Pages:
Author

Topic: Ingat sa pagbibigay ng second hand na drives mo sa iba (Read 208 times)

legendary
Activity: 3192
Merit: 1198
Bons.io Telegram Casino
Mas mabuti pang sirain na lang siguro at wag nang pahinayangan lahat naman tayo merong tinatagong mga sensitibong impormasyon at alam ntin sa mundo ng teknolohiya wala ng imposible ngayon.

Ok lang naman na sirain mo na kung may mga sensitibo ka na impormaston na tingin mo makakasira sa inyo pero ang pinag uusapan naman natin mga hard drive na naglalaman na posibleng naglalaman ng mga passphase, private keys at wallets natin, sang ayon ako kay OP na mag ingat sa pamimigay ng hard drives kais yun gmga hard drives na posibleng may laman ng mga altcoins na sa tingin natin ay walang malaking value ngayun ay biglang magkaroon ng malaking value.

At kung may mga satoshi ka na nakaimbak sa hardrives mo malay mo kung maging $1 million ang value ng Bitctoin kahit na ilang sats lang yan ngayun malaki na rin ang magiging value sa hinaharap.
newbie
Activity: 13
Merit: 0
Mas mabuti pang sirain na lang siguro at wag nang pahinayangan lahat naman tayo merong tinatagong mga sensitibong impormasyon at alam ntin sa mundo ng teknolohiya wala ng imposible ngayon.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
Kung possible talagang marecover yung mga data na nadelete na ay may posibilidad pala na marecover yung mga private key na nawala dahil sa accidenteng nareformat yung device nila. Yung mga taong pinamimigay ang kanilang device dahil matagal ng nakatambak ay baka may private key doon na may Bitcoin kahit nareformat na. Baka yan sguro ginagawa ng iba at siguro may nakakuha na ng Bitcoin sa ganyang paraan. Paano kaya kung susubukan nating bumili ng mga devices na mga second hand yung tinatawag nating surplus. Ano sa tingin nyo? Worth it kaya?


Posibleng may mga ganun at depende rin kung ready ka ba mag risk para malaman kung may mapapala ba sa pagbili ng used drives. Para saakin kasi ang pinaka safe na gawin, lalo na if hindi mo na ginagamit yung drive, is hayaan mo lang sya. Itago ang device at wag na iaccess. Mas mahirap kasi na ibenta pa ito para lang kumita ng di naman gaanong kalakihan na halaga tapos mag risk pa ng security sayo at sa mga important files mo. Pero ayun nga, pwede naman i try yung suggestion mo sa pagbili sa surplus pero i doubt na may ganung makukuha agad agad, siguro ilang percent lang ng possibility ito.
sr. member
Activity: 1596
Merit: 358
https://shuffle.com?r=nba
-snip-

One of the best thing that we can do is to destroy it kung wala na talagang gagawin na sa Drives mo at kung ayaw mo nga na ganyan ang mangyari na marecover pa nila. Katulad din ng mga malalaking kumpanya, katulad ng Google at Apple kapag sira na yung hard drive nila or kahit basta kailangan na palitan wanawasak nila yun. Nalaman ko to napanuod ko sa YouTube. Pwede mo rin panuorin dito : https://www.youtube.com/watch?v=TQoKFovvigI

One of the reason talaga bakit mo kailangan gawin yan is privacy.
sr. member
Activity: 1246
Merit: 356
SOL.BIOKRIPT.COM
Kung possible talagang marecover yung mga data na nadelete na ay may posibilidad pala na marecover yung mga private key na nawala dahil sa accidenteng nareformat yung device nila. Yung mga taong pinamimigay ang kanilang device dahil matagal ng nakatambak ay baka may private key doon na may Bitcoin kahit nareformat na. Baka yan sguro ginagawa ng iba at siguro may nakakuha na ng Bitcoin sa ganyang paraan. Paano kaya kung susubukan nating bumili ng mga devices na mga second hand yung tinatawag nating surplus. Ano sa tingin nyo? Worth it kaya?
member
Activity: 2044
Merit: 16
Mahilig ako sa ganyan magpalit ng hard drive lalo na kung puno na ito at di ko naman binibigay kasi alam ko may mga files importante dito maliban nalang ko sira na at di na makinabangan pero kahit sira naka tambak lang dito sa computer desk ko eh. Totoo yan kahit naka reformat na pwede parin ma access yan gamit mga recovery tools, kahit ingat tayo mga ka crypto.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 425
Cashback 15%
Kung mahilig ka magpalit or magupgrade ng disk drive mo, iwasan mong itapon nalang or ibigay sa iba or magbenta ng drive na ginamit mo na,
ito ay dahil maari itong marecover , ng taong pinagbigyan mo, gamit ang ibat ibang uri ng recovery software, kaya importanting burahin mo din ito gamit ang software din, isa din ito sa dahilan kung bakit ang iba ay binabaklas ang mga hard drive bago e-dispose.
Pero ang isang suggestion ko sa inyo lalo na sa mga iba na mahilig mamigay ng pinaglumaan iwasan nyo nalang itong ipamigay, dahil hindi natin alam ang isip ng iba baka mamaya, since alam nya nasa crypto ka, subukan nyang erecover ang mga files at may makuha siyang importanting data duon.
bakit ko ito sinasabi at pinapaalala, dahil isang pagkakataon lang at meron tayong inilagay na seed duon at iyon ang may laman, wala na tapos na agad ang boxing.
Ito naman ay suggestion ko lang, pero isa din itong babala dahil di natin alam ang maaring mangyare, dahil nga sa nagiimprove ang technolohiya nagkakaroon din ng paraan na marecover and mga nasa drive kahit ito pa ay binura mo na, although ang alam ko pwede mo din itong eencrypt, pero meron nading pangdecrypt ng files sa pagkakaalam ko.
sana makatulong ito sa iba na hindi pa aware.

Tama ka jan kabayan talagang pweding marecover itong mga files naten sa hard drives kaya hindi recommedede na ipamigay or ibenta lalo na kung 2nd hand na siya tapos mayroong kang mga mahahalagang impormasyon na nakastore dun sa harddrive mo dahil pwd nilang makuha yun incase na irecover nila yun. So lalong kailangan mong magingat kung nagcycryptocurrency ka or nagiinvest sa Bitcoin baka mamaya ay may mga nastore ka na mga private keys or password doon, kung marecover nila yun ay mabubuksan na agad nila ang wallet mo kaya nakakatakot lang talaga.

Hindi naman kase nadedelete ang mga files dahil nadelete lang naten ito sa pagkakaalam ko ang nangyayari lang talaga ay nahihide na siya ang din kapag may pumasok na file ay naooverwrite lang siya so pwd siguro need mong punuin ng walang kwentang files ang drive mo para maoverwrite siya at talagang mabura yung mga old files mo, pero hindi ko pa ito nasubukan not sure kung kapag ginawa mo yun ay hindi na marerecover ng mga recovery software ang old files mo dun sa drive.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
Totoo yan , nagawa ko rin yan at nasubukan dahil simula nung aksidenteng nabura ko ang lamang ng hard drives ko ay naghanap ako ng mga software na maaaring makarecover sa mga files na nabura. At talagang naamaze ako doon . Kaya ayos tong paalala mo sa ating mga kababayan dahil magiging proteksiyon nila ito para maiwasan yung paghack ng mga importante nilang mga files.

Tama ang iilan na wag na lamang idispose bagkus ay sirain na lamang , gaya ng padaanan mo sa pison , paluin mo ng maso at marami pang iba na siguradong makakasira dito ng tuluyan.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
actually since used or sira naman na ang drive mo , mas ok na Sirain mo literal bago mo ibenta, Aluminum naman yan eh.so pwede mo ibenta hehe.

tsaka magkano lang naman bibilhin sa second hand yan? pwede kapa mabiktima or makalkal , mas ok na scrap mo na literally so safer sa ating mga crypto users or kahit hindi crypto instead yong ating security and privacy .
legendary
Activity: 2842
Merit: 1253
Cashback 15%
Sa tagal ko na gumagamit ng PC, hindi ko kailan man dinispose ang mga HDD na napaglumaan ko.  Karamihan nga sa kanila ay hindi na gumagana pero di ko pa rin tinatapon.  Aside from that, hindi rin talaga dapat pinamimigay ang mga napaglumaang hard disk dahil pwede pa itong gamiting back-up ng mga files na sa tingin natin ay pwede nating balikan like movies, archive ng mga mp3 songs, at mga games na nilaro natin. 

Aside from those usage, sang-ayon din ako kay @OP na since we are dealing with finances dapat lang na huwag nating ipamigay ang napaglumaang disk storage due to the risk na pwede nilang marecover ang mga important files na dinelete natin bago pa ito ibigay sa iba.  May mga recovery tools din na nakakarecover ng file kahit na naiformat natin and storage disk as long as hindi pa napapatungan ng ibang files ang sector na pinaglagyan ng mga important data noong ginagamit pa natin ito.
legendary
Activity: 3192
Merit: 1198
Bons.io Telegram Casino
Naka 6 na harddrives na ako at nakatambak lang ito sa storage ko ng mga peripherals never akong nagbigay ng mga harddrives dahil noon pa man alam ko na ang risk iba kasi pag investor ka sa Cryptocurrency lalo nat inabot mo yung mga profitable na bounties kaya nug mag upgrade ako sa SSD ni binabuuble wrap ko lahat ng mga hardrive ko kapag nagkaroon ako ng mahabang oras plano ko na busisisin isa isa ang mga ito baka may makita ako na mga seed o files na interesting o profitable.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Siguro ag depende na rin sa pagbibigyan. Pwede mo itong ibigay sa kapamilya mo para pagstoran lng ng kung anuano or for storage purposes basta sigurado kang walang ibang gagalaw dito maliban sa pinagbigyan mo. Pero kung ibebenta mo ito o ibibigay sa hindi naman ganun kalapit na iyo ay mas mabuti na lang ikeep mo ito dahil pwede nya ngang marecover ang mga ininstall mo dito noon at masyado itong risky para sa privacy mo lalo na kung ginamit mo ito para sa mga crypto transactions mo. Mas mabuting itago na lang o huwag nang ibenta kung malalagay rin lang sa alanganin ang ibang important details at storages mo.

I agree. Mahiram na rin kasi talagang mag tiwala, may mga files and data na hindi na rin natin matatandaan na naka store pala sa drive at hindi natin completely mabubura, so kung ibebenta o ibibigay naten ito mahirap na kung ano ang pwede din nilang gawin sa mga information na ito. Kaya naman as much as possible mas mabuti na pang personal lang talaga ang drive o kung may hihiram man ay isang kapamilya lang para hindi rin magulo sa storage.

Di ko din get ang point bakit ipapahiram pa ito since personal na pag aari natin ito at di talaga pwedeng itiwala sa iba lalo na naglalaman ito ng napakaraming impormasyon na maaaring manakaw at tsaka files na kung saan dun natin tinago mga crypto balances natin. Kaya no no talaga sa usaping pagpapahiram. Lalo na sa pagbebenta parang ayaw ko din mag risk since if kaya naman bumili ng bago at sirain nalang ang luma for safety ganun nalang ang gagawin kaysa mag risk ka sa maliit na halaga kaya dun tayo sa sigurado tayo para iwas peligro, mahirap magsisi sa huli.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
Siguro ag depende na rin sa pagbibigyan. Pwede mo itong ibigay sa kapamilya mo para pagstoran lng ng kung anuano or for storage purposes basta sigurado kang walang ibang gagalaw dito maliban sa pinagbigyan mo. Pero kung ibebenta mo ito o ibibigay sa hindi naman ganun kalapit na iyo ay mas mabuti na lang ikeep mo ito dahil pwede nya ngang marecover ang mga ininstall mo dito noon at masyado itong risky para sa privacy mo lalo na kung ginamit mo ito para sa mga crypto transactions mo. Mas mabuting itago na lang o huwag nang ibenta kung malalagay rin lang sa alanganin ang ibang important details at storages mo.

I agree. Mahiram na rin kasi talagang mag tiwala, may mga files and data na hindi na rin natin matatandaan na naka store pala sa drive at hindi natin completely mabubura, so kung ibebenta o ibibigay naten ito mahirap na kung ano ang pwede din nilang gawin sa mga information na ito. Kaya naman as much as possible mas mabuti na pang personal lang talaga ang drive o kung may hihiram man ay isang kapamilya lang para hindi rin magulo sa storage.
full member
Activity: 1708
Merit: 126
Siguro ag depende na rin sa pagbibigyan. Pwede mo itong ibigay sa kapamilya mo para pagstoran lng ng kung anuano or for storage purposes basta sigurado kang walang ibang gagalaw dito maliban sa pinagbigyan mo. Pero kung ibebenta mo ito o ibibigay sa hindi naman ganun kalapit na iyo ay mas mabuti na lang ikeep mo ito dahil pwede nya ngang marecover ang mga ininstall mo dito noon at masyado itong risky para sa privacy mo lalo na kung ginamit mo ito para sa mga crypto transactions mo. Mas mabuting itago na lang o huwag nang ibenta kung malalagay rin lang sa alanganin ang ibang important details at storages mo.
sr. member
Activity: 1750
Merit: 260
Binance #SWGT and CERTIK Audited

ito ay dahil maari itong marecover , ng taong pinagbigyan mo, gamit ang ibat ibang uri ng recovery software, kaya importanting burahin mo din ito gamit ang software din, isa din ito sa dahilan kung bakit ang iba ay binabaklas ang mga hard drive bago e-dispose.
-
Aware ako na pupwede ito, pero ask ko lang, lahat lahat ba ng files kahit binura na ay pwede paring marecover? O may limit lang yoong mga software na pang recover?
Anyways, I agree na hindicdapat basta basta ipamigay ang mga drives na pinaglumaan. Ayos lang siguro kung sa kapareha mo. Bukod dyan, iwasan narin siguro yung paglagay ng mga actual na sees phrase, passwords, pins, at kung ano pang security pass sa pc na hindi ma ka encrypt.
hero member
Activity: 2408
Merit: 564
     -     Sang-ayon ako sa sinabi ni @bhadz na pwedeng gawing back-up yan, dahil ganyan ang ginagawa ko kung sakali man na masira na yung laptop ko or pc ko ay inaalis ko yung hard rive at ginagawa ko ding backup dahil nga totoong marerecover pa yan nung sinumang makakatanggap nyan for sure.

Pero okay lang naman na ibigay mo din kung sure ka na wala ka namang nilagay na importanteng bagay na may kaugnayan sa crypto. Pero for safety na kaisipan huwag na nga lang ibigay ganun lang kasimple yun.
Kung confident ka naman na hindi kakalikutin at wala ng saysay mga files na nandun, okay lang naman ibigay. Pero ako, kahit nga lumang smartphone ko, kahit na gusto kong ibigay ayaw ko. Iba na ang technology ngayon at hindi natin alam ang nasa isip ng mga tao, kahit na wala kang mga mahahalagang data, puwede pa rin kasing magamit sayo kapag merong makitang data o info na puwedeng i-collect. Mas okay na sirain nalang din kapag di na mapapakinabangan.
hero member
Activity: 2254
Merit: 658
Revolutionized copy gaming platform
Kung mahilig ka magpalit or magupgrade ng disk drive mo, iwasan mong itapon nalang or ibigay sa iba or magbenta ng drive na ginamit mo na,
ito ay dahil maari itong marecover , ng taong pinagbigyan mo, gamit ang ibat ibang uri ng recovery software, kaya importanting burahin mo din ito gamit ang software din, isa din ito sa dahilan kung bakit ang iba ay binabaklas ang mga hard drive bago e-dispose.
Pero ang isang suggestion ko sa inyo lalo na sa mga iba na mahilig mamigay ng pinaglumaan iwasan nyo nalang itong ipamigay, dahil hindi natin alam ang isip ng iba baka mamaya, since alam nya nasa crypto ka, subukan nyang erecover ang mga files at may makuha siyang importanting data duon.
bakit ko ito sinasabi at pinapaalala, dahil isang pagkakataon lang at meron tayong inilagay na seed duon at iyon ang may laman, wala na tapos na agad ang boxing.
Ito naman ay suggestion ko lang, pero isa din itong babala dahil di natin alam ang maaring mangyare, dahil nga sa nagiimprove ang technolohiya nagkakaroon din ng paraan na marecover and mga nasa drive kahit ito pa ay binura mo na, although ang alam ko pwede mo din itong eencrypt, pero meron nading pangdecrypt ng files sa pagkakaalam ko.
sana makatulong ito sa iba na hindi pa aware.

Ako naka change drive din dati for upgrading purposes aside from RAM, graphics card, etc. Pero never in my life nabigay ko sa iba yung drive ko.

Until now andito pa rin sa akin at hindi ko ito itapon pero itago ko lang sa archives. Aware din kasi ako about recover software or such if gamitin ng mga bad actors without knowing na andun pala iba mo na important confidential files.

Kaya super yes agree ako dito.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Better to dispose it, sa mura nalang ng mga flash drive ngayon I’m sure lahat ay meron na nito and there’s no need to recycle. Never ako namigay ng mga USB kase alam ko nagsasave ako ng mga important details ko duon and hinde ren ako sure na safe naba talaga yung data ko kahit na binura ko na ito. Kung gusto mo ng peace of mind, be private as much as possible and prioritize your safety.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
So I guess bago ipamigay ang laptop eh siguradun na i wipe out ang lahat ng data. At lahat ng wallet mo siguraduhin mong walang laman. Or kahit mag papa repair ka nang laptop mo sa ibang tao, alisin mo muna lahat at baka makita ito ng mag rerepair at magka interest pa.

Marami naring ganitong kaso kung paano nawalan ng crypto and isang tao, at siguro pamilyar tayo sa kaso ng isang taga UK na tinapon ang HD nya na naglalaman ng 7,000 BTC na hanggang ngayon ay hinahanap nya.

https://www.cnbc.com/2021/01/15/uk-man-makes-last-ditch-effort-to-recover-lost-bitcoin-hard-drive.html
hero member
Activity: 1232
Merit: 603
When life gets hard BUY Bitcoin!
Totoo ito. Kayang irecover ang data sa hard drives lalo na kung hindi gumagamit ng file shredder ang previous owner or newly format lang tapos benta agad. Buti nlng ang mga mother board ngayon ay supported na ang multiple hdd kaya hindi na tlaga ako nagbebenta ng hdd dahil sobrang sensitive nito para sa akin dahil dito ko sinesave mga files ko sa work kasama na dn mga personal documents ko bukod pa sa crypto wallet.
Pages:
Jump to: