Anong plano niyo sa pag cashout? Coins.ph pa din ba? Parang ang layo kasi ng exchange rate nila eh.
Sa mga palitan na convenient, pwede coins.ph to coinpro at dun itrade para mas mataas ng konte kaysa dun sa palitan sa coins.ph. Sa mga nagamit ko so far coins.ph ang medyo mataas ang rate. Sa localbitcoins sana kaso tinanggal na nila iyong option na p2p. Yung iba na nagaallow ng p2p hindi ko pa nasusubukan, anyone who have experience sa ibang palitan na may option ng p2p?
Medyo hindi pa ako handa sa pagtaas ng presyo ng Bitcoin dahil siguro konti palang ang naiipon kong coins at nabigla kasi wala akong nabasang balita bakit bumulusok ang price nya marahil siguro sa FB coin. Pero maganda pa din kasi may pag-asa na tumuloy ang pagtaas hanggang $10k ayon sa mga nabasa ko. So, hati yung feeling ko sa pagtaas ng Bitcoins.
Marahil na refresh ang hype ng July Bakkt testing na news, kung iisipin mo malapit na iyon, then ang pagtaas ng presyo ng LTC dahil sa halving event nila, so marami ang nakasubaybay dito at marahil naisip nila na tumaas nga ang LTC dahil sa halving Bitcoin pa kaya. Thinking na 300% plus ang tinaas ni LTC dahil sa paparating na halving, kung magiging ganyan din ang increase ni Bitcoin, aba di malayong mabeat ang ATH na naitala nito noong 2017.