Hello, newbie lang ako sa bitcoin... nalungkot nga ko kase yung kasama kong trader ng stocks eh 2014 pa ako niyayaya magbitcoin kaya lang parang wala akong interest noon.
Feb 27, 2017 yung first day kong nainvolve sa bitcoin via Coins.Ph tapos today nakita ko agad yung growth nung BTC. nakakalula yung palitan with USD.
Any ideas or thoughts kung paano kaya ako makaka-convince ng mga friends para gumamit ng bitcoin? I know this question sounds a little bit pathetic, pero ayun nga, I am quite sure na marami na sa inyo ang veteran and malamang marami na kayong narefer kapalit ng 50pesos
Sana pwede nyo din ishare sakin kung saan platforms kayo nagaadvertise for referals, and if its not too much, paturo naman kung paano ko makaka-earn ng bitcoins.
Thank you mga uncle!
Siguro kelangan lang talaga maeducate yung mga tao kung ano talaga ang bitcoin. Karamihan kasi iniisip na pag nagbitcoin sila ay maglalabas kagad sila ng pera at baka mascam pa sila. Karamihan ganyan iniisip at parang too good to be true ang pagbibitcoin. Isang dahilan din yung karamihan sa pinoy ay di ganon ka techie. Ang sakin naman, naaral nga nila yung facebook,instagram at twitter, bitcoin pa kaya. Depende din sa tao yan,ugali narin kasi ng Filipino ay yung matagal mag adopt sa mga bagong bagay. Bago siguro magrecruit sa bitcoin ay dapat iexplain muna maigi kung ano talaga to saka na ibigay ang link dito sa forum. Naguguluhan kasi sila sa unang punta nila dito sa forum natin.
Naisip ko lang,kung may taong sikat na nagbibitcoin tapos magrecruit sya na kumita narin siya dito, sigurado maraming makikigaya. Alam naman ang mga pinoy, kung ano uso doon.