Author

Topic: [WARNING] Fake LTO License assistance (Read 118 times)

jr. member
Activity: 119
Merit: 1
October 02, 2021, 08:19:39 AM
#7
Panahon ngayon lalo't pandemic nandyn scammer at sympre,ibang pang pagkakakitaan ng tao na madali,kala nila lahat ng kalokohan di mabubulyaso at isa pa, ung di mo pinaghihirapan na pera ,kala ng iba di maembestigahan,marami yan sa atin at kahit saan man dapat mapagmasid ka at alam mo ung nanyayari sa kapaligiran mo para ,UPDATED DIN.
legendary
Activity: 2534
Merit: 1115
June 06, 2021, 08:38:31 PM
#6
Grabe naman den kase ang itinaas para sa gastos magkaroon ka lang ng license, LTO should work on this para maiwasan maloko ang mga tao and if naging victim ka nito makipagugnayan agad sa awtoridad para mabigyan den ng warning yung iba. From a simple requirement para sa license before, now grabe na ang pagdadaanan mo and I think even if you look for a fixer it will not work anymore.
kung ako tatanungin mo, I like what they did, dapat mahal naman talaga at mahirap ang pagkuha ng lisensya para malaman ng mga kukuha ng lisensya na priviledge ang magkalisensya at hindi karapatang pantao. isang rason kung bakit napakadaming kamote na driver sa pilipinas dahil sa napakadali at napaka murang tests at dahil na rin sa mga fixer at corrupt na nagtatrabaho sa LTO. nakaklungkot lang na ngayon lang nila naiispan na pahirapin ang tests para sa driver liscense.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
June 06, 2021, 12:38:33 AM
#5
Sa pagkakaalam ko ay nabalita na nga din itong ganito pero bago pa man mangyari is nakikita ko na sa mga group na nasalihan ko sa lugar namin kung saan ang ilan sa kanila ay nag sasabi nang "hindi mo na need pumunta pa sa LTO para mag seminar at hindi mo na din kailangan mag hintay ng mahabang oras para lang makuha ung ID mo" pero may ilang tumatangkilik padin dito kasi alam nilang less hassle din ito para sa kanila. Para sa part ko naman mas mainam na sa legit padin tayo dumaan ng transactions sa ngayon nga ay nanghuhuli na sila ng mga fake na license so mas malaki pa nga ata ang magagastusan mo kesa sa legit na ID mo.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
June 05, 2021, 05:11:01 PM
#4
Grabe naman den kase ang itinaas para sa gastos magkaroon ka lang ng license, LTO should work on this para maiwasan maloko ang mga tao and if naging victim ka nito makipagugnayan agad sa awtoridad para mabigyan den ng warning yung iba. From a simple requirement para sa license before, now grabe na ang pagdadaanan mo and I think even if you look for a fixer it will not work anymore.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
June 05, 2021, 02:05:36 AM
#3
Meron na akong lisensya at nung nakita ko yan tapos may nagshare na natulungan daw siya nyan, nilike ko agad kasi kala ko legit tapos ang daming likes ng page. Pero buti nalang nung mismo LTO at iba pang mga officials ang nagpost din na peke lang yan, unlike ko na agad. Kasi nakakahikayat yung post nyan sabi maliit na halaga lang ang ginastos tapos natulungan pa siya mismo. Kaya mag ingat nalang din mga kababayan kapag maglalakad ng lisensya, madali lang naman yan yun nga lang hassle sa oras. Bwenas ko lang talaga na nakakuha na ako bago pa magkaroon ng pandemya at hindi pa masyadong komplikado ang proseso nila.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
June 04, 2021, 06:03:41 PM
#2
Sa sobrang hirap na makakuha ng driver license ngayon, marami ang maeenganyo na magavail sa ganitong service and sana naman ay malaman nila ito na fake sya at wag basta basta magtitiwala especially now na maraming kumakalat na fake drivers license. Luckily, nakakuha na ito noon pa and renewal process nalang ang proproblemahin, pero para sa mga baguhan always go on the right way magagamit mo namann sya so worth it paren ang gagastusin mo as long as direct ka sa LTO makikipagtransact.
legendary
Activity: 2534
Merit: 1115
June 01, 2021, 12:13:49 PM
#1
just a fair warning lang mga kabayan na may isang FB page ang nag papanggap na official LTO page at nag offer ng "legitimate" na lisensya kahit wala ng test na galing sa LTO. not only na icocompromise mo ang personal information mo sa pag kuha ng "lisensya" gamit ang page na yan. ma iimpound din ang iyok sasakyan kung sakaling mahuli ka na peke ang iyong lesensya at malaki rin ang chance na I keep nila ang bayad mo at taguan ka na or hindi na papansinin ang mga complaints mo. I suggest na paki share na lang incase na may kakilala kayo or friends sa fb na balak kumuha ng lisensya galing sa fb page na yan.

   

ito yung post galing kay gadgetaddict kung san ko nakita yung warning
https://www.facebook.com/ytgadgetaddict/posts/345802663568005

dito mo naman makikita yung official post from Asec. Goddes Hope Libiran
https://www.facebook.com/DiyosaLibiran/


just incase na curious ka what other scam or phishing attempts are out there na target ang unsuspecting na mga kababayan natin.
fake BPI Express website
[NEW] Netflix phishing e-mail
UnionBank SMS phishing scam alert!
REMINDER from Coins.ph
[WARNING] FAKE BDO officer
Jump to: