Nasa starting stage palang naman at tingin ko magiging ok din yan. Parang dito lang din sa atin sa forum, parang pinag uusapan lang natin ang tungkol sa adoption siguro mga 4-6 years ago tapos eto na.
Mas dumami na mga kababayan nating may alam patungkol sa cryptocurrencies lalo na sa bitcoin kaya mas magiging madali na yang inaasam asam nating malawakang pagtanggap sa bitcoin.
Tama kaya expect narin talaga na marimi pang skeptical sa paggamit nito since bago palang naman ito na implement sa lugar na yun at tsaka continuous parin naman ang growth ng cryptocurrency sa pinas so for sure lalawak pa ang scope ng adoption nito sa ating bansa. Good thing lang talaga nauna ang boracay dito at madami-dami nading merchants ang open sa ganitong teknolohiya since for sure sila ang kickstarter ng ibang lugar para tanggapin din ito.
Naging mas tutok kasi si pouch sa Boracay at tama lang yung strategy niya na doon magsimula kasi tourist hub din yun at siguradong maraming turista din ang may mga bitcoin na gugustuhin gumastos at magbayad gamit bitcoin.
Tignan natin kung hanggang gaano kalayo ang gagawin ni pouch kasi sobrang ganda ng ginawa nila at sana sa susunod sa ibang mga tourist spots naman din nila i-apply.
OO tama ang strategy na magfocus muna sila sa isang area para paunlarin ang paggamit ng wallet nila. They also need na magkaroon ng isang business establishment na magboom through the use ng kanilang apps para magkainterest iyong ibang merchant ma gamitin ang wallet nila.
Tutal gumawa na rin naman sila ng gimick about Boracay as Bitcoin Island, bakit hindi na lang nila lubos lubusin, magstage sila ng isang local merchan na magboom using Pouch. It is somehow unethical pero wala naman mawawala sa mga magdadownload at gagamit ng pouch since free naman ang apps.
Pero sa kabilang banda, aside from focusing dun sa isang area to establish ng usage ng Pouch, dapat pinupush na rin nila ang online payment via their wallet (kung hindi kailangan ang VASP for the service).
Siguro ma execute lang talaga yung ibang options if magtatagumpay na ma full implement na talaga ang bitcoin sa boracay since for sure maraming turista ang gagamit ng iba't-ibang wallet at for sure yung ibang local naman ay ma curious na subukan din ito. Pero matagal pa siguro tong mangyari talaga since si pouch naman din kasi ang nag execute nito for sure sila lang din ang main na makikinabang since sila ang kikilalanin ng merchants na platform preferred nila. Kailangan talaga ng pouch ng malaking pera dito para sa marketing dahil kung di sila maglalabas ng pundo hindi ganun kabilis ang adoption na mangyayari.
Just like coins.ph, kung sino ang pioneer at naging successful ang implementation, siya rin ang magiging major benificiary ng tagumpay na iyon.