Pero kung matagal ka na dito aware kana sa history kaya kahit tumaas o bumaba man ang price ng mga coins sanay kana at hindi nagaalala na baka katapusan na ng cryptocurrencies.
Yung mga newbies kasi makakita lang ng pagbaba hindi mapigilan mag worry at advance sa dilemma na posibleng mangyari incase di na mabalik yung capital na inilaan nila sa pag invest.
Isa sa kalaban mo talaga dito ay ang sarili mong emotion, kung magpapaapekto sa pagbagsak nito at inuna mong matakot at mangamba na baka bababa pa ito ng husto, mas pipiliin mo na ibenta na lang kahit na lugi ka. Kung kaya mong kontrolin ang sarili mong emosyon, malamang ay magtagumpay ka dito.