Depende yan sa tingin mo sa mga lottery coins. Posibleng hindi pa tumataas pero tingin mo kapag nag bull run, kasama siya sa pagtaas. Pero pwede rin namang yung mga bumagsak talaga tapos tingin mo makakabawi din naman. Kaya ako kapag ganyan ginagawa ko, yung pera na iinvest ko sa kanila ay hindi ko talaga gagalawin. Ganyan kasi talaga sa market eh, hindi natin alam kung hanggang kailan tataas, mas marami din naman akong losses kung tutuusin pero kayang kaya ko naman yung mga loss na yun mabawi sa ibang coins ko na hinohold na solid. Parang lottery lang din talaga, kung talo-talo, kung manalo, swerte.
Kadalasan din sa mga binibili na altcoins na ika nga eh suntok sa buwan ay talagang iniisip ko na losses na agad. Pero maliit lang naman kasi siya na porsyento sa portfolio na ginagawa ko. Kadalasan ay nasa 5% - 10% lang siya which is pwedeng mabawi once na pumalo ang mga solid altcoins na nasa portfolio ko.
Like for example, ang XRP, marami man ang walang tiwala sa token na ito, sure naman tayo na may magandang foundation ito. Ngayon bear market ay bumagsak ang presyo nito ng halos 1/3 ng normal trading nya bago mag bear market at 90.2% ng all time high nya. Malaki ang chance naman na makarecover ang presyo nitong XRP sa upcoming bull market kaya mababawi din iyong 10% na losses na inallocate natin dun sa mga suntok sa buwan na altcoins. Aside from that, kung 50% ng portfolio ay inaallocate natin sa Bitcoin, (magandang bumili ngayon kasi medyo bumagsak ng konte ang presyo) kapag naghold or nagaccumulate tyo bago dumating ang hype ng halving sa taong 2024, malamang nasa positive ang profit ng portfolio natin. Need lang talagang tiyagaan at pasensiya sa paghihintay.
Meaning, magplano tayong ihold at huwag galawin ang mga naaccumulate na cryptocurrency hangga't di dumarating ang bull market. Marami na rin kasing nagpatunay na kapag naging matiyaga tyo sa paghihintay ay magreresulta ito sa malaking kita.