Pages:
Author

Topic: Advantage ba o Disadvantage ang pagbaba ng Bitcoin? - page 10. (Read 2822 times)

full member
Activity: 364
Merit: 106
Sa tingin advantage siya para sa mga taong gusto magtrade. Since mababa and presyo ng bitcoin, it means pwede sila bumili nito sa mas mababang halaga and trade/exchange it for a higher value once na tumaas na ulit ang value nito. Since nagpa-fluctuate and value niya from high to low then back, napakalaki na advantage noon sa pagbili and invest then sa pagtrade, allowing traders to earn more.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Sa pagbaba nang presyo ni bitcoin may disadvantage talaga at advantage . Ang advatange sa pagbaba nang bitcoin ay maari kang makabili nang maraming bitcoin sa murang halaga at ito ay hintayin at kapag tumaas na ulit ito ay maaari mo na siyang ibenta at magkakaprofit ka nang malaki . Ang disadvantage naman ay ang hawak mong previous bitcoin ay mababawasan nang presyo . Pero okay lang kahit tumaas o bumababa ang bitcoin parehas naman ito  na may benefits.
full member
Activity: 408
Merit: 100
www.bitpaction.com
Advantage sa mga gustong mag start plang magtrading at bumili ng bitcoin pero disadvantage sa mga tao na my mga hawak n nbitcoin.pero ihohold parjn nman nila un eh.at hintayin ulit na tumaas
member
Activity: 105
Merit: 100
Para sa akin, may advantage at disadvantage ang pagbaba ng bitcoin. Advantage ito para sa mga bibili at magiinvest ng bitcoin, at maari ring tumaas ang halaga ng ibang altcoin na marami rin sa atin ang gumagamit. Disadvantage naman ito para sa mga magbebenta ng bitcoin dahil imbes na mataas ang kikitain nila eh bababa ang kita nila kaya para sa akin may advantages at disadvantages ang paggalaw ng halaga ng bitcoin.
member
Activity: 158
Merit: 10
Advantage ang pagababa ng presyo ng bitcoin, dahil kapag hindi bumama ang bitcoin ibig sabihin mas bababa pa talaga siya later on. And so, kapag bumama na ngayon ang presyo ng bitcoin, ibig sabihin tataas ding muli ang presyo nito  Dahil once na magkaubusan Tataas ang demand nito kaya tataas muli ang presyo.
member
Activity: 79
Merit: 10
Somehow may advantage and disadvantage parin.
Hindi pa masyadong kilala yung bitcoin sa pinas lalo na sa mga ordinaryong tao. Hindi naman ntin to malalaman kung walang nag introduce din sa atin.
full member
Activity: 266
Merit: 100
Sa tingin nyo ngayon bumababa ang presyo ito ba ay advantage or disadvantage?
For me kasi it is an advantage dahil may chance na para makapag invest sa bitcoin habang bumababa ang presyo nito.

Oo tama. Isa itong advantage para sa mga investors na nagbabalak maginvest sa bitcoin. Maganda itong advantage dahil makakabili sila ng bitcoin sa mababang presyo vs. sa previous price nito na over $4k+. Malaki ang matitipid nila dito.
sr. member
Activity: 714
Merit: 254
disadvantage ang pagbaba ng bitcoin sa mga taong maraming naitabing bitcoin, advantage naman sa mga walang bitcoin o dun sa mga mamumuhunan para bumili ng bitcoin at intayin lamang muli na lumaki ang value nito at magandang profit na agad ang nagaantay sa kanila, kung may extrA pa akong pera ibibili ko talaga ng bitcoin, investment ba.
full member
Activity: 299
Merit: 100
For me it's an advantage. First 500$ drop ng BTC price bumili na ko. Kaso after 2days mas malaki yung ibinaba nya kaya medyo nag regret ako. Haha. Pero okay na din kasi pwede naman bumili ulit kaso syempre kung limited lang yung fund, sayang. Holder pa lang ako sa ngayon. Kulang pa ko sa kaalaman sa trading..  hehe. So I'm hoping that the bitcoin price will continue to increase.
May nagbigay nga ng advice sakin na dapat dinidivide yung pera..
For example when the price hits
4000$ bili ka ng 1000Php worth of btc.
3500$ 1000Php ulit
3000$ 1000Php uli.. And so on..
Kasi kapag mas bumaba pa wala ng pambili pa kung ibubuhos na lahat sa unang bagsak ng presyo.
member
Activity: 353
Merit: 12
Sa tingin nyo ngayon bumababa ang presyo ito ba ay advantage or disadvantage?
For me kasi it is an advantage dahil may chance na para makapag invest sa bitcoin habang bumababa ang presyo nito.


Kung titingnan nating mabuti dalawa ang pwedeng mangyari. Pwedeng magiging maganda ito at hindi. Magiging maganda ito kung para sa pagbili ng bitcoin kasi nga mura ang price nito. Yung pangalawa naman eh hindi dahil marami ang pwedeng malugi dahil sa pagdump nito lalo na kung hindi nila icoconvert agad into peso.
full member
Activity: 325
Merit: 136
Sa tingin nyo ngayon bumababa ang presyo ito ba ay advantage or disadvantage?
For me kasi it is an advantage dahil may chance na para makapag invest sa bitcoin habang bumababa ang presyo nito.


Sa tingin ko advantage ito dahil pupwede na mabili sa mababang halaga ang bitcoin at sana bumaba pa para makuha natin ng mas mababa. Kung sakali makabili ako ihohold ko ng matagal para malaki ang maging profit ko.
full member
Activity: 255
Merit: 100
Advantage yun para sakin kasi maaari kana ngang maginvest habang low price pa ehy para kapag umangat o diba hinding hindi ka lugi.
sr. member
Activity: 1372
Merit: 261
Sa tingin nyo ngayon bumababa ang presyo ito ba ay advantage or disadvantage?
For me kasi it is an advantage dahil may chance na para makapag invest sa bitcoin habang bumababa ang presyo nito.

Isang advantage sa lahat ang pagbaba ng bitcoin lalo at wala ka pang pera na ininvest dahil hindi ka mawawalan. At isang advantage din lalo ang pagtaas ng market value nito dahil kung nabili mo ng mas mura ang bitcoin mo, magkakaroon ka ng profit at sa paraan na ito ay madadagdagan ang pera na ininvest mo.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Sa tingin nyo ngayon bumababa ang presyo ito ba ay advantage or disadvantage?
For me kasi it is an advantage dahil may chance na para makapag invest sa bitcoin habang bumababa ang presyo nito.


Para sa mga baguhan na kakapasok palang sa pag bibitcoin ang pagbaba ng presyo sa kanila ay disadvantage. Kasi pumasok silang mataas at expected nilang mas tataas pa, di nila naintindihan yung volatility ng bitcoin pagdating sa presyo niya. At para naman sa mga matatagal na tungkol sa pagbibitcoin mas alam natin yung takbo ng bitcoin at alam na advantage ito para mas bumili ng mas mababang presyo.


yun tama ka lalo na yung bago palang sa signature campaign tapos umaasa silang malaki masasahod nila pero mababa dahil nga bumagsak. advantage para sa mga professinal dahil maganda chansa to para bumili ng bitcoin kahit ako gusto ko bumili wala lang ako cash ngayon. nakay bitcoin at altcoin lahat

Tama ka dyan at hindi lang yung mga kasali sa campaign lalo na yung mga minero haha. Kung magbabasa basa ka sa facebook ang daming mga nagrereklamo tungkol sa daily profit nila at kapag bumaba ang presyo parang susuko na agad. Ganito talaga kasi ang buhay sa crypto currency at bitcoin, minsan nasa ibaba minsan nasa taas kaya wag masyado umasa at mag assume para di masasaktan.  Grin
full member
Activity: 168
Merit: 100
Baguhan ako pero may kunting background sa finance.Para sakin isang malaking opportuniy to para satin, lalo na.sa mga small time investors na gusto bumili ng bitcoin pero di kaya bumili dati since mataas ang presyo. Ito na ying tyansa na iniintay nyo. Siguro ung mga hindi pa masyado familiar iisipin na hindi maganda ngayun kasi mukhang palugi ung bitcoin pero hindi ganun dito dito tulad ng small time business na dahil walang bumibili mamatay na negosyo. Napaka volatile ng industry minsan bilgang bagsak pero pag hatak pataas sobra sobra naman. Advantage to para sakin.
full member
Activity: 680
Merit: 103
Para sa saken advantage yan para, kapag bumaba ang halaga ng bitcoin mas madali tayong makakaipon ng ng bitcoin, at isa pa sa dahilan ay limitado lang ang bitcoin sa 21 million at sa total na bitcoin nayan nasa 16 million pang ang nasa serkolasyon, kaya di maaring mawala ang bitcoin na para saken ay katulad din ng ginto Smiley
full member
Activity: 1002
Merit: 112
Pag newbie ka tapos bumili ka ng bitcoin sa halagang 230k at bigla itong bumagsak ng 150k syempre disadvantage yun kasi ang laki ng lugi mo pero para sa mga matagl na sa bitcoin at ubos na ang bitcoin sa wallet advantage ito kasi makakabili ng btc sa mababang halaga.
newbie
Activity: 35
Merit: 0
disadvantage eto sa nakapag invest na pero sa mag iinvest pa eto ay langit dahil mura ang pagbili nila nito.
hero member
Activity: 1190
Merit: 511
Advantage siya sa mga taong nagbabalak mag invest nang pera para sa bitcoin kasi syempre since mababa na sya at may opportunity na tumaas. Disadvantage naman sa mga taong nakapaglagay na nang pera at nagg aantay na lang na madoble yung ininvest.
Irephrase nalang po natin ang tanong, mas okay po ang tanong kung advantage ba or disadvantage ang bitcoin sa ating  mga buhay kaysa sa pagbaba dahil sa totoo lang naman po alam naman po natin na normal na bagay na lamang po ang pagbaba ng bitcoin pero agad naman po yon nakakabangon eh.

para sa akin walang dis advantage ang pagbibitcoin kasi lahat naman tayo dito ay nabibigyan ng magandang kita at ang maganda dito nakasali tayo dito ng wala tayong binibitawan na pera, hindi katulad sa iba kailangan mo pa ng registration fee para makapag simula, wala akong nakikitang dis advantage dito
full member
Activity: 406
Merit: 110
Advantage siya sa mga taong nagbabalak mag invest nang pera para sa bitcoin kasi syempre since mababa na sya at may opportunity na tumaas. Disadvantage naman sa mga taong nakapaglagay na nang pera at nagg aantay na lang na madoble yung ininvest.
Irephrase nalang po natin ang tanong, mas okay po ang tanong kung advantage ba or disadvantage ang bitcoin sa ating  mga buhay kaysa sa pagbaba dahil sa totoo lang naman po alam naman po natin na normal na bagay na lamang po ang pagbaba ng bitcoin pero agad naman po yon nakakabangon eh.
Tama ka po diyan na ang pagbaba po ng bitcoin ay normal lang naman po talaga sa kalakaran po natin eh, hindi naman talaga porke bumaba ay wala na tong halaga hindi ba, ang bitcoin po talaga ay siguradong pataas ng pataas ang price niyan dahil nagiging part na siya ng necesity ng mga tao.
Pages:
Jump to: