Madalas ka bang makakita ng airdrops sa ibat ibang parte ng forum?
Nacucurious ka na ba kung ano ang airdrop?
Gusto mo bang makakuwa ng tokens from different projects? Ginawa ko itong thread na ito for those people who wants to know kung ano nga ba ang airdrop upang makatulong sa mga new members of our community.
Ano nga ba ang AIRDROP?Sa pagkakaalam natin in a real life situation, ang airdrop isang paglaglag ng supplies with the use of parachutes galing sa isang aircraft. Walang masyadong difference ang airdrop na alam natin sa airdrop ng cryptocurrency kasi iisa lang ang kanilang purpose, to drop something.
Ang
airdrop sa cryptocurrency ay ang pagdidistribute ng tokens sa mga iilang token holders sa pamamagitan ng paggawa ng simpleng task.
Bakit nga ba may AIRDROP?Minsan mapapaisip ka kung legit ba or scam ang isang airdrop kasi bakit nga ba nila pinapamigay ang tokens? bakit nga ba may airdrop? Just a simple answer, dahil kung iisipin mo, ito ay isang way upang ipakita sa mga users kung gaano kataas ang halaga ng kanilang tokens at para tumaas ang rate sa pagkakakilanlan ng token, dahil doon mas dadami ang investors na maaattract sa token nila.
Worth it ba pagtuunan ng pansin ang AIRDROP?Depende, Bakit? Kasi may mga times na makakaranas ka ng fake airdrops, minsan may mga airdrop naman na legit at sobrang profitable. Nasa sayo na yan if pagtitiyagaan mo talaga maghanap ng airdrop na malaki yung token value. Pero wala namang masama at wala namang mawawala kung magtatry ka kaya go! Malalaman mo naman agad kung mema airdrop lang or kung legit through experience na din.
Paano ba sumali sa AIRDROP?Sa thread nila may makikita kang task na gagawin para mabigyan ka ng airdrop. Simpleng task lang naman yon katulad ng pag subscribe sa social media accounts nila (kadalasan twitter at telegram), magregister sa forms na kung saan ilalagay mo yung wallet address mo (Madalas ETH Address -
MyEtherWallet) , refferals, magregister sa beta ng kanilang platform at kung ano-ano pa. Then isesend nalang nila yung token sa wallet mo kapag nagsimula na ang airdrop distribution.
Pwede ka bang sumali sa madaming AIRDROPS?Yes, as long as matatanggap ka nila or isa ka sa chosen one nila. May mga spreadsheet naman silang nilalabas para makita if mabibigyan ka ng token nila.
Saan makikita ang mga AIRDROPS?Ang airdrops sa forum ay makikita mo sa Altcoin Section. Para sa specific na location, Alternate cryptocurrencies >> Announcements (Altcoins) >> Tokens (Altcoins) or just click here >>
Tokens (Altcoins)Meron din akong telegram group na kung saan maguupdate ako ng mga legit airdops and bounties. Here is the link
Telegram - ZORAH's GUIDE [AIRDROP AND BOUNTIES]. Feel free to join!
Para sa iba pang katanungang regarding sa topic na ito, i'll answer it with all the information i know.
Thanks for reading! Have a good day!