Pages:
Author

Topic: Anu ang natutunan ko sa pagsipa at pagbagsak ng presyo ng bitcoin at altcoin? (Read 188 times)

sr. member
Activity: 588
Merit: 351
Sa tuwing bumabagsak ang presyo ng crypto natutunan ko for the past years na hindi mo kailangan magpanic dahil temporary lamang ito at kung nasa solid projects ka naman na mga altcoins magkakaroon talaga ito ng correction dahil usually mga traders ay nagdudump ng mga asset nila para maka pag take profit na. Sadyang ganyan ang market at common nating maririnig ang correction sa lahat ng market, pero mas madalas natin itong makita sa cryptocurrency dahil nga sa volatile ang asset na ito.
Hindi rin naman dapat basta-basta nalang bumaba ang presyo ng isang asset kung walang solidong dahilan o mga pangyayari internally/externally na makakaapekto nito. Yung ibang mga traders ay tinitake advantage nila itong phenomena para makapag buyback sa mas lower price as long as mas mababa ito sa selling price nila kahit %2 man lang.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Walang masama dito sa mga payong sinasabi mo, ganung naman tayong mga pinoy kapag may mga mali tayong nagawang diskarte at natuto tayo dito ay binabagi natin sa mga community para hindi na nila mapagdaanan yung ating naranasan sa ganitong mga sitwasyon. Kaya lang karamihan parin na mga newbie hindi nila iniisip yung ganyang mga bagay.

      Ako man nung baguhan ako sa Bitcoin trading masyado akong excited at advance din mag-isip yung bang tipong inaakala ko hindi na babagsak ang value nito sa merkado dala ng sobrang hyped ko, pero pag biglang bagsak o subsob ang presyo bigla din akong nanlambot alam mo yung feeling disappointed kasi nga lack of knowledge pa ako hindi ko pa naiisip yung volatility at rason sa pagtaas at pagbaba. Pero ngayon, kahit papaano may ideya na ako kung bakit ito ngyayari dahil isa na rito yung mga ngyayari na balita sa cryptocurrency like mga FUD tungkol dito.
member
Activity: 504
Merit: 23
Epsilon Omega
Ang pagtaas at pagbagsak ng mga presyo sa crypto market ay maaaring magturo sa atin ng ilang mahahalagang aral. Una, ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-unawa sa mga pangunahing prinsipyo at mga kadahilanan na nagpapabago ng merkado. Ang mga presyo ng crypto ay maaaring maapektuhan ng iba't ibang mga kadahilanan, tulad ng mga pangyayari sa balita, mga pagbabago sa regulasyon, at pangkalahatang saloobin ng merkado. Bilang isang investor, mahalaga na manatiling nakaalam at magdesisyon batay sa malalim na pag-unawa sa mga kadahilanan na ito.

Isa pang aral ay ang kahalagahan ng market volatility sa pag-iinvest sa crypto. Ang crypto market ay kilalang-kilala sa kanyang volatility, kung saan ang mga presyo ay madalas na nagbabago nang malaki sa loob ng maikling panahon. Mahalaga na tandaan na ang crypto markets ay may tendensiyang gumalaw sa mga siklo, at ang mga investor na kayang manatiling may long-term na pananaw at manatili sa kanilang investment sa kabila ng pagbagsak ng merkado ay maaaring mas mahusay na nakaposisyon upang magpakinabang sa eventual rebound.

Bukod dito, ang pagtaas at pagbagsak ng mga presyo sa crypto market ay nagpapakita ng kahalagahan ng diversification. Sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga investment sa iba't ibang crypto assets, pati na rin sa iba pang asset class, maaaring bawasan ng mga investor ang epekto ng market volatility sa kanilang kabuuang portfolio. Ito ay makakatulong upang bawasan ang panganib at magpakita ng potential para sa long-term na mga return. Sa huli, ang pangunahing aral mula sa pagtaas at pagbagsak ng mga presyo sa crypto market ay ang pag-approach sa pag-iinvest sa espasyong ito na may pag-iingat, disiplina, at long-term na pananaw.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
Ngayon na medyo bagsak ulit ang market, sana alam na naten kung ano ang mas ok na gawin instead of panicking.

Before, I regret not buying during the bear market kase masyado akong emotional kaya isa ito sa mga natutunan ko which is magcontrol ng emotion at wag magpanic or mataranta at any price level.

If you are thinking to buy right now for your long term goal, mas ok to do it now kase the market will soon rise and you might miss this again if you are too busy panicking.

Bear market pa rin naman ngayon sa tingin ko, ang sentiment ng market ay maaring medyo naging bullish these past days but pagkatapos ng mga ilang bad news at bankruptcy ng mga kilalang crypto company especially ang Crypto Bank Silvergates, balik ulit sa bearish sentiment ang market.  Then ang pagdepegged ng USDC sa USD ay malaking issue din at posibleng maging factor ng panibagong pagkalat ng FUD sa market.

Posibleng ang nangyari nitong nakaraan sa market ay isang relief rally, or bull trap kaya heto tayo ngayon balik ulit sa 20k+, sana lang magsideway na lang ang presyo ng BTC instead na magplummet.  Though kapag bumagsak pa lalo ang price ng BTC ay mas magandang balita sa mga gustong magDCA or accumulate ng Bitcoin.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Ngayon na medyo bagsak ulit ang market, sana alam na naten kung ano ang mas ok na gawin instead of panicking.

Before, I regret not buying during the bear market kase masyado akong emotional kaya isa ito sa mga natutunan ko which is magcontrol ng emotion at wag magpanic or mataranta at any price level.

If you are thinking to buy right now for your long term goal, mas ok to do it now kase the market will soon rise and you might miss this again if you are too busy panicking.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Totoo ang mga nakasulat sa suggestion ni OP. Ang totoong kalaban lang talaga ng mga traders ay ang mga sarili natin dahil kung iisipin natin mabuti ay madali lang naman talaga kumita sa trading gamit ang basic tips na buy low sell high. Tayo lang din mismo ang nagpapahirap sa trading natin dahil kinakabahan tayo bumili kapag mababa dahil iniisip natin na maaring bumaba pa ganun din kapag on profit kana tapos ayaw mo pa mag take profit dahil nageexpect ka na tataas pa kahit na may profit na sana kung nagsigurado lang tayo.

Hindi masama ang makaramdam ng takot sa trading dahil nga pera ang pinaguusapan dito. May mga panahon na nakakatulong ang takot para maging safe ang investment natin gaya ng takot mag invest sa ponzi at iba pa. Pero kung sa spot trading lang naman lalo na sa Bitcoin. Hindi dapat tayo matakot dahil hindi naman tayo matatalo hanggang hindi pa natin binebenta ang holdings natin sa mababang halaga.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
palaging magtake ng profit, at wag masyadong advance mag isip ~
Ibig mo ba sabihin dito ay short-term trades? Okay naman ito kung tight budget ka at kapag matumal din ang market.

Meron din kasi mga long-term ang isip at bumibili ng paunti-unti para mapalaki yung portfolio nila. Hindi nagbebenta kahit tumaas na ang presyo dahil tingin nila next year o next cycle pa ang estimate for ATH. May mga ganyan ka-advance mag-isip at working naman sa kanila ang ganyang strategy. Alam ko may mga nakakuha na din ng 7-digits (Php) sa ganyang paraan.

The main point is to adopt a strategy that works for you.
full member
Activity: 1303
Merit: 128
  • Magtabi ng pera para makabili sa dip price ng altcoin at bitcoin, isa ito sa dapat na meron ka at hindi dapat galawin at gamitin sa ibang bagay kundi sa pagbili lang sa bagsak na market
Dito ako nakafocus every time the market starts to drop or during the bear market, mas eager ako to look for other source of fund and money kase alam ko na pag bibili ako at a cheaper price mas malaki ang pwede kong kitain, just like last year I was able to buy at a price of $16k with Bitcoin and was able to take profit from it after a months. Isa ito sa mga natutunan ko, na every time Bitcoin price drop, makakarecover agad ito at mas malaki ang chance to make profit kahit na masyadon negative ang market.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
Hinde naten maiiwasan na isipin kung ano ba ang mangyayare sa market especially kapag bumabagsak na ito, some are just doing their strategy accurately especially sa pag follow ng cut-loss level nila, though yung iba is talagang nagbebenta out of panic which is hinde dapat.

Marame na akong natutunan and sa tingin ko, ang mahalaga is matutunan mo kung paano magcontrol ng emotion at kung paano maganalysis ng tama kase hinde naman lahat ng nababasa naten ay totoo, it is still advisable to do your own research. Nasa side ako nung mga bumili ng mas marami during the drop, dito mo malalaman kung sino ba talaga ang nakakaalam ng crypto at alam kung paano mag take advantage.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Noong bull run ng 2017, na miss ko yung opportunity na magbenta para sa profit nung panahon na yun. Nakapagbenta naman ako pero hindi halos nabenta ko, kaya inisip ko na nakapag may bull run na susunod, doon ako babawi. At yun na nga dumating yung 2021 at nagbenta ako para sa profit at binili din agad ng mga investments kasi sayang kung cash lang tapos magagastos ko lang sa mga walang kabuluhang bagay. Ang susunod na gagawin ko sa next bull run, benta ulit tapos keep ko muna sa stable coin para bibili nalang ako ulit ng bitcoin kapag nag bear market na.

Oo pag masyado tayo greedy ganon nangyayari. Sakin naman sa sobrang taas halos ayoko na ibenta tapos nung bumaba na dun ko lang siya nasell kasi nag panicked ako. Narealized ko lang nung nawala na sakin assets ko buti nalang may profit pa din kahit papano. Goods yan na nag invest ka nalang sa mga coins para kahit papano gumagana yung pera di lang nakatambak. Naubos na savings ko tsaka investment daming gastusin siguro bawi nalang ako pag nagkaroon uli ng bull run.
Ganyan na ganyan feeling ko din nung tumaas bitcoin, ayaw ko magbenta kasi nga tingin ko tataas pa hanggang sa lesson learned at dapat talaga mag take profit at keep muna sa stable coin hanggang sa bumaba ulit. Kapag kasi yung pera hawak lang natin, mapapagastos lang talaga tayo kasi alam natin na may purchasing power tayo at mabibili natin mga gusto natin mabili hanggang sa di na natin namamalayan na paubos na pala yung pera na meron tayo. Ganyan din ako basta alam kong may hawak akong pera, mapapagastos talaga kaya mas maganda maimbak at mareinvest sa bitcoin.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Marami namang learnings ang makukuha dyan ang problema lang kasi karamihan sa ating kababayan ay gipit sa pundo at kahit gustohin pa nila mag hold ng bitcoin o altcoin ay di nila maatim na magawa dahil kulang sila sa capital or di kaya di nila kaya na mag hold sa mahabang panahon. Pero since alam naman natin thru experience na mag pupump ang top coins gaya ng Bitcoin at ethereum ay mainam talaga na wag mag panic kung mag dump man ito dahil malamang sa malamang talaga babalik din ito sa dati nyang presyo.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
    Magtabi ng pera para makabili sa dip price ng altcoin at bitcoin,
    Yung bolded part lang ang hindi ko nagustuhan kabayan...
    Kahit ako mukhang hindi ako sasang-ayon sa naka-bold text. Siguro kung nag specify siya ng particular altcoin gaya ng Ethereum halimbawa eh pwede pa siguro at maiintidihan pa pero sa kabuuan, mukhang may point rin naman si OP.

    • Huwag magpanic kapag bumabagsak ang presyo aakyat ulit ito iyon nga lang medyo matagal
    • Magbenta kapag all time high na, or malaki na ang profit mo, wag isipin na magiging milyonaryo ka agad
    • Samantalahin ang pagkakataon na magbenta, at bumili kapag mababa na ang presyo
    • Kalmahin ang sarili at wag gumastos kapag di kinakailangan sapagkat nauubos pati ang puhunan
    • Iwasang makisabay sa bulong bulong ng iba, at maginvest sa mga bagong investment during red market na tinatawag ng iba
    1. Hindi mo maiaapply yan sa baguhan. Naging newbie rin ako at palagi kong naririnig yang mga words na yan pero hindi mo maiiwasan kapag newbie ka na madala ka ng emosyon mo. Kapag kontrolado mo na ang emosyon mo, dun ka hindi magpapanic.
    2. Merong sikat na quote na ang sabi ay "Don't fall in love with your investments". Mali ko itong nakaraang Bull Market dahil hindi ako nag benta noong 2021 kung saan pinanood ko lang ang mga assets ko na tumaas ng tumaas. Mapa stock market or crypto market ay tumaas noong time na yun pero hindi ako nagbenta. Natuto na ako sa pagkakamali kong yun at hindi ko na uulitin yun kapag dumating ulit ang bull run.
    3. Parang parehas lang sa pangalawa. Buy low, Sell high at wag Buy High, Sell Low. Cheesy
    4. Di lang ito applicable sa investment pero sa totoong buhay na rin. Meron ngang sikat na quote si Warren Buffett na ang sabi "If you buy things you don't need, you will soon sell things you need" kaya wag bumili ng hindi kailangan.
    5. Simple lang naman, maging contrarian ka. Kapag feeling mo tumatalino ang mga tao, magbenta ka. Kapag takot ang mga tao bumili ka. Sabi nga ni Warren Buffett "Be fearful when others are greedy, and greedy when others are fearful." Wag kang makinig sa mga naririnig mo sa paligid mo.
    legendary
    Activity: 2968
    Merit: 3406
    Crypto Swap Exchange
    Magtabi ng pera para makabili sa dip price ng altcoin at bitcoin,
    Yung bolded part lang ang hindi ko nagustuhan kabayan... Kung titingnan natin ang CMC ngayon, malinaw na halos lahat ng mga altcoins [except for stablecoins (not worth investing) and a few others] sumusunod lang sa Bitcoin at since malaking bahagi nito is considered as shitcoins, mas maganda nalang siguro na di natin sila bigyan ng pansin.
    jr. member
    Activity: 85
    Merit: 3
    Noong bull run ng 2017, na miss ko yung opportunity na magbenta para sa profit nung panahon na yun. Nakapagbenta naman ako pero hindi halos nabenta ko, kaya inisip ko na nakapag may bull run na susunod, doon ako babawi. At yun na nga dumating yung 2021 at nagbenta ako para sa profit at binili din agad ng mga investments kasi sayang kung cash lang tapos magagastos ko lang sa mga walang kabuluhang bagay. Ang susunod na gagawin ko sa next bull run, benta ulit tapos keep ko muna sa stable coin para bibili nalang ako ulit ng bitcoin kapag nag bear market na.

    Oo pag masyado tayo greedy ganon nangyayari. Sakin naman sa sobrang taas halos ayoko na ibenta tapos nung bumaba na dun ko lang siya nasell kasi nag panicked ako. Narealized ko lang nung nawala na sakin assets ko buti nalang may profit pa din kahit papano. Goods yan na nag invest ka nalang sa mga coins para kahit papano gumagana yung pera di lang nakatambak. Naubos na savings ko tsaka investment daming gastusin siguro bawi nalang ako pag nagkaroon uli ng bull run.
    hero member
    Activity: 2282
    Merit: 795
    Tuwing babagsak ang presyo ng crypto napapanic sell agad ang ibang tao, meron namang ginagawang pagkakataon ito para bumili.
    • Huwag magpanic kapag bumabagsak ang presyo aakyat ulit ito iyon nga lang medyo matagal
    • Magbenta kapag all time high na, or malaki na ang profit mo, wag isipin na magiging milyonaryo ka agad

    I agree with this, OP. Pero sa totoo lang, minsan kasi it is easier said than done given na madami ding tao ang nag iinvest na napakalaking amount ng BTC. This means na ang slightest movement sa price could equate to a profit/loss of thousands to millions of pesos. Kaya more than this, dapat may contingency plan talaga para hindi masyado manghinanayang.

    Quote
    • Iwasang makisabay sa bulong bulong ng iba, at maginvest sa mga bagong investment during red market na tinatawag ng iba

    Totoo din ito, OP. Though minsan may mga nag sasabi na maganda mag invest ng ganitong oras, etc., mas maganda pa rin kung i-babase mo yung decision mo to invest sa sarili mong sikap at research. If nakikisabay ka lang sa mga ginagawa ng tao, para kang nag-iinvest sa hangin.

    Quote
    Ito ang aking natutunan mula nung bumagsak sa 15k+ ang BTC at ibang altcoin, at pumalo ng 23k+
    palaging magtake ng profit, at wag masyadong advance mag isip sana ay may natutunan din ang ibang tulad ko na bago sa crypto.

    Sabi nga daw nila, the sharpest of blades are created in the strongest of fires. Kaya kapag nag invest ka and napansin mo na bumagsak, gawin itong experience para ma-iwasan mo ulit yung ganitong sitwasyon. Kada invest mo, natututo ka din talaga kaya maganda rin itong aral for the long-run.
    legendary
    Activity: 3052
    Merit: 1281
    Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
    Isang mahalagang natutunan ko sa pagbagsak at pagsipa ng presyo ng Bitcoin at altcoin ay ang cryptocurrency ay cyclic.  Meaning, meron itong pattern na sinusunod at mahalagang malaman ito para magkaroon tayo ng advantage at hint kung kailan tayo bibili at magbebenta ng ating portfolio.  Bukod dito, natutunan ko rin na hindi lahat ng uptrend ay organic, madalas kapag ang altcoin ay nagkakaroon ng abnormal na pagsurge, ito ay kadalasang pinapump at kapag nangyari ito, obserbahan na magkakaroon ito ng dump o bigalang pagbagsak ng presyo.
    sr. member
    Activity: 1876
    Merit: 437
    Catalog Websites
    Tuwing babagsak ang presyo ng crypto napapanic sell agad ang ibang tao, meron namang ginagawang pagkakataon ito para bumili.
    • Huwag magpanic kapag bumabagsak ang presyo aakyat ulit ito iyon nga lang medyo matagal
    • Magbenta kapag all time high na, or malaki na ang profit mo, wag isipin na magiging milyonaryo ka agad
    • Samantalahin ang pagkakataon na magbenta, at bumili kapag mababa na ang presyo
    • Magtabi ng pera para makabili sa dip price ng altcoin at bitcoin, isa ito sa dapat na meron ka at hindi dapat galawin at gamitin sa ibang bagay kundi sa pagbili lang sa bagsak na market
    • Kalmahin ang sarili at wag gumastos kapag di kinakailangan sapagkat nauubos pati ang puhunan
    • Iwasang makisabay sa bulong bulong ng iba, at maginvest sa mga bagong investment during red market na tinatawag ng iba
    Ito ang aking natutunan mula nung bumagsak sa 15k+ ang BTC at ibang altcoin, at pumalo ng 23k+
    palaging magtake ng profit, at wag masyadong advance mag isip sana ay may natutunan din ang ibang tulad ko na bago sa crypto.

    Maraming mga investors at hindi mo rin naman naten sila masisis dahil siguro wala pa silang experience pagdating sa cryptocurrency or trading, madalas at normal lang naman na maraming mga tao talaga ang nahihikayat maginvest lalo na kapag bull run and masmadaming naniniwala kapag tuloy tuloy na ang pagangat ng market. Kaya masmaganda talaga na bumili na habang at magacumulate na ng bitcoin or cryptocurrency habang wala pa ang bull run dahil for sure magsskyrocket na ang presyo ng lahat ng cryptocurrency so its always a profit naman in bull run.

    Mahirap din naman talagang pigilan ang iyong sarili lalo sa pagiinvest madalas ay nadadala tayo ng ating emosyon at nagiging greedy sa profit na maaari nating makuha, madalas ay nagreresulta ito sa pagkatalo. Iniiwasan ko ang paglagay ng malaking pera basta basta ngunit minsan ay gusto din ko rin naman na magrisk dahil madalas ay high risk high reward din naman ito at i guess siguro parte na rin ang thrill sa pagtatrade.
    hero member
    Activity: 3066
    Merit: 629
    20BET - Premium Casino & Sportsbook
    Noong bull run ng 2017, na miss ko yung opportunity na magbenta para sa profit nung panahon na yun. Nakapagbenta naman ako pero hindi halos nabenta ko, kaya inisip ko na nakapag may bull run na susunod, doon ako babawi. At yun na nga dumating yung 2021 at nagbenta ako para sa profit at binili din agad ng mga investments kasi sayang kung cash lang tapos magagastos ko lang sa mga walang kabuluhang bagay. Ang susunod na gagawin ko sa next bull run, benta ulit tapos keep ko muna sa stable coin para bibili nalang ako ulit ng bitcoin kapag nag bear market na.
    sr. member
    Activity: 1316
    Merit: 356
    • Huwag magpanic kapag bumabagsak ang presyo aakyat ulit ito iyon nga lang medyo matagal
    May mga tinatawag nating market manipulations, sila yung kumuha ng mga stoploss to fuel the price to move into the opposite direction. Usually it takes 1h at sguro ang pinakamatagal ay 4h, this is for what I have observed sa market. Kapag market manipulations lang, it means ang price ng market ay magpapatuloy sa kanyang EOF o Expectational Order Flow. Kung ito naman ay lalagpas na ng 4h and the price nagpatuloy sa pagbagsak o hindi nag-iwan ng malaking wick yung candlestick, ibig sabihin hinid kinaya ng mga buyers yung sellers kaya magpapatuloy ito sa pagbagsak.
    Kaya para sakin, ikacutloss ko talaga kung alam kong babagsak ito ng sobra at mahihirapan umakyat ulit. Kasi gumagastos ng malaking oras kung maghihintay ka pa na bumalik yung price na binili mo na sana sa ibang potential coins.

    Quote
    • Iwasang makisabay sa bulong bulong ng iba, at maginvest sa mga bagong investment during red market na tinatawag ng iba
    (DYOR) o Do your own research talaga. Huwag ka talagang papadala sa mga sinasabi ng iba. Kailangang alamin mo talaga ang coin o project na iyong pag-iinvestan. Marami kasi talagang nahype lang kaya bumili agad pero sila lang pala yung ginamit para paakyatin ang presyo ng coin o token, tapos yung mga nanghype ang unang magbebenta. At the end matutulog yung pera ng mga nahype kasi ayaw nilang ibenta kasi nga lugi pero hindi nila alam na habang tumatagal lalo pa silang nalulugi kaya, DYOR talaga.
    hero member
    Activity: 3024
    Merit: 629
    • Huwag magpanic kapag bumabagsak ang presyo aakyat ulit ito iyon nga lang medyo matagal
    Depende sa coins na hawak mo dahil kung shitcoins yan magpapanic ka talaga dahil malamang hindi na yan makakaahon pa. Pero kung Bitcoin at established alts yung hinohold mo, no worries dahil talagang high volatile yan, darating yung oras na aangat ulit.

    • Iwasang makisabay sa bulong bulong ng iba, at maginvest sa mga bagong investment during red market na tinatawag ng iba
    Totoo yan. Dapat may sarili tayong kaalaman at hindi nakikisabay lang sa diskarte ng iba. Mas maganda yung alam mo yung ginagawa mo para magkaron ka ng idea at hindi ka maninisi ng iba kung sakaling magkamali ka man sa naging desisyon mo dahil base ito sa iyong pag research.

    Anyway maganda itong mga tips mo. Sana mabasa ng mga newbies para maging aware sila sa kung ano ba ang dapat tandaan kapag naranasan na nilang mag invest sa crypto.
    Pages:
    Jump to: