Tinamad na din ako sa karamihan sa ganyan. Totoo yan, yung sa referral at may pang kaskas o transaction sa mga tasks, yun yung mga pumapaldo tapos effortless. Di ko alam kung matatawag pa bang airdrop yan kasi ang airdrop libre lang e.
Parang lumalayo na nga sa konsepto na dati ay simple lang. Mas okay pa noon sa bounties na mag like and share ka lang sa social media campaigns ay pwede ka na pumaldo, yun nga lang ay swertehan lang din talaga kapag nag pump yung coin or token na sinuportahan mo. Malaking advantage na ngayon yung may connections at may budget ka. Sulit naman yung mga handang sumugal pero hindi pa rin mawawala yung risk.
Upon checking sa mga naging wallet ko previously like last year sa NFT is halos 2022 pa transaction ko and wala akong na claim ni isa may mga kasama ako nakakuha at least mga asa 10k din sila kasi active yung mga wallets nila mapapa sanaol kana lang talaga kahit nga 5k sapat na e pang re-investment sa ibang coin, pero ilan din sa mga kakilala ko ung wallet nila is na compromised after nila ma click yung bind regarding sa pudgy and not quite sure what happens kasi bigla na lang daw ito na drain.
Pano kaya yung wallet ko na, na connect ko sa isang fake airdrop website pero na disconnect ko naman agad. May access na kaya sila doon at mangyayari rin bas a akin yung magkakaroon ng drainer na kung saan kapag nagkaroon ng laman ay automatic nilang makukuha? Yun pa naman yung gamit ko sa mga sinalihan ko.