Siguro karamihan sa atin dito ay naranasan na ang ganitong masaklap na pangyayari. Lalo na kapag nag benta kna ng token holdings mo dahil akala mo babagsak na ang price hanggang sa magpump ng todo hanggang sa hindi kana maka enter ulit. Ang masaklap pa ay kapag na FOMO ka at bumili sa top tapos biglang natapos na ang bullrun.
Personally, kalimitan kong ginagawa sa ganitong sitwasyon ay nag uninstall ako ng mga apps na related sa trading or anything na makikita ko ang current price tapos umaasa lang ako sa forum para kumuha ng balita kung nag correction na ang market dahil laging updated ang mga user dito.
Ano ang karaniwan nyong ginagawa sa ganitong sitwasyon?
Huminga! wahaha
Pero seryoso, kailangan muna kumalma. Mahirap mag desisyon agad agad kapag hindi pa humuhupa ang emosyon. Mabuti na pakalmahin muna ang sarili. Matulog nang maaga at sapat, kumain nang masarap, mag shower/maligo, mag lakad lakad sa mga mapunong lugar,, mag movie, makipag kita sa kaibigan, at etc.
Kapag kalmado ka na, pwede mo na isa isahin ang mga maaaring rason ng pagkakamali mo. Ilista ito, isaisahing ianalyze at pagkatapos iwasan na ulit. Alamin din ano ang mga things na pwede mo iimprove para mas mapaganda at makapasok ka na sa tamang timing bago ang bull run. Nakakatulong na mag sulat para mas ma analyze mo basta mas okay sana na madaling balikan at mabasa para ma remind ka lagi na iwasan na ang pagkaka mali at iapply ang mga naisip na pdeng gawin para mag improve.