Mukhang malabo na makabawi ang LUNA dahil sa bigat ng nangyari sa mga investors nito? malamang maging aral na lang to sa mga susunod na pagpasok sa crypto na may mga ganitong scenario na pwede dumating at magdudulot ng hindi magandang return.
Naniniwala ako sa quote na "Anything is possible in crypto" kaya pwedeng mangyari rin ito dito.
Gayunpaman, sa kasalukuyang sitwasyon ng LUNA ngaun mukhang malabo na itong makarecover pa. Masiadong masama ung nangyari sa UST na naapektuhan pati ang LUNA at nagkaroon ng pagdududa sa mga stablecoins.
Sa ngayon, nagkaroon ng poll ang LUNA developers kasi balak ni Do Kwon gumawa ng fork mula sa TERRA papunta sa TERRA CLASSIC at 90% ng mga bumoto ay tutol dito. Isa ito sa mga recovery plans ng kumpanya ngunit tutol ang mga investors dito. Sa ngaun di ko na alam kung papaano makakarecover ang LUNA dito.
Walang nawala sa akin kasi hindi ako nag-invest sa token na ito pero inobservahan ko ito at nagbabalak pa lang na mag invest sana. Buti na lang hindi ko tinuloy or isa ako sa mga nawalan ng mga life savings o malaking halaga etc. Nalulungkot akong makakita ng mga investors na nawawalan ng malaking pera sa crypto at iba pa ay mga life savings nila.
May nabasa ako sa isang page sa FB (Peso Sense). Nagshare siya na nag invest siya sa crypto at nabawi ung mga losses niya sa stocks at tong mga pera na ito ay inipon niya sa work niya at life savings nya yun. Nung kumita siya, nilagay niya ang buong life savings na pera niya sa crypto at nag spot hanggang sa nailagay niya lahat ng pera niya sa LUNA. Ngaun isa siya sa mga nawalan ng malaking halaga. Nakakalungkot lang isipin pero walang magagawa kasi parte ng pag-iinvest ang matalo.