Tanong ko lang po sir @Theb at sir @julerz12. Ano ang opinion ninyo sa signature/managing/translating or anything related, real job po ba ito or hindi?
Just to answer this:
It is real, it is a job.
Therefore it is a real job. The fact na binabayaran ka para sa serbisyo na ginagawa mo ito ay matuturing isang
jobAng pinupunto lang dito ng karamihan ay ang stable income: Real Job vs Part-Time Job
REAL/Full-Time JOB-whatever means kung ano ang ginagawa mo o pinatatrabahuhan mo as long as na stable ang income at may pangmatagalan na kontrata.
Example: Office works.
Part-Time Job-tulad ng nasabi ng karamihan wala itong definite na kita, lulubog lilitaw ang income. Kahit pa sabihin mo na madaming projects tuloy tuloy ang kita, but still hindi madedeny na pwede itong mawala ng parang bula.
Examples:
Advertising
Service Crew (maliban kung regular ka na)
Translation
Any Other Online Works (Not All I Guess, but still in Majority)
For me, lahat ng pwedeng pagkakitaan sa Online ay isang
SIDELINE o Part-Time Job. So I think, na dapat ganito din ang karamihan, skills at diskarte pa din naman ang solusyon.
Pag may nagtanong,
Pano yung mga tinatawag na Full-Time Online Sellers kung ikaw ay may sariling negosyo considered sya as Real Job, why? Dahil hindi ka mawawalan ng customer, pwede ka pa din magbenta In reality.
Isa pang tanong....
Pano naman makokonsidera na Full-Time yun, eh di ba anytime pwede malugi?Well ang sagot dyan, if kung ang mindset ng tao ay ang kumita ng tuloy tuloy makakagawa at makakagawa yan ng paraan, walang pumapasok sa business para lang mag palugi, sadyang malaki lang din talaga ang risks.
Makokonsidera lang silang part Time Seller if:
-Hindi tuloy tuloy ang pagnenegosyo
-Walang Fix na Schedule
-at higit sa lahat ang tunay na negosyante bumabangon kahit bumabagsak.
So I hope, etong mga nabanggit ay makatulong para matapos na yung kalabuan pagdating sa Online Jobs katulad ng meron dito sa Forum. Once again, ito ay LITERAL na Trabaho pero hindi ito Praktikal at Literal na Pangkabuhayan.