Pages:
Author

Topic: Ano nga ba naging epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng ating bansa? (Read 379 times)

full member
Activity: 812
Merit: 126
Talagang malaki ang epekto ng Covid19 hindi lang sa ekonomiya ng ating bansa pati na rin sa ibang pang mas mauunlad na bansa. But I'm still glad though, kasi bago mangyari lahat ng ito, ang ating ekonomiya ay mas maunlad kumpara noong ilang nakalipas na taon. Kaya mas nahahandle ito ng ating gobyerno ngayon.

But our economy is not what matters now. It is our lives that matters. And after all, ano pa ang sense ng ekonomiya kung wala nang tao. Haha

Everything will be back to normal soon.
jr. member
Activity: 46
Merit: 3
Nais ko lang linawagin OP na ang ekonomiya ay hindi binubuo lamang ng mga malalaking kompanya na nakalista sa PSEI. Lahat ng negosyo maliit man o malaki, lahat ng tao mayaman man o mahirap, iyon ay iilan lamang sa bumubuo ng ekonomiya. Ang masasabi ko lang sa mga stocks ay sila yung may hatak ng pera mula sa mga investor (retail o institutional) kung kaya't malaki ang kanilang ambag at iyon ay labis na nakaapekto sapagkat mababawasan ang kanilang expansion na kung saan makakabawas rin sa mga bilang ng empleyado at trabaho kung saan ito ay makakatulong sa pag-ikot ng pera.

-Dumami ang Bobong Pilipino
-Naghirap ang dati ng Mahihirap
-Panibagong Utang para sa Pag ahon ng Ekonomiya
-kawalan ng trabaho ng karamihan

Dumami ang Bobong Pilipino - HAHA! Totoo to, pero siguro ay ganun na sila mula nuong una at gawa lang ng lockdown kaya sila nagsilabasan HAHAHA!
Naghirap ang dati ng Mahihirap - Walang pondong pera, walang trabaho, hindi kaya ang presyo ng mga bilihin, isang kayod isang tuka kumbaga sinabayan pa ng lockdown at limitadong tulong ng gobyerno dahil marami ang kailangang bigyan. Masasabi ko na parang kami lang
Panibagong Utang para sa Pag ahon ng Ekonomiya - I agree. Tumataas ang bilang ng pera pero walang progresong nangyayari. Road to inflation.
Kawalan ng trabaho ng karamihan - Ito yung isa sa mga mahihirap na parte, yung oras na wala nang tulong na ibibigay ang gobyerno, paano babangon muli ang mga Pilipino.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
Quote
Ano nga ba naging epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng ating bansa?
-Dumami ang Bobong Pilipino
-Naghirap ang dati ng Mahihirap
-Kumitid ang Utak ng mga nasa Oposisyon
-Dumami ang krisis sa Pilipinas
-Panibagong Utang para sa Pag ahon ng Ekonomiya
-Dagdag WorkLoad sa Trabaho Dahil sa naantalang operasyon Ngunit Walang Dagdag sa Sweldo
-kawalan ng trabaho ng karamihan


Pagbagsak ng mga small players, mga small business na hindi na kayang isustained dahil sa paglala pa ng covid sa bansa. Mahirap balansehin ang ibat ibang opinyon patungkol sa ano nga talaga ang naging epekto ng virus na to sa economiya, ang total lockdown maganda ang intention para maprevent ang paglawak ng mahahawa sa virus mas pinili ng gobyerno ang buhay kesa sa kung ano pa man, kung magiging responsable lang ang bawat pilipino mas mapapadali sana kaya lang sa tigas ng ulo at mukha ng mga tao lalo tayong malulugmok.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
-Dumami ang Bobong Pilipino
-Naghirap ang dati ng Mahihirap
-Kumitid ang Utak ng mga nasa Oposisyon

-Dumami ang krisis sa Pilipinas
-Panibagong Utang para sa Pag ahon ng Ekonomiya
-Dagdag WorkLoad sa Trabaho Dahil sa naantalang operasyon Ngunit Walang Dagdag sa Sweldo
-kawalan ng trabaho ng karamihan

Dito mo makikita sa panahon ng crisis madaming umaasa sa tulong ng gobyerno pero ang mahirap dito bukod sa panget na nga ginagawa ng gobyerno puro pa din sila reklamo pero sila din hindi sumusunod sa sa mga guidelines from social distancing to preventing going outside. The pandemic we are experiencing right now is not only the government's fault but also our own citizens play a part in it, di ka na talaga magtataka na kahit may lockdown dumadami pa din nahahawa. Di na din siguro maprevent lumabas ng tao kasi hirap na silang walang kinikitang pera dahil na din sa kawalan ng trabaho, ito yung masasabi kong kasalanan ng gobyerno. Launched a lockdown without thinking about the needs of the ones who are affected.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Quote
Ano nga ba naging epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng ating bansa?
-Dumami ang Bobong Pilipino
-Naghirap ang dati ng Mahihirap
-Kumitid ang Utak ng mga nasa Oposisyon
-Dumami ang krisis sa Pilipinas
-Panibagong Utang para sa Pag ahon ng Ekonomiya
-Dagdag WorkLoad sa Trabaho Dahil sa naantalang operasyon Ngunit Walang Dagdag sa Sweldo
-kawalan ng trabaho ng karamihan

sr. member
Activity: 924
Merit: 275
Update lang po tayo kung ano pong nagyari sa Philippine stock market in these past days

This is the Philippines Stock Exchange Index (PSEI) chart as of (April 12,2020)


Nung ginawa ko ang thread na ito ay noong March 19 kung saan nag karoon ng market crashed. Makikita na nag drop ang PSEI hanggang sa 4,000 points pero nagawa nitong bumawi at ayun nga may bounce na naganap. Yung mga index companies are the usually stocks na nag bounce nung kasagsagan ng matinding panic na ito. Sa ngayon ay nagiging healthy na ulit ang stock market dahil nag meron ng 47% up noong simula itong nag bounce sa 4000 points.





Ito naman yung chart ng JFC, nung price nito ay umabot sa 91, grabe talaga ang panic dahil nanggaling ito sa price na 300 per each ang isa. Kaya swerte yung mga nag buy when there is a fear in the market kasi yung mga nag buy noong price neto at na reached 91 php per each ay mayroon na silang 32% na profit. Makikita na ang price din ng jollibee ay nag breakout sa 20 MA (yung red color na line). Ang 20 MA kasi ay masasabi na short term resistance at pwedeng magkaroon ng rally pag nag breakout dito. 
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Sayang namiss ko bumili ng JFC nung 91 palang siya. Ngayon tumaas taas na siya at umabot sa 120. May mga bumili pa rin nung nasa 300+ at tingin din nila baka pumalo pa sa 400 kaso maling assumption at may di inaasahang pangyayaring dumating.

Sa pagkaka alam ko recession at darating pa daw ang mas malaking global recession meaning mag decline pa mga ekonomiya sa mundo ayon kay Jamie Dimon mismo CEO ng JPMorgan Chase. Baka ito na yung total global recession kaya mag ingat muna lalo sa ating mga big traders na wag muna mag bet this coming months para di mausog ang holdings.
Wag ka na masyadong magtiwala sa sinasabi ni Jamie Dimon. Pagkakaalala ko may naging issue ang JP Morgan chase na parang related sa lawsuit ata at pati na rin yan si Jamie Dimon, naalala mo technique niyan nung binabash niya bitcoin?
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
Talagang naging malaki ang naging epekto ng crisis ng COVID sa ating ekonomiya ang stock market ang nagpapatunay dito. Pero kung irerelate natin ito sa cryptocurrency, nakapagtataka na apektado din ito at bumaba rin gaya ng stock. Before, iniisip ko na magsisilbing safe haven and cryptocurrency dahil maraming tao ang magtitiwala dito since means ang pera sa pagkalat ng virus, may ilan din na gustong mag invest ng malaki dahil inaakala nila na aangat ang BTC but the opposite happened. Sa ngayon, mabuting solusyunan ang crisis na ito sa simpleng pag sunod sa gobyerno dahil hindi malabong mabilis naman na makabawi ang ating ekonomiya at maging stable na muli pati narin ang cryptocurrency space.
member
Activity: 1120
Merit: 68
Dahil walang trabaho at pansamantalang tumigil ang iilang malalaking kumpanya o mga negosyo, ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa ekonomiya ng ating bansa dahil tumigil ang produksyon at transaksyon upang maiwasan ang pagdami ng sakit at mabilis masolusyonan. Pero may mga pinoy paring ang titigas ng ulo dahil labas parin ng labas at wala namang ginagawa kaya kung hindi mapapatigil ang corona virus o ang COVID-19 mukhang patuloy babagsak ang ekonomiya ng ating bansa at ang ibang bansa.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Malaki ang naging epekto ng pandemic sa ating ekonomiya lalong-lalo na sa malalaking korporasyon. Isa siguro marahil sa mga pinakaapektado ng krisis ay ang oil industry lalo na't bumaba ang kada bariles nito sa world market at apektado maging ang mga stock dahil na nga rin paralisado ang ekonomiya at wala namang gaanong nagamit ng petrolyo sa panahong ito. Bagama't ganto ang kalagayan ngayon ng ating mga markets, tuloy-tuloy pa rin ang trading sa ating mga stock exchanges, at unti-unti nang nagkakaroon ng recovery ang ilan sa mga nabanggit ni OP na kumpanya based on recent performances.
member
Activity: 308
Merit: 10
Revolution of Power
Sa pagkaka alam ko recession at darating pa daw ang mas malaking global recession meaning mag decline pa mga ekonomiya sa mundo ayon kay Jamie Dimon mismo CEO ng JPMorgan Chase. Baka ito na yung total global recession kaya mag ingat muna lalo sa ating mga big traders na wag muna mag bet this coming months para di mausog ang holdings.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
Hindi lang sa ating bansa ang negatibong impact ng covid kundi sa buong mundo, sa tingin we need to prepare for the worst kasi yung lockdown sa atin at sa ibang bansa sa tingin ko di kakayanin ng isang buwan lang dahil di naman pabawas ang contagious ng virus kundi padagdag pa.
 

 It was announced by President Duterte na extended ang enhanced community quarantine until April 30. At nabanggit din niya na apektado ang budget ng gobyerno lalo nga at nag extend nga ang quarantine. At isa pa, lalo pang bababa ang performance ng ating bansa dahil sa covid. At katulad nga din ng ibang mga bansa, ang budget ng kanya kanyang gobyerno ay nagagamit na din dahil sa crisis hindi lang ang Pilipinas.
 
 Kung magkakaisa ang bawat kapwa kababayan natin matatapos din ang kalbaryo na kinakaharap natin. Ang goal naman natin dito ay pababain ang pag spread ng virus para maging normal na ang lahat.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Buong Mundo ay parehas ng nararanasan at meron pa ngang mas malala kumpara sa atin,at hindi naman tatagal to kung hindi matitigas ulo ng mga kababayan natin.

maraming masamang epekto ang covid sa ating bansa pero meron din itong magandang naidulot,dahil nagkaron tayo ng panahon para sa mga mahal natin sa buhay at nakita natin ang kahalagahan ng bawat isa sa ganitong klase ng laban.
full member
Activity: 651
Merit: 103
Siguradong mahihirapan ang ating bansa Lalo na kung  patatagalin pa ng gobyerno ang community quarantine sa NCR or kahit sa buong bansa, dahil na rin sa community quarantine maraming mga malalaking business ang hindi nagooperate at hindi makapag operate dahil na rin sa virus malaking risk ito sa ating mga kababayan kung magpapatuloy ang mga businesses since bibilis ang pagkalat ng virus sa bansa natin sa tingin ko, sa ngayon ay medjo maluwag pa at kahit papano ay nakakraos tayo sa pagkain dahil marami pa naman ang ating mga imbak na pagkain at tila kahit papano ay natutulungan din tayo ng gobyerno pero sigurado hindi naman tayo mapapakain lahat ng gobyerno wala tayong trabaho or income kaya mauubos din ang mga imbak at ipon naten pagdating ng mga ilang buwan bagsak ang ekonomiya naten sa mga susunod na buwan.
Dahil na extend pa ang community quarantine hanggang april 30, for sure may mga unexpected events pa ang pwedeng mangyare. Pero sa tingin ko na tapos na ang panic na naganap recently at alam. Ko na unti unti nanulit na nakaka recover and Philippine Market. Ito kasing virus na ito naapektuhan niya hindi lang maliliit na business pati na din mga oligarchy business.
full member
Activity: 345
Merit: 100
Siguradong mahihirapan ang ating bansa Lalo na kung  patatagalin pa ng gobyerno ang community quarantine sa NCR or kahit sa buong bansa, dahil na rin sa community quarantine maraming mga malalaking business ang hindi nagooperate at hindi makapag operate dahil na rin sa virus malaking risk ito sa ating mga kababayan kung magpapatuloy ang mga businesses since bibilis ang pagkalat ng virus sa bansa natin sa tingin ko, sa ngayon ay medjo maluwag pa at kahit papano ay nakakraos tayo sa pagkain dahil marami pa naman ang ating mga imbak na pagkain at tila kahit papano ay natutulungan din tayo ng gobyerno pero sigurado hindi naman tayo mapapakain lahat ng gobyerno wala tayong trabaho or income kaya mauubos din ang mga imbak at ipon naten pagdating ng mga ilang buwan bagsak ang ekonomiya naten sa mga susunod na buwan.
hero member
Activity: 798
Merit: 502
Malaki ang epekto ng Covid-19 sa ekonomiya worldwide dahil kasabay ng pag laganap ng pandemic na virus na eto ay bumagsak talaga ang economy worldwide. Pero hindi ko maiwasan isipin na baka eto ay sinadya kasi diba matagal naman talaga usap usapan na pabagsak na ang economy at ang daming CEO nang malalaking company na nagsisiresign parang ang perfect timing lang ng lahat.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
I'm greatly disagreeing with your comment to the fact that the economy is the one reflecting it's performance to the stock market and not the either way around, why? Ang stock market natin or kahit saan na stock market pa yan ng bansa ay tinatawag na "forward-looking" which means it only reacts based on what is happening around it mapa-financial reaction man yan or mapa-news based reaction pa yan lahat yan ay may epekto sa stock market. Ngayon masasabi nating tinamaan yung ekonomiya natin dahil lang sa pag-tingin ng stock market pero sa katotohanan panget na gawing basehan ng ating ekonomiya ang PSEi dahil na din mas nauna silang natakot compared sa real effect ng COVID 19 sa Pilipinas. Pinaka simpleng explanation ko dito is yung mga investors natin mapa isang tao man yan or institutional investor sila ang unang nag-benta gawa na din sa possibleng ma-idudulot ng epidemic na ito.
sr. member
Activity: 924
Merit: 275
Isa ito sa mga dahilan kung bakit bagsak ngayon ang ekonomiya ng mga iilang bansa at alam natin maraming mga companies sa NCR na ngayon ay nakasa ilalim sa lockdown. Matagal pa bago matapos yung lockdown sa NCR at kung magtatagal pa ito expected natin na maari pang bumagsak ang ekonomiya pero wag naman sana. Buong business/companies sa NCR ang apektado ng virus at sigurado yung mga iba don ay nalugi na. Isa sa mga hinihiling ko ngayon ay matapos na itong crisis ng makabangon ulit tayo at yung mga iba't-ibang market ay umangat rin para talagang happy happy tayo. Sang-ayon ako sa ibang kabayan natin na chance ito upang makabili pa ng mga murang coins sa market at subukan ng mag-ipon ng mga solid na coins upang sigurado na malaki ang kikitain.

Stay safe pa rin mga kabayan at sana wala miski isa satin ang dapuan ng virus na ito!
Tama nasa lockdown ang buong NCR na nakaapekto narin sa pagbagsak ng stocks. Nag karoon talaga ng panic Philippine Stock Exchange na nag cause sa pag pull out ng mga investors. Alam ko na tataas rin ang stocks sa ating bansa pag katapos ng pandemic, pero wag muna tayong mag pa kampante kasi mataas padin ang selling pressure kaya naman may posibilidad pa na mas bumaba pa ang mga stocks sa ating bansa.
jr. member
Activity: 236
Merit: 4
Nagbabalak n nga ko humuli ngayon ng mga Stocks sa PSE. Isipin mo yung mga 5 hangang 10 yrs nilang pinagipunan bilhin s cost averaging o hinold - 50% na ang halaga. Kaya halos 1 trillion pesos na ang nawala sa ekonomiya ng Stocks sa atin.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
malaki tlaga ang epekto nang covid 19 hindi lang sa bansa natin...  gnun din sa forex trading nag babaksakan din lalo na sa cryptocurrency. pero gnun pa man pansamantala lang ito at sa tingin ko mkakabawi din ito. kaya samantalahin na habang mura pa bili lang nang bili.. dahil kung totoong may vaccine na mabilis ulit aakyan yan...
makakabawi lang yan if tuluyan na talagang mawala ung virus kahit sa ibang bansa hindi  lang dito saatin.
As long kasi na meron pang virus always yan sila magpapanic kasi possible na kumalat at kumalat siya.
Meron kasing malalaking holders na nilalaro yung stocks lalo na ngayong may krisis mas madaling pasunurin or manipulahin ang galawan. isang biglang dumped lang susunod agad ung mga small time players tapos sabayan pa nung mga nagigipit sa sitwasyon at yung mga natataranta dahil sa lock down. Pero yung mga nakahanda at tinuring na long term investment yung stocks makakapag antay ng [agbangon yun at makikinabang sa mga darating na panahon.
Pages:
Jump to: