Pagbati!🚀🚀🚀Ikinalulugod naming ipahayag ang mga plano at pagpapaunlad ng proyekto ng W12 para sa 2019‼️Paunladin ang W12 protocol sa 2019 ang aming pangunahing priyoridad.
Ngayong taon, pinaplano naming paunladin ang protocol sa apat na pangunahing aspeto.
👉panglipunang pangangalap ng pondo(o kawanggawa), crowdfunding, tokenization at real estate trading, at STO.
Ang bawat direksyon ay inilaan sa nakahiwalay na plataporma. Ang lahat ng ito ay batay sa W12 protocol, na batay sa W12 Token. And W12 Token ay magagamit sa bawat plataporma. Ang kakayahang gamitin ang W12 protocol sa isang malawak na hanay ay may positibong epekto sa pamamahagi at paggamit ng token.
Ang mga plataporma ay inilalaan ayon sa uri ng madla, mga interes at aktibidad nito.☑️ Isang bagay lang ang nanatiling hindi magbabago, at yun ay ang full transparency sa lahat ng operasyon, minimal na mga gastos sa imprastruktura, desentralisasyon, pinakamababang posibleng panganib kumpara sa mga sentralisadong katapat.
👉Ang nasa ibaba ay maikling paglalarawan sa mga pangunahing aspeto ng application:1. Plataporma para sa mga proyekto ng kawanggawa at panlipunanAng mga non-profit na organisasyon, foundations, at indibidwal ay maaaring mag-organisa ng fundraising sa kawanggawa para sa mabubuting gawain. Ang W12 protocol ang magbibigay kung saan gagamitin ang mga nakolektang pondo na may transparent na pag-uulat na nakaayos sa blockchain.
2. CrowdbuildingIsang plataporma para sa kolektibong konstruksyon at pamumuhunan sa real estate nang hindi umaalis sa bahay. Nagsisimula ito sa 1m2. Ito ay magagamit kahit saang parte ng mundo.Ang pakikipagugnayan sa pagitan ng mga kalahok ay isinasagawa gamit ang W12 blockchain protocol. Ang pagsubok na bersyon ng site ay magagamit na sa crowdbuilding.io. Sasabihin namin sa inyo ang higit pa tungkol sa ginagawa ng plataporma ng may higit pang detalye sa susunod na anunsyo, kaya't manatiling nakatutok!
3. Crowdfunding sa blockchainIsang plataporma na nagpapahintulot sa mga gumagamit na makakalap ng pondo para sa pagpapatupad ng alinmang proyekto at ang produksyon ng isang bagong produkto na may paglabas ng tokens sa loob lamang ng ilang minuto.Ang mga gumagamit ay maaaring bumili ng alinmang produkto o serbisyo sa pamamagitan ng pagpipilian katulad ng pagbili gamit ang escrow batay sa W12 protocol. Hindi lamang ang mga produkto mula sa klasikal na pamilihan ang maaaring bilihin, kundi pati na rin ang paglulunsad at pagbebenta ng tokens ng bagong blockchain, iba't ibang teknolohikal na solusyon tulad ng crypto cards, hardware wallet at iba pa.
4. Ang STOIsang plataporma para sa mga security tokens offerings. Maaaring gumawa at magalok ng kanilang security token para sa pagbebenta sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mamimili ng may higit pang karapatan at garantiya kumpara sa mga klasikong modelo. Ang proyekto ay maaaring kumuha ng parte sa nakolektang pondo para sa mga itinatag na layunin lamang kung may pag-apruba ng mga mamimili o kanilang mga kinatawan.
Para sa transparent na pagpapagana ng bawat proyekto, kami ay naggawa ng serbisyo ng accounting sa blockchain‼️
Matapos ang ilang serye ng maikling pagsubok, ilalathala namin ito. Ang kagamitan na ito ay nagpapahintulot sa mga gumagamit na irecord ang lahat ng mga paggalaw ng pondo sa pagitan ng mga proyekto sa blockchain.Ang ganitong mga transaksyon ay magagamit para sa pag-verify ng sinumang gumagamit saan man sa mundo.