Xian Gaza already made some statements regarding FORSAGE, and so far mas naniniwala pa ako sa credibility ng scammer-turned-anti-scammer na 'to kesa sa ibang personalities ngayon. Xian exposed many crypto-related scams in the past, mostly mga ponzi schemes. Marahil ay kumita nang malaki si Xian at inexpose niya na lang yung mga sinalihan niya bago pa mag crumble.
I'm a fan of Xian Gaza's exposes ( hindi sa pang sscam lol ) he got a very good intelligence team behind him and that's what he all needs para kumita ng pera. Sumubaybay ako sa mga buhay nya after ko malaman na scammer pala sya, I got interests on him simula nung nagkwento sya sa buhay nya at ngayon nga ay nagtatago sa batas ng pilipinas. Pero ang alam ko babalik si Xian sa Pilipinas, ang iniisip ko pano nya lulusutan yung mga kasong naka abang sa kanya dito, pero ganon pa man mas may tiwala ako sa kanya dahil sa mga connection nya rin sa ibang tao.
On a side note, habang dumadami ang mga crypto-related scam sa bansa, malamang ay tataas din talaga ang chance na magkaroon na tayo ng formal and official regulations regarding cryptocurrencies and related services dito, which is a good thing considering na marami pa ring Pinoy ang gullible enough para maniwala dito. NewG, Forsage, at iba iba pang mga crypto-related scams na ang nanalasa sa bansa, at karamihan sa mga kababayan natin ay hindi pa rin natututo.
I see this as a win for us, if we are able to pass a bill or law na mag poprotect sa mga investors towards crypto then maaaring mag boom na rin sya dito sa Pilipinas. Sa nakikita ko kasi masyado pa tayong mababaw pagdating sa mga gantong bagay, marami pa nga ang hindi nakakaalam dito sa totoo lang. After ma expose ng scam na ito sana matuto na ang ibang pinoy na walang easy money pagdating sa investments.