Kung kaya ng AI na magpredict ng price ni bitcoin para sa hinaharap, sino naman kaya ang naglagay ng data sa AI para makapagpredict ito ng price? Ano sa tingin nio? Tao din ba? sino ba may gawa sa AI? Tanung ko lang naman ito. Kasi para sa akin hindi ako naniniwala dyan, sorry sa mga naniniwalang iba dyan.
Meron nabang trader na nakahula ng tamang price sa Bitcoin before hanggang sa hinaharap? Diba wala pa naman? Kitang-kita naman din na tao na tao din ang nag-investo sa AI, so ano pa aasahan natin sa prediction na ibibigay ng AI kundi yung taong naglagay ng data sa AI? tama ba?
Bilib ako sa analysis mo, tama lahat ng sinabi mo at yun naman ang facts sa intelligence din ng tao nangagaling ang sagot ng AI ginawan lang ito ng data base para ma retrieve depende sa kung ano ang mga tanong kaya mga pag gawa ng AI ang gawa isa lang ang sigurado plagiarism ito kasi existing idea or work ito na hinugot sa database.
Kung meron man sariling output ang mga AI ay maliit na percentage lang ito pero mataas na percentage idea ng tao na hinuhugot lang ng AI.
At tungkol sa Price ng Bitcoin na gawa ng AI kung mag comparison kayo makikita nyo existing analysis na rin ito ng mga experts.
- Pag sinabi mo din kasing AI hindi ibig sabihin ay puro kabutihan na ang maibibigay na tulong nyan sa ating mga tao. Tandaan lamang natin na lahat ng mga inimbento o ginawa ng tao ay pwede rin nila itong ikapahamak. Bakit? dahil lahat nga ng ginawa ng tao ay pwedeng magamit sa mabuti at masama, ito yung facts sa ating pinag-uusapan dito.
Ano ang ibig kung sabihin? simple lang ang AI ay isa lamang sa mga naimbento ng tao, diba nga madaming nabahala dyan sa AI dahil nga pagdating ng panahon pwede itong pumalit sa mga trabaho ng tao na ginagawa sa kapanahunan ngayon. At mawawalan ng opportunidad ang tao na makapagtrabaho yan yung kinabahala ng ilan na opprotuninidad din naman sa mga employer na makatipid sa manpower. Ngayon, sa trading naman kung makakapagredict daw ba ito? siyempre oo ang sagot. Pero sigurado ba na yun ang magiging price ng Bitcoin? San nanggaling yung predicition na ibibigay ng AI? Sino ang gumawa ng prediction input na naglagay sa AI? Ang Sagot ay simple lang din common sense ika nga edi Tao din, ang pinagkaiba lang nakalimutan ng karamihan na ang AI ay inimbento lang din ng tao. Therefore ang pinakautak parin ng mga binibigay ng AI ay galing parin sa TAO.