Author

Topic: Web3 Games (Read 169 times)

hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
January 18, 2024, 08:03:13 AM
#15
Axie, Anito Legends at Sandbox. Yan yung mga games na pamilyar ako pero sa Axie lang ako nakapaglaro at nakapag invest. Yung Sandbox, lagi yan naga-appear sa feedback ko na ads nila. Yung Anito Legends, gusto ko suportahan at laruin din kaso nga lang kulang na oras at panahon ko sa mga games ngayon. Ganito na ata talaga kapag tumatanda na.  Cheesy
Tapos meron pang NFT/web3 game na Ragnarok Landverse, di ko alam kung maraming naglalaro niyan dito pero lagi pa din nalabas sa newsfeed ko ang ads nila. Sa totoo lang, para sa akin, yung mga web3 games na ito, hindi siya para talaga kumita ka. Pang enjoyment nalang din tulad ng normal na laro.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
January 17, 2024, 10:00:51 PM
#14
Sa mga nabanggit, sa Axie lang ako pamilyar pero hindi ako nagkaroon ng chance makapaglaro noon dahil ang taas na ng price nya kung bibili ng isang team nung nagkaroon ako ng interes. Eto yung panahong kasikatan ng larong ito na tipong pati kapitbahay namin nag resign sa trabaho para mag full time dahil ang laki nga naman ng kitaan. Ibang Web3 games ang nilaro ko noon, pero sa una lang hype unti-unti rin nag fade yung kasikatan hanggang sa nawala na lang rin.

Hindi ko alam na meron parin pa lang ganitong games sa kasalukuyan. Pero para sakin, ok lang naman mag explore sa ganito dahil wala namang masama kung susubukan lalo na bago pa lang ang laro at may chance mag boom. Pero pag-isipan din natin kung worth it pa ba yung ganito o mas magandang mag focus na lang sa pag trade o pag hold ng established coins.
sr. member
Activity: 1666
Merit: 426
January 14, 2024, 11:56:10 PM
#13
~
Oo kabayan, yan yung mga land na binebenta sa Opensea. Anong land ba binili ng kakilala mo yung regular land ba or premium? pero kung ano man ang kanyang binili siguro malaki na ang kanyang lugi. Chineck ko ang floor price nito at nagrerange nalang ito 0.27 eth hindi gaya dati na lagpas 1 eth ang floor price.
Hindi niya nabanggit sakin kasi sa inuman niya yun pinakita, tingin ko di pa din siya nakakabawi kaso nung 2022 niya pa ata yun pinakita sakin at malaki na daw nalugi niya that time so sangayon ako sa sinasabi mo na lugi na siya. Meron ka din ba niyan kabayan? Nakakapanlumo naman kung ganyan yung palit ng floor price, sana naman may chance pa siya na makabawi dyan sayang kasi kung hindi eh.
sr. member
Activity: 1260
Merit: 315
www.Artemis.co
January 14, 2024, 05:54:45 AM
#12
Medyo madami dami pa ang lalabas na bagong Web3 games, hindi na yun nakakagulat. Pero ang mas nakakagulat para sa akin ay yung muling pagka-hype ng axie infinity. Sobrang dami na ulit nagsi-balikan sa paglalaro dahil sa bagong update sa V2 classic. Sinubukan ko nga ulit maglaro medyo kakaiba na dahil ang daming bago lalo na yung sa 12 wins na kailangan mo ma-achieve ng sunod sunod, 3 lose lang ay ligwak ka na.

Isa pa dun yung dagdag rewards na nakukuha sa chests, dahil makakakuha ka ng golds. May susunod pa daw na mga updates kung saan ginagamit ang golds. Ewan ko lang kung magbabalik muli ang sigla ng paglalaro ng axie pero unti-unti na sila nagpaparamdam lalo sa social media.
sr. member
Activity: 2828
Merit: 357
Eloncoin.org - Mars, here we come!
January 11, 2024, 08:22:58 PM
#11
Naglaro ako ng Pixels kaso na reformat yong tablet na ginagamit ko and di ko na makita paano ko ma recover yong account or mali yata ang na save kong log in details , nag try ako mag ask sa  support pero till now walang naging magandang reply so i gave up.

and about sa Axie naman eh nag scholar lang ako sa pinsan ko so that means ako ang kumita kasi  hindi ako nag hold , bawat send nya ng payment eh cash out agad ako , though na missed ko yong mga hypes pero at least wala akong bitter feeling after mag complete dumping.

Axie Infinity lang yun alam ko sa mga nilista mo na games kabayan at nakakatuwa lang na mayroon pa din sila active playerbase hanggang ngayon, di ko lang alam sa iba pero check ko na din siguro sila for the sake of my curiosity. Parang naintroduce na din sakin yang Sandbox na yan, eto ba yung may lupa kayo na binebenta sa OpenSea? Pinakita 'to sakin dati ng kakilala ko eh at nakakalula yung price nung binili niya pero ang laki daw ng bagsak ng floor price nito pero 'di ko lang alam ngayon kung nakabawi na siya.
Oo kabayan, yan yung mga land na binebenta sa Opensea. Anong land ba binili ng kakilala mo yung regular land ba or premium? pero kung ano man ang kanyang binili siguro malaki na ang kanyang lugi. Chineck ko ang floor price nito at nagrerange nalang ito 0.27 eth hindi gaya dati na lagpas 1 eth ang floor price.
tama , yong Officemate ko naging sandbox player , malaki ang binili nyang kalupaan kaso dahil sa sobrang busy sa work nakalimutan nyang i check from time to time so meaning , Lugi talaga sya now.



______________________________________________

OP congrats for ranking up , now your a Full Member na  at sana mas marami ka pang ma contribute na topics and discussions dito sa local .
full member
Activity: 406
Merit: 109
January 11, 2024, 09:52:47 AM
#10
Axie Infinity lang yun alam ko sa mga nilista mo na games kabayan at nakakatuwa lang na mayroon pa din sila active playerbase hanggang ngayon, di ko lang alam sa iba pero check ko na din siguro sila for the sake of my curiosity. Parang naintroduce na din sakin yang Sandbox na yan, eto ba yung may lupa kayo na binebenta sa OpenSea? Pinakita 'to sakin dati ng kakilala ko eh at nakakalula yung price nung binili niya pero ang laki daw ng bagsak ng floor price nito pero 'di ko lang alam ngayon kung nakabawi na siya.
Oo kabayan, yan yung mga land na binebenta sa Opensea. Anong land ba binili ng kakilala mo yung regular land ba or premium? pero kung ano man ang kanyang binili siguro malaki na ang kanyang lugi. Chineck ko ang floor price nito at nagrerange nalang ito 0.27 eth hindi gaya dati na lagpas 1 eth ang floor price.
sr. member
Activity: 1666
Merit: 426
January 11, 2024, 04:04:32 AM
#9
Axie Infinity lang yun alam ko sa mga nilista mo na games kabayan at nakakatuwa lang na mayroon pa din sila active playerbase hanggang ngayon, di ko lang alam sa iba pero check ko na din siguro sila for the sake of my curiosity. Parang naintroduce na din sakin yang Sandbox na yan, eto ba yung may lupa kayo na binebenta sa OpenSea? Pinakita 'to sakin dati ng kakilala ko eh at nakakalula yung price nung binili niya pero ang laki daw ng bagsak ng floor price nito pero 'di ko lang alam ngayon kung nakabawi na siya.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
January 10, 2024, 04:37:00 PM
#8
I’m still interested to play pero sa ngayon, hinde pa ata ito ang tamang panahon for this.
I’m still into Axie pero yun nga hinde naman na active, nagtratry lang if may update sila and inaaupdate then ang Axie account pero in terms of playing hours, super bihira na.

Maganda ang nga Web3 games and sana magkaroon ulit sila ng spotlight sa cryptomarket, and sana mas maging rewarding na sila ulit.
full member
Activity: 2590
Merit: 228
January 10, 2024, 02:08:54 AM
#7
Parang lahat yata tayo eh nasa Axie infinity naglaro though familiar ako sa The sandbox dahil dito ako kinausap ng pamangkin ko years back about sa possible Play To earn sa crypto na ikinagulat ko dahil di ko ini expect na sa Roblox eh magkakaron ng ganong features/offerings .

but Axie talaga ang pinasok at namuhunan ako , masaya nalang na hindi ako talunan sa pera pero sa oras Oo kasi medyo mahabang oras talaga ang inubos ko pati na din mga kamag anak ko .

pero sa other games hindi talaga ako familiar , or narinig ko na pero di ako nagka interest .
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
January 09, 2024, 04:06:32 PM
#6
-snip
Ano-anong gala games ang iyong mga nasabukan kabayan? libre ba ito laruin? walang kailangan iinvest?
Ang pinaka una kong nasubukang laruin na Gala game ay yung Town Star, simulation and farming game ito, web platform lang, ngayon ang name na ng gamt na ito ay Common Ground World.

Tapos itong dalawang turn-based RPG na Champions Arena at Eternal Paradox, both available sa Palystore. Yang Eternal Paradox ay parang Rise of Kingdoms at LOK (League of Kingdoms).

at yung iba pa, ito yung game list nila https://games.gala.com/games

wala pa naman ako kinita sa paglalaro ng mga games nila, hindi naman kasi ako nag iinvest at hindi ako nagpopokus mag grind at yung in-game cuurrency ng bawat game ay wala pang value sa market.
full member
Activity: 406
Merit: 109
January 09, 2024, 09:20:54 AM
#5
     -   Ang nakahiligan ko lang talaga na laruin sa play to earn games ay ang axie Infinity at Mir4 wala ng iba. Pero ngayon, medyo stop na ako sa Mir4 dahil ang dami narin ang nagbago sa kalakaran ng paglalaro ng games na ito, hindi na ito katulad ng dati na talaga namang makakakuha ka ng profit dito.

Saka kapag nahilig ka dito talaga naman masasabi kung madaming oras ang pwedeng maagaw ng play to earn games sa totoo lang, hindi kana makakakilos ng maayos dahil karamihan sa mga gamers at hilig ang ganitong uri ng laro ay nasasayang ang oras, yung mga bagay na dapat meron kang magagawa ay hindi mo na magagawa ganyan ang ngyari sa akin sa totoo lang.
Naalala ko itong Mir4 nalaro ito ng pinsan ko, parang ragnarok ang playstyle ito sa pag kakaalala ko, tama ba ako? Hindi ko rin ito nilaro kasi hindi ko gusto yung ganitong playstyle.

Mga sinusubukan kong game is gala games din, pero wag nyo kalimutan mag 2FA sa gala account nyo.
Ano-anong gala games ang iyong mga nasabukan kabayan? libre ba ito laruin? walang kailangan iinvest?
sr. member
Activity: 1022
Merit: 277
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
January 09, 2024, 06:46:02 AM
#4
     -   Ang nakahiligan ko lang talaga na laruin sa play to earn games ay ang axie Infinity at Mir4 wala ng iba. Pero ngayon, medyo stop na ako sa Mir4 dahil ang dami narin ang nagbago sa kalakaran ng paglalaro ng games na ito, hindi na ito katulad ng dati na talaga namang makakakuha ka ng profit dito.

Saka kapag nahilig ka dito talaga naman masasabi kung madaming oras ang pwedeng maagaw ng play to earn games sa totoo lang, hindi kana makakakilos ng maayos dahil karamihan sa mga gamers at hilig ang ganitong uri ng laro ay nasasayang ang oras, yung mga bagay na dapat meron kang magagawa ay hindi mo na magagawa ganyan ang ngyari sa akin sa totoo lang.

Parehas tayo kabayan! Isa kami sa mga naunang naglaro ng axie before pa ito sumikat at mag trending, naenjoy naman at talagang kumita ng malaki pero naging manager kaya napunta lahat sa pang breed yung kinita then ayun na, bigla nalang bumagsak kasi sobrang dami ng players at umonti nalang breeders, kumbaga lugi na talaga at parang hindi na worth it yung pagod ate stress sa paglalaro, Sa mir4 naman tumagal din kami jan pero hindi ko na inisip yung kita, Actually parang wala naman akong ginatos at kinita doon, kumbaga naglaro lang ako niyan kasagsagan ng pandemic, para kahit papano ay may libangan at hindi mabored sa bahay kapag naka work from home but in terms of profit? wala naman. Parang until now madami padin naglalaro ng mir4, may mga nag sstream padin kahit papano.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
January 07, 2024, 07:59:21 PM
#3
Medyo nawalan na ako ng interes sa paglalaro ng web3 games after ko mag quit playing Axie. Pero pag may nakikita akong bago at mukhang promising ay sinusubukan ko pa naman lalo na kong maganda graphics. Pero nung wala pa akong work 2 year ago, halos lagat talaga sinusubukan ko, web browser games, pc o mobile games. Pero mas prefer ko talaga yung merong android version.

Di ako pamilyar sa Anito Legends o ibang games na gawang pinoy, siguro di lang talaga ako fan gawa ng kapwa natin.

Pixels okay naman, pero web browser lang sya, last play ko is nasa Ronin na sya. Ayaw ko na rin kasi gumamit ng Ronin, vulnerable security nila at prone sa hacking...

Sandbox pamilyar sakin, parang na try ko sya dati sa laptop kaso di ko trip genre siguro dahil di naman ako micecraft o roblox gamer.

Star Atlas, narinig ko na rati pero di ko na try.

Mga sinusubukan kong game is gala games din, pero wag nyo kalimutan mag 2FA sa gala account nyo.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
January 07, 2024, 02:26:16 PM
#2
     -   Ang nakahiligan ko lang talaga na laruin sa play to earn games ay ang axie Infinity at Mir4 wala ng iba. Pero ngayon, medyo stop na ako sa Mir4 dahil ang dami narin ang nagbago sa kalakaran ng paglalaro ng games na ito, hindi na ito katulad ng dati na talaga namang makakakuha ka ng profit dito.

Saka kapag nahilig ka dito talaga naman masasabi kung madaming oras ang pwedeng maagaw ng play to earn games sa totoo lang, hindi kana makakakilos ng maayos dahil karamihan sa mga gamers at hilig ang ganitong uri ng laro ay nasasayang ang oras, yung mga bagay na dapat meron kang magagawa ay hindi mo na magagawa ganyan ang ngyari sa akin sa totoo lang.
full member
Activity: 406
Merit: 109
January 07, 2024, 09:32:26 AM
#1
Marami pa rin ba sa inyo dito ang interesado o naglalaro pa rin ng mga Web3 games? Nakita ko ang article na to tungkol sa mga play-to-earn games and actually familiar ako sa mga ito. According sa article, ito ang mga larong dapat abangan.
Code:
https://bitpinas.com/feature/10-web3-games-to-play-and-earn-in-2024-and-why/


Anito Legends
Siguro ay narinig nyo na ang about dito? Ang larong ito ay gawa ng mga kapwa nating Pinoy. Hindi ko pa ito natry laruin pero nung nagresearch ako, gumagamit sila ng mga typical Philippine mythical creatures and Filipino terms dito such as $LARO, &GINTO, lupa etc.
Sa mga naka try nito, anong masasabi nyo?

Axie Infinity
Malamang ay sobrang familiar tayo rito lalo na sating mga Pinoy. Pero nung bumagsak ang SLP, marami rin ang tumigil dito. Para sa mga hindi na updated about Axie, may bago silang update which is yung Coliseum. Tbh, I still have some Axies left and sinubukan ko na syang laruin for fun. Andun pa rin naman yung saya sa paglalaro ng Axie especially less stress. Pero kung typical player ka lang, I don't think you'd earn that much unlike before.

Star Atlas
Kagaya ng sa Anito Legends hindi ko pa sya nasusubukang laruin so wala akong masyadong idea patungkol dito. Pero it's a futuristic/spaceship sort of theme.

Pixels
Ito yung currently tinry kong laruin. Chill game lang and mag farm, kinda similar to Farmville pero hindi lang sya about sa pag farm since it's like a whole village na pwede mong puntahan at iexplore. It's free to play din so hindi mo need gumastos. But of course, don't expect na makakakuha ka nang malaki. Pero pwede ka rin mag VIP for a better gameplay with more benefits so meaning, pwede ka mag invest. Pero it's still up to you kung gusto mo since makakapaglaro ka pa rin naman kahit hindi ka maglabas ng pera. Currently nasa beta palang sya so I'm kinda looking forward dito this year.

The Sandbox
I bet familiar din kayo with sandbox, a gaming platform on Blockchain which is similar sa mga laro tulad ng Minecraft and Roblox. Kilala din ang sandbox and solid ang mga partners nito, also mayroon ding mga kilalang accounts pag dating sa NFT ang may land sa sandbox so if gusto nyo mag explore sa metaverse gameplay, pwede kayo dito.

Sa tingin nyo ba worth it pa rin ang pag explore ng mga play to earn games tulad nito? Also based sa article, may mga bagong Web3 games pa ang lalabas ngayong 2024. Although familiar ako sa mga ibang games na yan, medyo hindi na rin kasi ako updated pagdating sa NFT games in general. Kaya curious din ako kung meron sa inyo dito ang into games, at kung worth it pa rin ba mag invest ng time at pera dito?
Jump to: