Author

Topic: US SEC launches fake cryptocurrency 'sale' to educate about scams (Read 144 times)

full member
Activity: 490
Merit: 106
Marami na rin akong nabasang source tungkol dito pero sa tingin ko hindi fake ang balita na ito. Well maganda naman ito lalo na't maraming tao ngayon ay invest lang ng invest sa mga ICOs kahit na hindi naman nila naiintindihan kung anong silbi nproject nila o kaya naman invest lang kahit hindi nag reresearch kung scam lang ba ito o hindi. Marami din yung alam na nga na ganito ang kalakran, hindi parin titigil hangga't hindi nararanasan. Hindi ko sinasabi na wag tayong mag invest sa ICO pero dapat bago ka mag labas ng pera, gawin mo muna yung homework/research mo para hindi ka magsisi sa huli na nag tiwala ka sa project na yun. Good thing na naisipan gawin ng US SEC ito dahil marami nang nabibiktima ng scam/fake ICO.
full member
Activity: 462
Merit: 113
Need me? PM me!
Grabe iyan. Inabot ako ng halos 30 minuto bago ko ma-gets na isa lamang iyang educational tool para maiwasan ang mga scam na ICO. Pero salamat sa SEC, mas marami akong natutunan.

To answer your question, hindi iyan fake news. Even theymos posted that thread just like any other annoucement thread, at ang sabi pa "The Only BitcoinTalk-endorsed ICO," na talaga namang napansin ng ilang mga legendary member dito.

Sa tingin ko, pati ang mga ICO (na legit) ay mas magdadagdag pa ng security o impormasyon para mas masabi na hindi sila tulad ng HoweyCoins na isa lamang palang FAKE ICO.
sr. member
Activity: 700
Merit: 257
Good thing nga po yan dahil para siyang clickbait in a way na makakabuti para sa atin na maging aware at huwag basta basta magpaniwala hindi porket may site at available ang  buong team napakaraming ways para makita kung legit sila, kaya worth it tong basahin guys, take time to read it.
sr. member
Activity: 966
Merit: 275
Ayon sa balita, ang US Securities and Exchange Commission (SEC) noong nakaraan na Mayo 16, US time ay inilunsad ang website ng howeycoins.com, na mukhang katulad ng isa sa mga investments noong kasagsagan ng Bitcoin. Kumpleto sa mga pag-endorso ng mga tanyag na tao, pananaliksik, at mga larawan ng mga tropikal na destinasyon. Ngunit ang lahat ng mga link sa nasabing website patungkol sa mga ICO kapag na-click mo ay magdadala sa iyo sa mga education sites na nagbababala laban sa pagbibigay ng pera sa mga kaduda-dudang investments at walang ginawang masusing pananaliksik.

Ano masasabi ninyo sa balitang ito ng Rappler.com, fake news ba o hindi? Simply click the image below for more details.

Jump to: