Agreed ako sa sinabi ni OP, dahil nandun lahat ang mga bigatin sa forum na pwede kang sitahin sa bawat pagkakamali na ma ipost mo, kaya dapat siguraduhing tama lahat ang sagot mo. Nagpopost din naman ako dun minsan kapag alam ko lang yung topic at sa nirereplayan ko. Kaya dapat ugaliin basahin lahat ng replies para hindi sabihing inulit mo lang ang sagot ng iba. Mahirap na kapag bibigyan ka ng red trust ng mga DT.
Isapa halos lahat ng mga nagrereply dun ay nang iinsulto ang mas malala ay maka receive ka ng trashtalk. Hindi ko alam kung may rules ang forum against sa trashtalking at dahil wala namang nangingialam sa mga ito madaming mga newbie or mga taong nagkamali lang ng konti ay minamaliit.
Uo, bagamat ito'y trashtalk sa atin ngunit ang karamihan naman sa kanilang sinasabi ay tama kung kaya wala ka ring maibabatong pangangatwiran sa kanila. Mahirap mabgyan ng masama o hindi magandang komento galing sa kanila dahil baka itoy mapagsisihan mo. Nasampulan na ako dito ng minsan akong magpost about sa aking proposal at nagkomento ang ilang bigatin dun na hindi nila nagustuhan ang aking opinyon kung kaya binura ko na lamang ito agad bago pa ko mabigyan ng isang malupit na hindi ko kailanman gugustuhin Kayat maging mapanuri muna tayo upang sa kanilay maging katanggap tanggap ang ating mga sasabihin sa hinaharap