Nakasali na po ako sa bounty campaign ng Authorship at nabayaran naman po nila ako. Maliban pa diyan, maayos din naman po nilang hinawakan ang campaign na yun kaya wala po akong masasabing hindi maganda sa kanila. Ngayon siguro kung tatanungin mo po ako kung worth it bang mag-invest sa kanila, ang masasabi ko lang po ay pwede naman or worth it naman kahit papaano. Sa kasalukuyan kasi umabot na sila sa halos $1,792,640 at may dalawang linggo pa po silang itatakbo bago magtapos ang kanilang ICO. So far, malaki na po yun kumpara sa kinita ng ibang ICO na isang hudyat po na maganda ang kalalabasan ng presyo ng kanilang tokens na ire-release.
Isa pa, ang Authorship din kasi ang kauna-unahang ICO na may plano na pag-ugnayin ang mga authors, publishers, translators, at readers sa iisang platform. Maganda yan dahil mabibigayan na ng tuon po nito ang mga maliliit na publishing house at syempre mga writers na gustong ilathala ang kanilang mga sinulat dahil makakasalamuha na nila ang mga potensyal publishing companies, na pwedeng kumuha sa kanilang serbisyo, sa iisang site nalang. So expect na sa ganyang dahilan, maaraming itulak po nito ang presyo ng ATS papataas. Expect mo po after 2-3 months, mula sa 0.15$ ay pwede yang umabot sa 0.50$.
In the case naman po ng WCEX, wala pa pong ganun impormasyon sa kanila na talagang makakapagbigay sa kanila ng edge sa mga ibang ilulunsad din na digital currency exchange. Sure, naroon na yung promise nila na 10x na mas mababang fee pero sa dami po kasi ng upcoming ICOs na nakasentro din sa both centralized and decentralized exchanges, hal., Blockpass, Flyp, Mandarin, Stex, etc., ay masasabing hindi sila siguro ganun kakagatin. Ang tinutukoy ko po dito primarily ay yung kanilang WCXT at hindi essentially yung kanilang trading platform.
Marming salamat sa iyong komento. Sobrang informative ng iyong post. Bilib ako at nabuklod mo ang mga impormasyon na yan. Yun din ang tingin ko kasi binasa ko din lahat ng post dun sa thread ng ATS.
Sa totoo nga e nagooffer ako ng reward sa mag-share nung link ko na hindi naman bawal nung tinanong ko sa thread. Pati mga headphone kong orihinal pati mga ibang gamit ay balak ko din ipalit bilang reward sa kanila. Ganun ka worth-it para akin ang ATS.
Ou nga e. Sa dami ng nabasa ko na is mostly hindi maganda sa ngayon. Wala muna kong balak mag-invest doon pero nakaka-temp kasi malaki ang returns.