Sa tingin ko dahil mukhang open minded naman ang ating presidente ay hindi malayong suportahan ito kapag may nagpaliwanag ng maayos sa kanya at maipresent ang mga advantages nito. Kung hindi man, ay pwede pa rin itong ituloy gaya ng maraming project ng blockchain technology kahit ng iilang piling individual na may pangarap na makapag produce ng ganitong sistema.
Hindi ba ang bitcoin ay hindi naman proyekto ng isang bansa kundi ng mga ilang tao lang na nagbukas ng ganitong opurtunidad sa marami? At kung tungkol naman sa pagpapalaganap ng impormasyon sakaling magkaroon nga ng ganitong proyekto ay maaaring magtulong-tulong tayo dahil sanay naman na tayo sa ganitong larangan. Pwedeng gamitin ang nakagawiang bounty at airdrop system bukod pa sa ating talagang mga pinoy cryptocurrency enthusiast.
Bakit hindi tayo bumuo ng isang organisasyon na hindi lang magkakasama para kumita sa bouty at airdrop, kundi magkaisa na bumuo ng proyekto na gagamit ng digital coins? Ilang bang tao ang nasa likod ng ETHERIUM, ilang ang nasa likod ng DENCITY, o ng BITCOIN mismo. Kilala tayong pilipino sa EDSA revolution, hindi ba pwede rin magkaroon ng cryptocurrency at blockchain revolution?
Pwede ring magbuo ng isang Non-Government Organization para mag cater ng ating adhikain na siya namang hihingi ng suporta sa gobyerno. Magiging madali ang ganito dahil may isang identity tayong dadalhin upang kumatawan sa atin. Sa ganitong paraan madali nila tayong mapapansin at kung loloobin ng Diyos ay pakikinggan.