Pages:
Author

Topic: Ang crypto after ng isang super typhoon. - page 3. (Read 363 times)

hero member
Activity: 2758
Merit: 675
I don't request loans~
December 25, 2021, 10:40:54 PM
#10
Pretty much pinagkukumpara lang ni OP yung convenience based sa current situation nila ng fiat vs crypto. Disregarding yung ibang basic needs like food and water and a lot more, just yung fact na mas available for usage ang fiat kesa sa crypto at their current situation ay enough na para mapakita na hindi naman talaga to be used ang crypto in all situations, which is natural imo.

Tulad nga ng idea na mamamatay lang yung Bitcoin network if namatay ang internet, mawawalan din ng saysay yung stored crypto mo kung di mo maaccess yung internet. Crypto is not something to be used in case of emergencies, it's more of a personal security type para sa pera na hawak mo since ikaw yung bank mo.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
December 25, 2021, 08:52:21 PM
#9
Yes I agree po sa given na ang food and water ang basic needs talaga what I mean is ang usage ng crypto at fiat sa ganitong sitwasyon. Sa sitwasyon ko po kasi may konting crypto po akong natira sa wallet na gusto kong iwithdraw pero di ko magawa kasi tumaas na pala ang fee at isa pa walang kuryente at signal.

Yung trapal, yero at pako sa mga tindahan ay di po libre at need po ng fiat dahil yun ang pambayad nun. This is actually my second time na nasalanta ng super typhoon isa na yung yolanda at kahit na isa ako sa nasalanta nagvolunteer talaga ako sa tacloban para tumulong mapabilis ang distribution ng relief goods.

Dun sa mga nagsabi di working ang bangko mali po kasi the next day gumagamit po sila generator para makatransact yung may mga atm. Sa tubig po naayos po kaagad at maraming source dahil nasa probinsya kami, sa pagkain may relief goods din galing dswd na dumating few days after the super typhoon hit us.

Bagyo lang po kasi ito hindi zombie apocalypse kaya meron padin po tindahan 😁 alam po natin lahat na tubig at pagkain talaga importante hindi ang currency pero kelangan po namin ng repairs at yun po ang walang libre. Pati po charging ng devices 10-15 pesos po bayad ilan lang po ang nanlilibre at fully occupied po agad.

Inaamin ko po na may mali kami kasi di kami nakapaghanda dahil wala po talaga kaming emergency funds simple lang po pamumuhay namin dito sa probinsya. Naging inactive din ako sa forum dahil sa internet connection kahit pa walang bagyo ay sobrang bagal kaya yung crypto ko na iwiwithdraw sana ay  naabutan na ng pagtaas ng fees ayun natengga na din pagkabukas ko wala luge na sa fees. At until now wala parin po kuryente.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
December 25, 2021, 04:49:29 PM
#8
May advantages at disadvantages naman talaga ang cryptocurrency and its far from being perfect, again this is an online money so what can you expect if there’s no connections? Fiat money is a good alternative. So with this situation, this is the time for fiat money and cryptocurrency to work with each other, kaya sa mga nagsasabe na crypto will replace fiat think again kase nga hinde ito mangyayare, fiat still give convenience.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
December 25, 2021, 04:44:37 PM
#7
This is the reason why fiat money will stay forever, since marame paren ang downside ng online money kaya malabo nitong madominate ang whole market. This is not just about the calamity since maraming bansa at lugar paren ang walang sapat na kuryente, stable internet connections and sapat na kaalaman patungkol sa crypto. Though naniniwala naman ako na darating ang araw at makakahanap ang tao ng paraan para mahing offline and Bitcoin at magamit ito saan mang lugar. Anyway, Stay safe mate!
legendary
Activity: 3248
Merit: 1055
December 25, 2021, 09:41:21 AM
#6
Isa ako sa mga survivor ng bagyong Odette at ang masasabi ko lang is walang kwenta ang crypto after mawala ang kuryente at signal sa lugar namin. Fiat padin talaga ang sakalam in terms of convenience sa bawat apektadong lugar.

I think yan lang namn ang downside sa pagamit ng crypto maliban sa mataas ang fees. Kayo, ano sa tingin nyo advantage at disadvantage ng crypto lalo na sa panahon ng krisis?

I don't think fiat din ang pinaka importante sa panahon ng krisis. I am from Mindanao too and I am close to where Odette has made a huge devastation. Alam mo ano ang pinaka importante sa lahat? Yes, hindi crypto, at hindi rin pera or fiat money kundi tubig at pagkain na hindi maaring bilhin ng pera kasi yung mga nag titinda ay kinakailangan din yung pagkain at tubig na tinitinda nila.
When we're talking about calamities, or let's say a post apocalyptic scenario, walang magagawa ang pera or any currency in terms of survival.

Let's say isa yan sa disadvantage ng crypto, pero hindi naman talaga ginagamit ang Cryptocurrency as means to provide us our daily needs kasi hindi widely accepted ang crypto sa bansa natin. Pero it is still the most profitable investment in the long term. So, bakit mo naman gagamitin ang crypto asset mo dahil affected ka sa bagyo?

kita ko rin to sa mga taga surigao. hindi ka mabubuhay kung walang tubig, pagkain at kuryente kaya dagsaan sila sa butuan ilang araw matapos and bagyo. kaya kung mangyayari man na talagang magkakagera man or may sakuna gaya ng lindol at bagyo. mas mabuti meron tubig at pagkain dahil kung meron ka mang pera pero walang mapagbilhan ay bale wala rin. mabuti na lang daw maraming mga ilog sa mindanao na malinis ang tubig. ang pinoproblema ng iba ay ung mosquito net blanket para sa pagtulog.

kita ngayon ang disadvantage kung crypto lahat ng assets mo.
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
December 25, 2021, 09:18:12 AM
#5
I disagree.

You wouldn't have fiat in the first place if you don't have your cryptocurrency, isa pa, depende na lang rin yan kung paano mo ihahanda ang iyong sarili sa isang sakuna. Kapag nawalan ng kuryente at internet connection, kahit yung mga pera sa bangko ay wala ring kwenta, so technically speaking, everything is useless if it's only available when we have electricity and internet connection.

Kelangan lang palaging maging boy scout.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
December 25, 2021, 08:52:55 AM
#4
Isa ako sa mga survivor ng bagyong Odette at ang masasabi ko lang is walang kwenta ang crypto after mawala ang kuryente at signal sa lugar namin. Fiat padin talaga ang sakalam in terms of convenience sa bawat apektadong lugar.

I think yan lang namn ang downside sa pagamit ng crypto maliban sa mataas ang fees. Kayo, ano sa tingin nyo advantage at disadvantage ng crypto lalo na sa panahon ng krisis?
Expected yan considering na need ng internet ang crypto. I don't think na pera o fiat parin ang mangingibabaw pagkatapos ng isang sakuna, ito ay ang pagtutulungan ng bawat isa at ang mga basic needs na kinakailangan ng tao considering na bagsak ang ekonomiya kaya not gonna lie walang magagawa yung crypto para sa problemang yan.

Actually, may magagawa ang crypto o yung blockchain rito especially kung ang pag-uusapan ay yung mga donations in digital financial terms na galing sa iba't ibang mga tao or organisasyon. Crypto has more advantages compared sa disadvantages, para sa akin na a-outweigh nito ang mga disadvantages na sinasabi mo kasi we're totally into more sophisticated digital era.
hero member
Activity: 2520
Merit: 783
December 25, 2021, 08:47:14 AM
#3
Hindi naman excuse ang pagkakaroon ng crypto para hindi ka magkaroon ng emergency funds. Hindi rin namam widely accepted ang crypto for day-to-day transaction dito sa pinas unless otherwise ma-convert mo siya into PHP. But since walang kuryente, walang internet or pati tubig, hindi talaga crypto ang magsasalba sayo.

This is why having an emergency funds every time is a MUST. Remember that crypto is considered just an alternative payment and is not a substitute for fiat especially in terms of crisis (as of now).
hero member
Activity: 2814
Merit: 553
December 25, 2021, 08:05:24 AM
#2
Isa ako sa mga survivor ng bagyong Odette at ang masasabi ko lang is walang kwenta ang crypto after mawala ang kuryente at signal sa lugar namin. Fiat padin talaga ang sakalam in terms of convenience sa bawat apektadong lugar.

I think yan lang namn ang downside sa pagamit ng crypto maliban sa mataas ang fees. Kayo, ano sa tingin nyo advantage at disadvantage ng crypto lalo na sa panahon ng krisis?

I don't think fiat din ang pinaka importante sa panahon ng krisis. I am from Mindanao too and I am close to where Odette has made a huge devastation. Alam mo ano ang pinaka importante sa lahat? Yes, hindi crypto, at hindi rin pera or fiat money kundi tubig at pagkain na hindi maaring bilhin ng pera kasi yung mga nag titinda ay kinakailangan din yung pagkain at tubig na tinitinda nila.
When we're talking about calamities, or let's say a post apocalyptic scenario, walang magagawa ang pera or any currency in terms of survival.

Let's say isa yan sa disadvantage ng crypto, pero hindi naman talaga ginagamit ang Cryptocurrency as means to provide us our daily needs kasi hindi widely accepted ang crypto sa bansa natin. Pero it is still the most profitable investment in the long term. So, bakit mo naman gagamitin ang crypto asset mo dahil affected ka sa bagyo?
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
December 25, 2021, 05:48:48 AM
#1

Jump to: