Mga baguhan pala karamihan dito.
Di ako pro pero di ko akalain may mas baguhan pa sa akin
.
Dun sa method na napost 3 ata dun naapply ko base sa observation lang.
1. Long trade (Ihold mo ang coin na tiwala ka aangat, binili mo ng cheap. May mga criteria yan para makapili ng coin. Isang malaking factor jan ang devs, concept ng coin, at ang community. Para sa akin safe ito. Basta tiwala lang sa coin na hinahawakan mo. Syempre research muna tungkol a coin na yun.)
2. Wall Stalker
3. Spread Method
2 to 30 mins lang kita ka na dito.
Itong dalawa magkapatid lang yan para sa akin. Pag may wall, at mataas ang spread. Magandang timing para sa short trade.
Risky yan pag nachambahan ka ng whale. Kapag nasa sell ka at nafill ang sell mo pero derecho mas mataas masyado sa price na nilagay mo, mahirapan ka magbid ng mas mababa sa pagkakabenta mo kasi tataas din ang bid price. kailangan mo maghintay lumapit ang bidding price sa price na nabenta mo.
At tama lagi emotion ang kalaban sa trading.