May dahilan kung bakit bumagsak ang Poloniex mula sa pagiging top exchange bago pa umarangkada ang Binance. Isa na dyan ang bumaba ng husto ang reputasyon nila.
Ang dahilan ata ng pagbagsak nila kasabay ni bittrex yung sa KYC. Dyan nagsimula mawalan ng gana halos karamihan ng mga traders kasi gusto nila yung hindi na kailangan ng KYC para lang makapagtrade. Sa ngayon naman ok ok parin naman ang poloniex at bittrex yun nga lang naungusan na sila ng Binance sa kasikatan. Meron pang isang exchange na maganda din base sa mga reviews niya, may gumagamit ba dito ng kucoin?
Umangat si Bittrex at pinalitan si Poloniex bilang top exchange bago pa nagsimula ang mga bagong regulation kagaya ng KYC. Ang daming dissatisfied na Poloniex users noon at ang bagal ng response time ng suport nila sa mga reklamo.
Tungkol naman sa Bittrex, yes malaking factor yung KYC requirement. Ito din yung time na andami kong nabasa na tweets mula sa mga crypto influencers na lilipat na sila. Isama mo pa yung time na naging buggy yung site nila noon nag-uupgrade sila.
Sa tingin ko hindi ang KYC ang naging dahilan ng pagbagsak ng Bittrex. Kung matatandaan natin, nagdelist ang Bittrex ng mga security token. Iyan marahil ang naging dahilan ng paghina ng Bittrex. Bukod dito, ang Binance ay may limit sa mga non-verified member. Hangang 2 BTC lang ang pwede nilang iwithdraw, kaya ang Binance ay nagpapanukala rin ng KYC sa mga users nila na malakas magtrade.
Meron din itong issue na ito tapos yung paglilista nila ng mga coin na maraming negative reviews kagaya na lamang ng Tron.