pinaka magandang example ng cold wallet ay yung paper wallet. O kahit ordinaryong papel kung saan mo isusulat/print yung private/public keys mo.
Mali! pag sinabi mong paper wallet, ang ibig sabihin nun nakaprint dun ang QR code ng coin, hindi basta basta public keys or passwords.
Most likely kapag nakalagay sa paper wallet ang bitcoin mo, isang snap lang ng camera ang kailangan ng receipient mo para malipat sa wallet nya yung laman nung QR code.
Anyway, regarding the topic.
Hot Wallet = Online;
Cold Wallet = offline...
ahem. Ikaw ata ang mali kaibigan. Contradicting din yung post mo.
Ang paper wallet ay hindi naka-connect sa internet. Pag hindi connected sa internet ibig sabihin eh offline wallet. Ang offline wallet = cold wallet. Ikaw na din mismo nagpost nyan.
Nakakita ka na ba ng paper wallet? Iba iba ang itsura nila. Merong nakalagay na duon yung public and private keys. Meron din public key lang tapos naka QR yung private key.
Ito mga samples ng paper wallet na nagpapatunay na mali ang sinabi mong hindi basta basta nakalagay ang public keys at password. Sa bitcoin, ang password ay yung private key
Anyway, ang QR code ay nagrerepresent lang yan ng series or string of characters. Walang pinagkaiba yan sa bar code na nakikita mo sa mga packaging ng mga produkto. Kaya yan naimbento para maiwasan ang manu manong pag enter ng mga characters at maiwasan ang typo error.
Hindi ibig sabihin na pag may QR code ay online na ito at madali itong ihack at automatic mapupunta sa wallet nya laman ng account mo. Sa mga tindahan nga ngayon, uso yung mga QR codes ng gcash at paymaya. Naka display yan sa tindahan. Ibig ba sabihin nun mahahack na kaagad yung account nila? Syempre hindi! Kaya lang nila nilagay yung QR code para hindi manu-mano na ienter ng customer yung account ng tindahan sa phone ng customer.
Kung paranoid ka na may magpicture sa QR code ng paper wallet mo, pwede mo itong punitin o guntingin para yung public key (address) at private key (password) lang ang nakikita. Pero kahit walang QR code pa yan kung napicturan na yung details ng account mo eh di alam parin nila.
Kung sa tingin mo mali parin ako, basahin mo mga ito at duon ka mag dispute. Lahat yan sinasabi na ang paper wallet ay isang cold wallet. hehe
-
https://en.bitcoin.it/wiki/Cold_storage-
https://www.coindesk.com/information/paper-wallet-tutorial/-
https://blockgeeks.com/guides/paper-wallet-guide/-
https://bitpinas.com/cryptocurrency/bitcoin-wallet-philippines/-
https://www.bitcoin.com/guides/setting-up-your-own-cold-storage-bitcoin-wallet-
https://www.investopedia.com/terms/c/cold-storage.asp-
https://www.investopedia.com/terms/p/paper-wallet.aspsana makatulong sa iba....