare ng ako ng idea ko na sa tingin ko may maitutulong sa inyo.
ITO AY PAWANG SPECULATIONS KO LAMANG. IKAW PADIN ANG MAY KAKAYAHAN AT MAG DEDESISYON KUNG ITO BA AY SUSUNDIN MO O HINDI.
Pwede ka mag comment dito sa thread na ito kung balak mo naman mag bigay ng karagdagan impormasyon tungkol dito. para maka tulong nadin sa mga tao na makakabasa ng thread na ito.
Ito ang Daily chart ng LSK/BTC (BLUE)
*Gumuhit ako ng blue line na sa tingin ko ito ang Support and Resistance ng daily chart. Napansin ko kase na dito madalas nag Stop over ang price kaya tingin ko dito ang Support and Resistance ng asset na ito
*Malinaw ninyo na makikita na ang Price ang tumagos sa support (isang malaking indikasyon o confirmation na ito ay mas lalong baba o hihina pa ang LSK kontra BTC)
*Sa tingin ko ngayon ng ang magandang pagkakataon para mag sell kau ng coins nyo dahil ito ay nka PULLBACK na.
*Pede din naman mag hold kau kaso tutulog ang pera ninyo sa asset na ito. tingin ko matagal pa bago tumaas ulet ito
Ito ang 4H chart ng LSK/BTC (GREEN)
*Gumuhit ako ng green na line na sa tingin ko ito ang support ang resistance ng 4H chart ng LSK/BTC
*Malinaw ninyo makikita na may nabubuong support and resistance. (malaki na ang chance na mahirapan na makabalik sa dating price ito dahil nag kakaroon na ito na parang kisame na humaharang sa pag balik nito)
*Ang price ay naka pag retest na sa tingin ko ang kasunod nito ay mag rrally na ito pa ibaba.
*Pansinin ninyo ang kasalukuyang candle. mahabang kulay pula na.. sa tingin ko nagaganap na ang pag rally ng price pa ibaba at ito ay mg papatulog pa sa mga susunod na candle na gagawin nito.
NOTE:
*Sa aking palagay mas makakabuting wag muna mag invest sa asset na ito kung ikaw ay long term trader dahil ang price ay patuloy na bumababa
*Kung ikaw naman ang daily trader mag hintay ka lamang ng ilang araw upang maka tsempo sa pag pullback nito.
*Sa mga nag invest naman dito. tingin ko ngayon ang magandang pag kakataon upang mag sell na dito habang ang price ay mataas pa. kikita pa ang mga trader na bumili ng coin na ito nung 04/01/2018 dahil sumakto kau sa pullback.
mag pasok lamang kayo ng pera na kaya nyo ipatalo para hindi ma apektuhan ang mga diskarteng gagawin ninyo sa trading. Walang 100% sa trading. kung gusto mo ng 100% n kita wag ito ang pasukin mo.