Pages:
Author

Topic: ABSCBN (CHANNELS vs CHANNELS) and how does it affects to their stocks. - page 2. (Read 384 times)

hero member
Activity: 1190
Merit: 568
Sovryn - Brings DeFi to Bitcoin
Hello mga kabayan,

tutal puro tungkol ABS-CBN naman ang palagi ko nakikita sa mga social media ngayon, hayaan niyo akong ipaliwanag yung ibang mga bagay.

DISCLAIMER: DI KO SILA PINAPANIGAN, HINDI KO RIN GUSTONG IPASARA YUNG NETWORK NILA, NEUTRAL LANG AKO. AT ISA PA HINDI KO 'TO OPINYON, ETO LANG YUNG NATUTUNAN KO SA SUBJECT KO NUNG
UNDERGRAD.

Usap-usapan ngayon yung RA 7966 (eto yung source). Ayan yung law kung saan nakaasaad kung ano ano ba yung rules and regulation na dapat sundin.
Dito tayo mag-focus sa Technical part ipapaliwanag ko lang yung ibang term.

Mababasa niyo palagi yung word na "FREQUENCY" at "CHANNELS"

Okay let's start!

What is frequency?
It describes the number of waves that pass a fixed place in a given amount of time

okay in layman's term tayo,

from the word "frequent" means yung times na nangyari yung isang bagay o sa tagalog ng frequent ay yung "dalas"

so in tagalog , frequency is th number of waves (radio waves, sound waves, micro waves,visible light and infrared)na dumaan sa isang lugar in a given amount of time.
Everything around you is signal. So in other words frequency is number of times something happens and it is measured by Hertz. Kunwari tumalon ako ng tatlong beses sa 1 sec ibig sabihin
may 3hz tayo, makikita niyo yan sa maraming appliances niyo.

Okay focus tayo sa RADIO WAVES and MICRO WAVES. Si Radio waves ginagamit sa pag transmit television and radio programs. Si micro waves naman is to
transmit satellite television and for mobile phones.

So si TV NETWORK ay under na sa VHF(very-high frequency) -UHF (ultra high frequency). Mula Ch2 and so on, siguro nagtataka kayo bakit wala tayong channel 1?
Yung frequency po kasi nun is allocated pa for FM Radios (iba rin yung binigay na frequency rito which is Mhz pati sa AM Radio na Khz).

So eto na nga based sa mga nabasa ko, at sa mga sinasabi ng mga Engineer kong friends and also sa forum namin, using Analog Signals, hindi kakayanin na mapagkasya yung maraming Channels
sa iisang frequency . So maybe isa, or dalawa lang ang kasya not sure, pero eto na nga nakaisip ng paraan si ABS-CBN, gumamit sila ng digital signals using multiplexing.

So, what is MULTIPLEXING?
Eto yung technique na marami kang input na maipapasok tapos ang labas is iisang link na lang. So by using Digital ang advantage nun sa Analog is better quality, higher resolution and
pwede sila mag broadcast ng maraming signal sa iisang bandwidth. (bandwidth means yung difference between lower saka upper frequency kumbaga yung pwede nila paglagyan ng mga info)

So ang nakasaad sa RA7966

 1 FRANCHISE=1 FREQUENCY (mag base po tayo sa law ha? wag doon sa interview)

So eto yung situation,
may isang bahay (FREQUENCY SPECTRUM) na binigay yung mama niyo (NTC), tapos kunwari 10 kayong magkakapatid (10 TV NETWORKS), so may 10 kwarto rin (FREQUENCIES), sabi ni mamsh
kayo na bahala sa kwarto niyo, so si ditse (ABSCBN) dahil mautak gumamit ng ibang bulsa ni doraemon (DIGITAL SIGNAL USING BLACK BOX) na ginaya niya sa ibang bansa di pa kasi alam ng mga kapatid niya to eh,
kaya ayun marami siyang nalagay (CHANNELS), kaso nagreklamo si pinsan (FICTAP) kasi nang dahil ginawa ni Ditse na move. Pero wala rin naman kasing kasalanan yung parents eh, kasi matagal
na sinasabi ni ditse yun e , kaso nadedelay lang kasi matagal siya payagan ni papa (CONGRESS) .


Eto lang yung simpleng paliwanag ko guys, wala akong kinalaman sa ABS-CBN ha? pinaliwanag ko lang yung ibang problema.
Sana nakatulong, at isa pa, wala akong ibang gustong ipahiwatig gusto ko lang makapag bigay ng impormasyon, wala pa rin akong konkretong paliwanag kung bakit may 2 kwarto na ginamit
si Ditse, pero sabi nila binigay daw ito ni mama, saka isa pa yung kay Diko (GMA) at sanse (PTV) may iba rin DAW silang kwarto for Digital.

At, eto na nga ano kaya mangyayari sa presyo ni ABSCBN sa PSE?

Salamat kabayan sa pagbabasa, NO TO ARGUEMENTS TAYO RITO HA? I'M NOT PRO DI RIN AKO ANTI. Feel free to correct me sa mga kapwa ko ECE dyan.

Magandang gabi,paalam ! Wink
Pages:
Jump to: