Author

Topic: WHALES investors mabuti o masama? (Read 298 times)

hero member
Activity: 2366
Merit: 594
June 22, 2022, 10:43:06 PM
#18
Paano po natin maiiwasan ang ganitong kalakaran sa market? Any tips sa mga trader, holder and investor?

May kakayahan silang bumili ng ganun kalaki kaya hindi mo maiiwasan ang mga whales sa isang market. Hindi lang naman sa crypto may ganito kundi meron din sa iba tulad ng stocks. Ang magagawa mo lang ay tamang timing sa pagbili at pagbenta. Hindi ka dapat bumili kung ang coin ay nagpump na ng malaki or masyado nang hype. Exit liquidity ka na lang ng mga early buyers kung magpapadala ka sa fomo. Kung ikaw may malaking pera, syempre gugustuhin mo din bumili ng marami nito para kapag nagpump ay malaki din ang kikitain mo.
full member
Activity: 504
Merit: 101
June 15, 2022, 12:34:29 AM
#17
We can’t stop WHALES from investing on any project, if there’s an opportunity to make money expect na meroon laging Whales, and of course yang pump and dump ay normal na dito sa cryptomarket. If you want to be more safe, then learn how to analyze because this is the only thing for you to become profitable as well. Sabi nga nila, ride with the whales always, know when to buy and sell is the key here.

Yes, sumasaang ayon ako sayo. hindi natin talaga maiiwasan magkaroon ng whales as isang project lalo an kung maganda ito. sabi nga palagi ng mga nakakarami mag invest kung ano and kaya mo lang. huwag mangutang para invest at syempre dapat matuto din tayo makuntento. set ng goal kung hanggang ilang gain/loses lang tayo. pero hanggat maari ready ka sa loses kasi kung pangungunahan ka ng kaba mag sell ka kahit lose ka eh wala ka ng pag asa makabawi sa coins na yun. kayanga invest lang kung hanggang magkano ang kaya mong ipatalo. parang sugal lang talaga yan.
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
June 09, 2022, 08:48:44 PM
#16
Sobrang simple lang naman. Wag ka bibili ng kahit anong asset dahil lang sa tumataas ung presyo. Whale man ang rason kung bakit tumataas ang price ng isang asset o hindi, sa pagsali sa hype naman lagi nasusunog ung mga baguhan sa trading/investing. Walang ibang pwedeng sisihin kung hindi sarili rin lang.

Tumpak kabayan.

Mataas ang risk sa pag-iinvest sa isang coin na biglang tumaas ng sobra ng dahil sa hype ng isang whale or dahil sa trend, maaaring tumaas pa o maaring bumaba ng bumaba hanggang mawalan ng presyo, don maraming naiipit na mga newbie traders. Kaya mahalaga pa rin talaga na double check palagi, magresearch bago pumasok sa isang coin dahil kapag nabili mo na, nasa sayo na ang desisyon kung paano mo ito patutubuin.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
June 08, 2022, 08:34:36 PM
#15
2. Think Long Term. Maging holder at magfocus sa mga top market coins. If di mo gusto ang ginagawa ng mga whales, wag kang maging trader pero maging holder ka na lang.
Yes hindi naman kailangan makipagsabayan lalo na kung hindi ka sigurado. Kung ayaw natin ng stress mas maganda mag hold na lang ng pang matagalan. Mag set kung anong price magbebenta basta yung pipiliin mong i hold eh yung top coins na establish.

Still, depends pa rin sa assets na bibilhin at sa mga certain circumstances dahil may certain times na much better bumili ng assets kapag tumaas ang presyo. Riding a hype can be a good investment in a short term matter. Also, malaki ang chance para kumita kapag nakapaginvest ka in the right time while pumping yung token.
Totoo naman pero risky at hindi sya advisable lalo na sa newbies. Maraming nagkakamali sa pagpili at swertehan lang kung natapat ka sa coins na hindi agad babagsak pagkabili mo. Malaki ang kikitain pero malaki din ang chance na maipit. Anyway, nakadepende pa rin yan kung mas prefer mo yung ganitong strategy para kumita ng malaki.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
June 08, 2022, 04:55:53 PM
#14
Masyadong risky itong diskarte na ito, kadalasan sa nagraride sa hype ay nasusunog dahil mali ang timing ng entry nila.

*snip*

Hindi lang risky na diskarte, maling diskarte talaga in general. Sa mga trader/investor na may kaunting tagal ng nasa crypto, "exit liquidity" ang tinatawag dun sa mga nakiki habol lang ng hype. Kumbaga taga-bili nalang nung mga dinadump na ng mga nauna.
Kaya dahil dito ay marame ang naiipit at nalulugi ng malake kase hinde sila nagaanalyze kung ano ba talaga ang current trend aside from listening to those hype. Hinde maiiwasan ang nga big investors sa isang project pero dapat alam mo ren kung kelan ka papasok at mageexit sa market kase yang mga whales, pump and dump den yang mga yan nagaantay lang sila ng perfect timing.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
June 08, 2022, 09:33:34 AM
#13
Masyadong risky itong diskarte na ito, kadalasan sa nagraride sa hype ay nasusunog dahil mali ang timing ng entry nila.

*snip*

Hindi lang risky na diskarte, maling diskarte talaga in general. Sa mga trader/investor na may kaunting tagal ng nasa crypto, "exit liquidity" ang tinatawag dun sa mga nakiki habol lang ng hype. Kumbaga taga-bili nalang nung mga dinadump na ng mga nauna.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
June 08, 2022, 05:50:40 AM
#12
Ang main point is wag bumili ng asset solely dahil tumataas ang presyo. If you think a certain asset is a good investment in the first place regardless kung bumababa or tumataas, go buy it.
Still, depends pa rin sa assets na bibilhin at sa mga certain circumstances dahil may certain times na much better bumili ng assets kapag tumaas ang presyo. Riding a hype can be a good investment in a short term matter. Also, malaki ang chance para kumita kapag nakapaginvest ka in the right time while pumping yung token.

Masyadong risky itong diskarte na ito, kadalasan sa nagraride sa hype ay nasusunog dahil mali ang timing ng entry nila.  It is easy to say na malaki ang chance na kumita kapag nakapag invest sa tamang tyempo pero napakahirap hanapin ang tamang entry point.  Kadalasan kasi ang mga whales ay nakapag stock na before pa lumabas ang hype. Then sa mga walang koneksiyon especially sa mga newbie sa trading, kadalasan huli na sila sa balita.  Pero kapag tumama sa timing ang pagbili ng token, talagang sobrang laki naman ng kikitain.  Be prepared na lang na masunog kapag tinake natin ang risk to ride the hype.  At least matalo man eh di gaanong masakit  Grin.



Anyway ang presensiya ng mga whales sa isang crypto project ay parehong may positibo at negatibong epekto sa market. Positibo dahil sa pagdagsa ng mga investors na may malalaking capital ay nagkakaroon ng malaking volume ang cryptocurrency at magkakaroon ng value ang coins dahil sa demand na naibibigay ng mga whales sa market.  Ang manipulation ay talagang nandyan na mula pa sa simula ng merkado kaya hinding hindi ito mawawala.  Nagiging negatibo ang pagdagsa ng isang whale sa merkado kapag ang layon lamang nito ay kumita at walang konsiderasyon sa proyekto na may kinalaman sa cryptocurrency.  Isang malaking dagok din kapag ang mga sumusuportang whales sa isang cyptocurrency ay nawalan ng tiwala sa developr, katulad na lamang ng ngyari sa Terra Luna.


sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
June 07, 2022, 04:51:37 PM
#11
We can’t stop WHALES from investing on any project, if there’s an opportunity to make money expect na meroon laging Whales, and of course yang pump and dump ay normal na dito sa cryptomarket. If you want to be more safe, then learn how to analyze because this is the only thing for you to become profitable as well. Sabi nga nila, ride with the whales always, know when to buy and sell is the key here.
Yes, whales will always be here and beside this is cryptomarket and everyone is welcome as long as you understand how this market works. Deal with whales, ok na alamin kung paano maglaro ang malalaking investors and by this, baka mas maging profitable kapa. Usually naman nasa news if whales are buying or selling so pwede ito maging warning sign mo. Maganda ang whales in a way na mapapataas nito ang value ng isang project pero syempre expect na magbebenta at magbebenta sila later on.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
June 06, 2022, 10:09:27 PM
#10
Paano po natin maiiwasan ang ganitong kalakaran sa market? Any tips sa mga trader, holder and investor?
Ganito na ang kalakaran sa market dahil mababa pa ang market cap ng buong cryptocurrency market kaya mas prone ito sa Pump and Dump pero habang tumatagal, tumataas ang market cap ng buong crypto market at mas mahirap na para sa whales na i-pump and dump pero magagawa pa rin nila. Hindi na maiiwasan un.
Ang magagawa na lang natin ay:
1. Umiwas sa mga low market cap coins at magfocus sa mga top coins dahil mas mababa ang chance na ma-manipula ito ng mga whales dahil mas kakailanganin nila ng mas malaking capital para i-Pump ang presyo nito.
2. Think Long Term. Maging holder at magfocus sa mga top market coins. If di mo gusto ang ginagawa ng mga whales, wag kang maging trader pero maging holder ka na lang.
Idagdag ko lang na dapat updated at alerto ka din sa mga kaganapan lalo na sa mga crypto na nabili mo. Bakit? Dahil anytime pwedeng may mangyari kahit pa mataas pa ang marketcap ng isang coin kagaya na lamang ng nangyari sa LUNA. Ang bilis din umangat sa ranking nyan dati sa tulong ng mga whales pero binitawan din nila dahil sa nangyari sa UST kaya sobrang dump.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
June 06, 2022, 04:08:48 PM
#9
We can’t stop WHALES from investing on any project, if there’s an opportunity to make money expect na meroon laging Whales, and of course yang pump and dump ay normal na dito sa cryptomarket. If you want to be more safe, then learn how to analyze because this is the only thing for you to become profitable as well. Sabi nga nila, ride with the whales always, know when to buy and sell is the key here.
member
Activity: 70
Merit: 18
June 06, 2022, 02:00:11 AM
#8
Para sa akin ay mabuti ang epekto nila dahil tumataas ang trading volume ng crypto na ibig sabihin lamang ay mas madali makakapag exit ang mga normal traders the sa mas madaming liquidity ang nabibigay ng mga whales sa orderbook.

Yung market manipulation is given na yan at hindi ka naman mabibiktima nyan kung hindi ka nagpapadala sa emosyon mo habang nagtra2ding. Isipin nyo nalang na mas malaki ang risk lagi ng mga whales kaya lagi lng silang play safe sa trade so paano makakasabay sa kanila? Simple lang mag trade ka against sa flow ng nakakarami kung napapansin mo na halos lahat ay iisa lang ang sinusundan na trend. Except kung bago palang nagsisimula ang trend.

Ganyan ang ginagawa ng whales para kumita sa trading.
Tama kabayan, masasabi ko na ang tamang hakbang para ito maiwasan ang loss ay huwag mag invest ang malaki o sumabay sa flow ng nkakarami bagkus magsimula sa maliit na halaga o ayon sa kakayahan upang maiwasan ang malaking loss.
hero member
Activity: 1498
Merit: 547
Be nice!
June 04, 2022, 06:01:37 AM
#7
Ang main point is wag bumili ng asset solely dahil tumataas ang presyo. If you think a certain asset is a good investment in the first place regardless kung bumababa or tumataas, go buy it.
Still, depends pa rin sa assets na bibilhin at sa mga certain circumstances dahil may certain times na much better bumili ng assets kapag tumaas ang presyo. Riding a hype can be a good investment in a short term matter. Also, malaki ang chance para kumita kapag nakapaginvest ka in the right time while pumping yung token.
Pero hindi dapat price charts ang sole basis ng isang investment. Hindi nagiging good investment ang isang asset dahil lang sa temporary na tumaas ang presyo.
Oo, hindi dapat and price charts and sole basis sa investment dahil kailangan din natin magresearch or (DYOR) kapag naginvest either with crypto or any investments. Pero ang price chart is one of the main basis kapag maginvest.
As for trading, totally depends on strategy.
Anyway, tama ka naman. Your opinion and/or strategy with trading or investing totally depends whether if it's for short term or long term.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
June 04, 2022, 05:03:14 AM
#6
I kinda disagree sa opinyon mo na wag bumili sa kahit anong asset dahil tumaas ang presyo. Dahil hindi naman lahat ng assets or crypto ay maaring magdulot ng potential loss kapag naginvest ka dahil tumaas ang presyo. Hindi sya applicable sa lahat ng cases whether it's for trading or investment.

Obviously hindi naman binary. Hindi porke bumili ka ng tumataas na coin/token ay 100% na matatalo ka sa huli. Gaya ng pag sumugal ka hindi rin naman guaranteed na matatalo ka, pero it doesn't make it a 'smart' decision kahit kung manalo.

Ang main point is wag bumili ng asset solely dahil tumataas ang presyo. If you think a certain asset is a good investment in the first place regardless kung bumababa or tumataas, go buy it. Pero hindi dapat price charts ang sole basis ng isang investment. Hindi nagiging good investment ang isang asset dahil lang sa temporary na tumaas ang presyo.

As for trading, totally depends on strategy.
hero member
Activity: 1498
Merit: 547
Be nice!
June 04, 2022, 04:34:35 AM
#5
Sobrang simple lang naman. Wag ka bibili ng kahit anong asset dahil lang sa tumataas ung presyo. Whale man ang rason kung bakit tumataas ang price ng isang asset o hindi, sa pagsali sa hype naman lagi nasusunog ung mga baguhan sa trading/investing. Walang ibang pwedeng sisihin kung hindi sarili rin lang.
I kinda disagree sa opinyon mo na wag bumili sa kahit anong asset dahil tumaas ang presyo. Dahil hindi naman lahat ng assets or crypto ay maaring magdulot ng potential loss kapag naginvest ka dahil tumaas ang presyo. Hindi sya applicable sa lahat ng cases whether it's for trading or investment.

Anyway, kapag ang main cause ng paggalaw ng market ay dahil sa mga whales. I advise na maghanap ka ng ibang investment or assets to invest with. Dahil kung walang basehan like news, updates or any kind of issue para mag pump or dump ang isang asset, much better na iwasan ito dahil possibly for short term investment lang sya at maaring ma-rug in the long run.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
June 04, 2022, 12:50:23 AM
#4
Walang paraan para maiwasan yan kundi ang pagiging educated mo sa market at yun ay kasama sa experience. Bilang isang holder, hindi ko naman na masyadong tinitignan galawan ng whales kasi naka-base ako kung hanggang gaano ako katagal maghohold. Ang problema dyan sa mga whales ay kung ikaw ay trader tapos hindi ka updated o hindi mo ina-update sarili mo sa mga balita ng galaw nila. Iwas ka nalang din sa mga coins na sobrang dali nilang imanipulate kung ayaw mo maipit, ang whales ay hindi lang sa crypto market.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Little_Mouse Campaign Management | OrangeFren.com
June 03, 2022, 11:40:43 PM
#3
Kadalasan, ang mga coins na ginagamit ng mga whales para mag PUMP and DUMP ay ang mga low market cap coins dahil mas madaling ma-manipulate ang presyo nito. Kailangan lang nila ng mejo malaki laking capital para i-Pump ito at i-Dump pagkaraan ng ilang minuto.

Paano po natin maiiwasan ang ganitong kalakaran sa market? Any tips sa mga trader, holder and investor?
Ganito na ang kalakaran sa market dahil mababa pa ang market cap ng buong cryptocurrency market kaya mas prone ito sa Pump and Dump pero habang tumatagal, tumataas ang market cap ng buong crypto market at mas mahirap na para sa whales na i-pump and dump pero magagawa pa rin nila. Hindi na maiiwasan un.
Ang magagawa na lang natin ay:
1. Umiwas sa mga low market cap coins at magfocus sa mga top coins dahil mas mababa ang chance na ma-manipula ito ng mga whales dahil mas kakailanganin nila ng mas malaking capital para i-Pump ang presyo nito.
2. Think Long Term. Maging holder at magfocus sa mga top market coins. If di mo gusto ang ginagawa ng mga whales, wag kang maging trader pero maging holder ka na lang.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
June 03, 2022, 11:15:23 PM
#2
Sobrang simple lang naman. Wag ka bibili ng kahit anong asset dahil lang sa tumataas ung presyo. Whale man ang rason kung bakit tumataas ang price ng isang asset o hindi, sa pagsali sa hype naman lagi nasusunog ung mga baguhan sa trading/investing. Walang ibang pwedeng sisihin kung hindi sarili rin lang.
member
Activity: 70
Merit: 18
June 03, 2022, 11:07:33 PM
#1
Ano nga ba ang WHALES sa crypto?

WHALES ang tawag sa mga taong may napakalaking amount na cryptocurrency. May kakayahan silang magmanipulate ng market. Pwede din sila gumawa ng pump and dump patterns sa market. Nagiging scapegoat din sila ng mga taong hindi marunong mag trade.

Isa sa mga strategy ng mga Whales investors ay ang PUMP and DUMP. Eto ang pinaka common na stratehiya nila, kung saan syempre nangangailangan ito ng malaking capital o pera para maisagawa ang pattern na ito. Partikular na ginagawa ng mga WHALES ay bibili sila ng malaking halaga ng coin para magkaroon ito ng pagtaas sa market kung saan tataas ang demand at maramin ang maeeganyo ng mag invest din dito. At dahil sa pagtaas ng at pagdami ng investors nagkakaroon na sila ng malaking tubo at doon ay unti unti na nilang idudump o ibebenta ang kanilang hawak na coins na siyang magdudulot ng malaking pagbagsak ng presyo nito sa market at ang maliliit na investors at traders naman ang maiipit at malulugi dahil dito.

Paano po natin maiiwasan ang ganitong kalakaran sa market? Any tips sa mga trader, holder and investor?
Jump to: