Pages:
Author

Topic: Aegis Authenticator, isang maganda alternative sa Google Authenticator/Authy - page 2. (Read 430 times)

copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
Hindi siya secret key eh, backup codes siya mula mismong sa gmail. (Parang naguluhan din ako lol) pero nung may bago kasi akong phone nun nagsearch muna ako paano malipat yung Google Auth ko mula sa isang phone tapos parang ganito yung nabasa ko.
(https://security.stackexchange.com/questions/167563/where-to-find-google-authenticator-backup-codes)
Yep, parang yung pag kakaintindi ko, ang magiging backup mo lang is yung keys (secret key which minsan naka qr code siya) na bigay ni gmail or any websites for your account's 2fa, not from google auth, which is isa isa yun, if iilan yung account na ginawa mo sa google auth. The same thing sa authy yan pero yung authy is you can use it in multiple device which is wala yun sa GA dati and it will serve as a backup din, pati phone number.
Ang unique lang sa aegis is may backup siya lahat na ginawa mong account kahit nawala mo yung secret keys from those websites na may 2fa.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Ang backup sa kanya magbibigay siya ng backup codes na sampung piraso at bawat isa nun, isang beses mo lang gamitin kapag magrerecover ka.
Baka yung tinutukoy mo is yung secret key nung bawat account na gagawan mo sa google auth? Anyways parang wala yang feature na yan nung ginagamit ko yung google auth,  wala rin akong nahanap na tuturials related puro reklamo nakikita ko nun sa mga discussions related sa google auth.
Hindi siya secret key eh, backup codes siya mula mismong sa gmail. (Parang naguluhan din ako lol) pero nung may bago kasi akong phone nun nagsearch muna ako paano malipat yung Google Auth ko mula sa isang phone tapos parang ganito yung nabasa ko.
(https://security.stackexchange.com/questions/167563/where-to-find-google-authenticator-backup-codes)
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
Ang backup sa kanya magbibigay siya ng backup codes na sampung piraso at bawat isa nun, isang beses mo lang gamitin kapag magrerecover ka.
Baka yung tinutukoy mo is yung secret key nung bawat account na gagawan mo sa google auth? Anyways parang wala yang feature na yan nung ginagamit ko yung google auth,  wala rin akong nahanap na tuturials related puro reklamo nakikita ko nun sa mga discussions related sa google auth.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Since nung nawala phone ko at on that time parang walang backup feature din yung google auth kaya daming account yung di ko ma access included coinsph account ko kaya I moved to authy at baka mapalipat na din ako dito.
Ang gamit ko sa ngayon ay yung google auth at pwede mo siyang I-backup kaso hindi tulad nito na .json file. Ang backup sa kanya magbibigay siya ng backup codes na sampung piraso at bawat isa nun, isang beses mo lang gamitin kapag magrerecover ka. Mukhang mas maganda itong aegis at baka gawin ko ito sa isang phone ko. Syempre mas gusto natin na tayo lang may access sa mga 2FA natin, hindi ko alam na sinasave pala ni authy sa server nila yung mga codes ng users niya.
sr. member
Activity: 840
Merit: 268
Mukhang maganda nga yung application and tama ka dun sa may modern interface niya. It includes your fingerprint and one of its advantages(maidagdag lang) pwede kang mag import/export ng database. I don't know kung tama to pero I think it talks about yung kung saang account siya nakaconnect. So for example, may accounts na nakaauthenticate ka sa google authenticator. You can import it to aegis app para wala nang hassle like pupunta ka pa ng exchange para ilagay ulit. Ang kaso lang for rooted phones lang pwede and ang pagrooroot ng phones delikado.

Anyway, another advantage neto is may darkmode siya. Some people like working at night kaya importante yung dark mode.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
Nice, yung backup feature (export as .json file) yung reason why I installed the app which is wala ito sa authy I'm not sure sa google auth since di na ko gumagamit nun. Since nung nawala phone ko at on that time parang walang backup feature din yung google auth kaya daming account yung di ko ma access included coinsph account ko kaya I moved to authy at baka mapalipat na din ako dito.
hero member
Activity: 1274
Merit: 519
Coindragon.com 30% Cash Back
Tama na hindi mainam na gamitin lang ang SMS 2fa dahil naranasan ko na to. Nahirapan akong irecover halos lahat ng account ko ng mawala ang cp ko kasama ng # na ginagamit ko sa 2fa. Hindi rin ako makapag pagawa ng duplicate ng #ko dahil pumunta ako sa network provider ko at mag inquire at kailangan daw mg case ng pinag tanggalan ng sim kapag gagawa ng duplicate. Kaya mas mainam na maglagay ng other means para marecover ang mga account.
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
Good thing na meron palang other alternative aside from Google Authenticator, so far kasi naka stick na ako sa GA app. Pero mga kabayan bukod sa 2FA dapat e nakaback-up din ang inyong mga recovery keys in case na mawala or manakaw ang inyong mga device e may chance parin na marecover ninyo ang inyong mga accounts or kung ano pa man yan.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz

Disclaimer: I am in no way affiliated with Aegis Authenticator, and I have no monetary incentive in sharing it.

pinost ko rin to sa Beginners & Help section


Advantages ng Aegis kumpara Google Auth:
  • modern interface
  • Open source
  • Pwedeng mag backup
  • AES-256 Encryption, password/fingerprint lock

Disadvantages:
  • Pang android lang sa ngayon

Website: https://beem.dev/
GitHub repo: https://github.com/beemdevelopment/Aegis
Google PlayStore: http://play.google.com/store/apps/details?id=com.beemdevelopment.aegis
F-Droid: https://f-droid.org/en/packages/com.beemdevelopment.aegis

Bakit natin kailangang gumamit ng 2FA? Para mas secure ang bitcoin/crypto exchange accounts natin; at mga ibang online accounts natin in general. Hindi suggested na gamitin ang SMS 2fa over app-2fa.

Bakit hindi nalang Authy ang gamitin? Kung ok lang sayo na nakasave sa servers ng Authy ung backup codes ng 2FA accounts niyo, then sige lang gamitin nyo ang Authy. Pero kung mas prefer niyong kayo lang ang may access sa 2FA backups niyo, subukan niyo tong Aegis authenticator.

Kung may katarungan, wag mahiyang magtanong.
Pages:
Jump to: