Author

Topic: Valid IDs (Read 247 times)

hero member
Activity: 1680
Merit: 655
June 22, 2020, 02:03:27 PM
#3
I believe ang naka-usap mong tao ay isa lamang fixer kasi sa pagkakatanda ko libre lang ang issuance ng TIN ID card ng BIR sa mga respective Regional District Offices nito. If you already have a TIN its as simple as visiting your RDO office and presenting a valid ID identifying your name, the only catch is this valid ID ay dapat isang government-issued ID as well which I think is isa sa mga problema mo. By my experience ang pinaka-madali na makuha na government ID is ang Philippine Post (Philpost) ID which you only need your NSO birth certificate as a requirement when applying for a PhilPost ID, yung maganda kasi na ID na ito is kahit sya yung pinaka madali in terms of requirements recognized pa din sya as a valid government ID by a lot of companies requiring KYC documents kasama na dito ang mga stock brokers and yes ang Coins.ph as well. Also ang TIN ID card isn't as recognized kumpara sa recognition ng Philpost ID.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
June 22, 2020, 01:40:25 PM
#2
I would suggest na personal mong asikasuhin ang tin # mo at wag ka magpapagawa sa kung sinu-sino.  Maaari kasing peke ang inaalok na tin # na iyan at maari kang magkaroon ng problema lalo na kapag nakipagtransact ka na kinakailangan ang TIN #.  If ever na magpapagawa ka ng TIN just make sure to verify it sa BIR para malaman mo na legit siya at pwede mong gamitin.  At isa pa, be aware na ang pagkakaroon ng multiple TIN# ay punishable by law.

Only one Taxpayer identification Number (TIN) shall be assigned to a taxpayer. Any person who shall secure more than one Taxpayer Identification Number shall be criminally liable under the provision of Section 275 on 'Violation of Other Provisions of this Code or Regulations in General'.


Btw, pwede mo icheck itong link para malaman mo kung ano ang need sa pag-aaply ng TIN#: https://www.bir.gov.ph/index.php/registration-requirements/primary-registration/application-for-tin.html
sr. member
Activity: 1932
Merit: 370
June 22, 2020, 11:16:18 AM
#1
Alam naman nating lahat kung gano ka importante ang valid IDs sa mundo na ginagalawan natin, in fact vital sya sa ginagawa natin especially pag kailangan natin gumamit ng service na nagcocomply sa mga batas natin.

May nagaalok kasi sakin na papagawan daw ako ng TIN ID , di ako naging interesado at first kasi mukang hindi legit pero nung naalala ko nung nag veverify ako ng coins.ph nakita ko yun as valid ID.

Have you guys been asked the same offer? I'm wondering kung normal lang ba sya na inaalok just like fixing driver's license.

At mura ba sya sa halagang 300 pesos? I still don't have UMID pa kase or passport which is magagamit mo kahit saan, ang meron lang ako is police clearance and student ID.
Jump to: