Pages:
Author

Topic: Ano ang mga bagay na dapat malaman ng baguhan sa crypto? - page 3. (Read 991 times)

jr. member
Activity: 59
Merit: 1
Almost 2 months lang po ako dito sa Crypto at wala pa pong kaalaman tungkol sa pag mining , pati pag sali sa mga bounty, kaya all I have to do is to read and understand. Minsan , binabasa ko pa ng pauli - ulit para makukuha ko ang ibig sabihin. I know, it's difficult for me to rule in Crypto world but I'm trying and eager to learn more.
full member
Activity: 476
Merit: 100
Sa una po ganyan din ako may sinasabi sila na hindi ko alam tungkol sa mga bitcoin pero nagtatanong ako sa kanila ng kunti tapos ako na yong mag hanap kong ano talaga at kong paano siya gaya nalang ng bitcointalk inirecommend sa akin  tapos di ko alam kong paano kaya nag masid masid ako dito habang natoto na din ako
member
Activity: 616
Merit: 18
📱CARTESI 📱INFRASTRUCTURE FOR DAPPS
Maraming dapat malaman ang baguhan sa crypto miski ang mga beterano sa larangang ito ay kailangan pa ding alamin ang bagay bagay dahil ang mundo ng crypto ay napakalawak at mabilis maginnovate. Ang mapapayo ko lamang sa mga baguhan sa crypto ay patuloy tayong magbasa tungkol dito. Dahil sobrang lawak ng crypto at hindi mabibilang ang mga bagay na pwedeng mangyari dito.
jr. member
Activity: 136
Merit: 1
Ang dakilang bagay lang naman  na kailangang malaman ng isang baguhan sa mundo ng crypto ay kong paano gumagalaw ang crypto, at kong paano kumita sa mundo ng crypto sa pamamagitan  ng ibat-ibang paraan.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
Try to read in meta because most of the information there can help you for your growth here. Mahirap kasi yung tatambay ka lang naman sa common discussions like Bitcoin and Altcoin discussion tapos puro mga opinions ang stated don.

If you're into data analyst about the forum, meta din ang number one international section. Try to learn different things like sa mga blockchain, 'cause that's the important factor na dapat mong malaman kasi lahat ng transaction mo ay based don. Ang pinakamagandang characteristic na dapat i-apply when you're investing or waiting for a specific bounty, dapat marunong kang mag-intay, di lahat ng projects ay magbibigay. Meron ding lowkey scams na tinatawag, syempre sa una paggagastusan nila yung project like sa smart contracts and syempre sa mga manager na maghahandle ng mga community and campaigns pero at the end, i-lilist lang nila token sa DEX which has low volume or sometimes there's no fvkn volume.

Kapag gusto mo pang malaman ang mga bagay bagay, try to send me a message at pag may time, I'll teach you everything.
full member
Activity: 730
Merit: 102
Trphy.io
Dapat ipaalala din sa ating mga kaibigan na bago pa lang sasabak sa pag trade ng crypto
Na hindi palagi panalo.
And palagi nating paalalahanan na maging alert at mabusisi para makaiwas sa mga scam
Hindi purkit malaki ang offer ng return ng investment eh papasukin na
jr. member
Activity: 59
Merit: 1
Almost 2 months lang po ako dito sa Crypto at wala pa pong kaalaman tungkol sa pag mining , pati pag sali sa mga bounty, kaya all I have to do is to read and understand. Minsan , binabasa ko pa ng pauli - ulit para makukuha ko ang ibig sabihin. I know, it's difficult for me to rule in Crypto world but I'm trying and eager to learn more.
jr. member
Activity: 230
Merit: 4
OP, sa tingin ko ay sakto lang iyang ginagawa mo, atleast kumikita ka at along the way matutunan mo yang mga bagay na iyan. Paano ko ito nasabi? Dahil ganito din ako nuong una, habang nag ba-bounty ang una kong pinagtuunan ng pansin ay iyong konsepto ng blockchain, tapos yung use cases ng mga cryptocurrency kung saan pagbabasehan ang presyo nito sa hinaharap, hangang sa ngayon ay hindi ko pa din saulado ang mga bagay bagay na ito pero mayroon na akong ideya kung kaya't bounty tapos research konti, hirap din kasing mag research tapos sa huli napag iwanan kana dahil wala kang cryptong hawak.
full member
Activity: 560
Merit: 105
Maraming mga bagay ang dapat malaman ng mga baguhan kung gusto nila matutunan ang crypto , maaati silang magresearch muna at magbasa basa ng mga artikulo patungkol sa crypto at kung anu ano ang mga makukuha dito , at yung do'and don'ts sa cryptocurrencies. And crypto kasi ay isang digital currency na kung saan pwede mo ito pagkakitaan ng malaki sa mabilus lamang na panahon. Babala din sa mga baguhan na marami sa ngayon ang mga scammer makapanloko lamang ng mga wala pang masyadong alam sa crypto.
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
Some of it is searchable here in the forum and knowing certain topics would be quite useful when inviting someone over here and learning. Madami pwedeng gawin dito sa forum.

Anyway, for the cryptocurrency forking, here is a link with corresponding answers to your question, https://www.coindesk.com/short-guide-bitcoin-forks-explained/, only for Bitcoin.
For trading, you need to register on any cryptocurrency exchange like Poloniex, Bittrex, Binance, etc. For the minimum trading, in my experience, you need at least 50000 worth of satoshis, equivalent to any cryptocurrency, to trade. Sa Bittrex na exchange yan ah.

Basic questions na yung iba in my opinion and for newbies this is worth noting that you could check out some terms here in this link, it's a beginner guide for Bitcoin, to be safe in transacting and how to keep Bitcoin
https://bitcointalksearch.org/topic/edu-bitcoin-beginners-guide-1152619

hero member
Activity: 1176
Merit: 509
Unang una, kailangan mo muna malaman kung ano ba talaga ang kahulugan ng blockchain at ano ang kahalagahan nito. Iniisip kasi ng iba na ang crypto ay isa lamang uri ng pagiinvest pero my deeper purpose ito lalo na sa teknolohiya. Pangalawa, kailangan mo alamin kung ano ba talaga ang plano mo. Plano mo lang ba kumita ng pera or plano mong magpakadalubhasa sa cryptocurrency? Pangatlo, alamin mo ang iba't ibang terminologies para mas madali mo ito maintindihan. Higit sa lahat, alamin mo ang tamang paraan ng pagiinvest at pagiwas sa mga scam. Magbasa ay magtanong sa mga taong may alam.
sr. member
Activity: 574
Merit: 251
Ang payo ko sa mga kaibigan ko ay magingat sa mga scam. Karamihan sa kanila ang alam nila ay mabilisan ang pera sa crypto, lalo na noon nakalipas na taon na sobrang tumaas ang value ng mga cryptocurrency. Ang pinakamasakit kasi sa scam ay ang pagkakasayang ng oras mo. Imbes na makakasweldo ka na sana, mawawala pa dahil hindi mo pinagaralan ng maigi ang pinasukan mo
hero member
Activity: 924
Merit: 505
Sa palagay ko dapat na malaman ng baguhan sa crypto ay yong intindihin nila na ang crypto  ay isang uri ng pera na ang nagpapagana dito ay teknolohiya kagaya ng internet computer o cellphone. At ang presyo nito ay baba at taas na kailangan muna nilang pag aralang mabuti bago sila pumasok sa ganitong larangan ng investing.
full member
Activity: 730
Merit: 102
Trphy.io
Para sakin continous learning ang mundo ng cryptocurrency
Magbasa ng mga articles at news ,makipagusap sa mga ibat ibang crypto influencer or fanatics at makinig sa mga webinars
Para sakin importante ang mga datas kaya isave ang mga magagamdang websites na nagbibigay ng legit at usable informations.
hero member
Activity: 1750
Merit: 589
5 months na ako sa mundo ng crypto currency pero napaisip ako bigla na parang bang sobrang kulang ang kaalaman ko sa basic tungkol sa crypto at alam na alam ko sa sarili ko na talagang malaki pa ang kulang sakin na dapat kong malaman. Bakit ko nasabi ito? Kasi sa tuwing nagbabasa ako ng mga news regarding cryptocurrencies marami akong terms at crypto activities na di ko ma intindihan katulad ng mga language na gamit ni Ethereum, Bitcoin, Litecoin at iba pang mga cryptocurrencies at yung tungkol sa fundamentals ng cryptocurrency na isa sa importanteng malaman especially ng mga baguhan.

Kadalasan kasi ginagawa ko ay puro pag po promote lang ng mga ICO's at cryptocurrency projects, mag share sa social media para makatanggap ng rewards at the end of ICO pero di ko man lang naintindihan ang ibang mga bagay2x. At ang alam ko lang ay ang cryptocurrency ay isang digital na pera kung saan magagamit natin sa pagtransact like pagbili ng mga stuffs online at gamit sa pag te trade para kumita ng pera.

- Ano ang benefits ng Cryptocurrency Fork?
- Hindi ko alam paano ang tamang pagte trade ng cryptocurrencies at may nabasa pa ako na may minimum upang makapagtrade at mag withdraw.
- Paano nga ba nagwo work ang cryptocurrency?
- Ano ano pa ba ang dapat malaman ng mga baguhan sa cryptocurrency?

Para sa mga experts kailangan namin ng kaunting tulong kung ano ano ang mga dapat munang bigyan ng pansin at pag-aralan tungkol sa cryptocurrency?

Hindi yung puro nalang share share sa social media at di naman naintindihan ang mga nasa loob ng proyektong sinishare, ang isa sa mga dahilan kung bakit karamihan ay hindi gaano naintindihan kung ano talaga ang cryptocurrency at purpose nito dahil sa dinami rami ng mga proyekto na nagkalat at bilang isang bounty hunter nauubusan ng oras sa pag tutok sa pagbabasa ng mga bagay bagay kasi may mga tasks na kailangan tapusin at di pwedeng ipagpaliban kasi mawawalan ka ng stakes at rewards.
Bilang isang baguhan sa crypto world marami pa ang dapat malaman hindi lang yung mga basic although yun ang pinaka kailangan pero dapat alam din ng beginner kung ano yung pinasok nya since masyado mapusok ang mga bagay dito sa industry na to. Bilang isang beginner dapat may sapat na intelligent at emotional quotient with dealing things dito kasi prices will drive you insanely dahil nature ng tao ang greediness.
full member
Activity: 1366
Merit: 107
SOL.BIOKRIPT.COM
Siguro para sa mga baguhan ay magbasa lang ng magbasa dito sa forum para matuto. At kung dimo mahanap dito ang sagot sa tanong  mo ay magtanong lang kay manong google tyak lagi syang may sagot.Wala namang pattern kung ano ba ang dapat unang malaman ng isang baguhan maliban sa mga basic tungkol sa crypto sa tingin ko ay dapat mong alamin sa sarili mo kung ano bang way ng kitaan sa crypto ang gusto mo at dun ka magfocus na pag aralan ang bagay na yun. Halimbawa hilig mo mag trading, mag aral ka ng tungkol sa trading. Pag aralan mo yung mga charts tulad ng pag analyze ng mga candles at mga iba pa. Kung saan lang yung hilig mo at gusto mo dun ka lang mag focus na pag aralan. Hindi naman kailangang malaman mo lahat dahil ang mundo ng crypto ay napakalawak. Halimbawa kung hindi ka naman programmer ay hindi mo naman kailangan pag aralan pano mag code dahil hindi mo naman linya yun kundi para lang yun sa mga developers ng coins, pero sa kabilang banda kung may talent ka sa pagcocodes kahit dika programmer bakit hindi pwede mo yun pag aralan, basta ang ibig kung sabihin mag focus ka lang mag aral sa mga ways ng kitaan na gusto mo at hilig mo, dimo kailangang malaman lahat lalot dimo naman gustong pag aralan ang bagay na yun.
member
Activity: 392
Merit: 38

Jump to: