20 years old palang po ako, estudyante, pero ang mindset ko ay nasa pagpla-plano na kung paano ko mapapaginhawa ang pamumuhay namin. Nalaman ko ang bitcoin last May lang, nagkaroon agad ako ng interes, sinubukan, walang pondo kaya humiram, kaso na-scam. Hanggang sa natutunan kong mag-gambling, kaso wala ding swerte. Pero hindi ako huminto, last July nalaman ko itong forum. Gaya ng karamihan na newbie, hindi ko rin maintindihan kung anong meron dito at paano kumita rito. Pero habang tumatagal, natuto din ako. Nagpa-rank up muna bilang Jr. Member, tapos ay sumali na ako sa mga social media bounties, sinubukan ang pagtra-translate, sumusubok mag-apply sa signature campaigns pero hindi din pinapalad. Paulit-ulit ko lang ginagawa ang mga ito, at sa halos apat na buwan ko palang dito sa forum ay nakapag-ipon na ako ng halos 1 BTC na siguro (current price ay 1 BTC = 330,000).
Hindi ko akalain na posible palang umabot ng ganun ang pwedeng kitain dito sa forum. Sa ngayon, ginamit ko ang iba sa kinita ko para magpagawa ng sari-sari store, pambili na din ng mga kagamitan sa bahay at nabayaran ko na din ang tuition fee ko ngayong semester. Nasa ibang bansa ang mama ko, at hindi niya alam itong mga pinaggagagawa ko dito sa bahay namin Gra-graduate na ako (sana) sa susunod na taon, hindi ko sinabi sa kanya ang mga ito para masurprise siya pag-uwi niya.
Kayang-kaya tayo tulungan ng bitcoin sa pagpapaginhawa ng buhay natin, kailangan mo lang maging masipag at matiyaga, ay wag bast basta susuko. Kung naguguluhan ka dito sa forum, magbasa ka pa at matututunan mo din lahat Hindi hadlang ang pagiging mahirap. Hindi rin hadlang ang pagiging estudyante, advantage pa nga yun e, bata palang tayo pero may naipundar na. Basta't may sipag at tiyaga at willing talaga kumita, kayang-kaya. Samahan na din ng pagtitiwala sa Bitcoin.
Sa mga may naipundar na din diyan, maliit o malaki man, share niyo naman para lalo pa magka-interes ang mga kapwa natin Pinoy sa Bitcoin At sana, ma-inspire ang mga newbie dito sa kwento ko at sa mga magsha-share pa God bless mga kababayan
Alam mo parehong pareho tayo 19 years old ako at maraming pangarap para sa pamilya at sa pamamagitan ni bitcoin nabayaran namin mga jtang namin na malalaki. Yung pinakaunang signature at social media camp ay sumahod ako ng 300k at hindi ako makapaniwala sa nangyaring iyon sa akin. Kaya swertehan talaga kapag maganda yung sinalihan mong campaign. At last may ko lang din nakilala ang bitcoin at ang forum na ito. Kaya magsikap lang tayo at lahat ng paghihirap natin is worth it. Kaya go lang tayo ng go no matter what?.