Probably isa sa mga information na chineck nila ay yung IP address pero sa tingin ko most likely naman siguro nakipag-ugnayan sila sa iba't ibang crypto platform para mas madali nilang matrace.
About naman sa kung ano yung gagawin dun sa narecover na bitcoin, I think this website explained it
Aljazeera/BloombergSalamat, ayos yang article na yan. Madami palang nangyari at ginawa yung bitfinex at inissue na token sa mga customers nila na naging apektado nung hack.
Kaso ang daming argument, pero sana mabalik talaga sa mga naging biktima yung mismong bitcoin at hindi yung value lang ng token na inissue nila kasi nga mas mataas na ang presyo ngayon kumpara nung 2016.
Pero grabe no, isipin niyo na even mga big and large institutions of cryptocurrencies ay talagang prone sa hacking. Even with the tightest security, talagang mga hackers ay nakakahanap ng loophole/butas para makapag scam and nakaw ng cryptocurrencies sa exchanges. I guess isa talaga ito sa mga risks ng cryptocurrencies- lahat ng nasa internet talaga ay prone to hacking; like lahat ng gamit sa mundo ay pwedeng manakaw.
Anyway, I do think na hindi fully marereimburse mga customers sa bitfinex given na sobrang laking halaga ang nanakaw. At best, baka only a certain percentage ang marerecover ng mga taong nawalan ng pera dito.
Sobrang hirap din talaga isipin no na even huge exchange website ay nahahack, probably sobrang galing nung naghack at hindi malabong hindi sya nag-iisa. Sa tingin ko nga, yung mga nahuli rito ay naging taga salo lang nung kaso para mabaling yung focus dun sa natira hindi narecover.
About naman dun sa pag-reimburse dun sa mga users or customers sa bitfinex, nagkaroon sila nang reimbursement kaso hindi nga lang buo at hindi rin sa bitcoin pero sa ibang token na ginawa mismo ng bitfinex.
Based din sa isa sa mga member sa forum na naapektohan nung incident na ito, halos nabawi nya naman daw yung lost nya in terms of fiat nga lang. Check mo itong reply ni
adaseb