Sa tingin ko sinabi na ng gumawa ng thread na ito na 95% ay hndi reliable ang mga chatrooms. Hindi naman sa minamaliit ko ang mga groups pero mahirap ng makakita ng mag-shashare sila ng knowledge nila sa trading. Yung iba ko kase na nasalihan eh hindi talaga akma sa resulta ng market. Mayroong ilang dahilan kung bakit siguro eh hindi naman talaga sila pro o wala talagang makakapagsabi ng mangyayari sa market. Maraming libro sa mga bookstore kung gusto ninyo matuto sa trading at ito ay purely stocks ngunit I can assure you na magagamit mo din yun dito sa crypto trade.
Hindi tulad last year naging mas komplikado ang merkado at mas nakakatakot mag-risk. kahit ang mga pro ng stocks ay nahihirapan sa crypto market so what if pa kaya ang baguhan.
Learn and learn lang talaga, mas marami kang matutunan ang sariling pagsisikap at isipin mo na lang na hindi ka aasa sa iba. Okie din naman sumal isa mga grupo pero much better na you're on your own para alam mo ang galawan ng market. Mga 6 months lang bihira ka ng matatalo. Just dont be too greedy at laging exit ang napanalunan para may sure profit bago pa mawalan ng tuluyan.