Pages:
Author

Topic: Anu ang silbi ng bitcoin sa ating bansa? - page 4. (Read 560 times)

newbie
Activity: 50
Merit: 0
August 01, 2018, 08:24:28 AM
#14
Para sakin ang silbi ng bitcoin sa ating bansa ay mayroong mabuti at hindi mabuting naidudulot unahin natin ang mabuti dahil sa bitcoin ay maaari kang kumita ng pera na magagamit sa pangangailangan at ang hindi naman mabuting naidudulot nito ay may mga taong nangloloko sa pamamagitan ng bitcoin na kung tawagin natin ay scam.
member
Activity: 124
Merit: 10
August 01, 2018, 07:11:44 AM
#13
Anong silbi ng Bitcoin sa ating bansa??. Malaking tulong ang nagawa ng Bitcoin, lalo na sa mga may alam at yung mga Bitcoin holder, kasi dito umangat ang buhay nila. At sa government din, malaking taxes ang nakukuha nila nito, baka hindi magtagal, lalawak ang Bitcoin at uunlad na rin ang Pilipinas.
jr. member
Activity: 136
Merit: 1
August 01, 2018, 04:23:35 AM
#12
Yes sa tingin ko tama ka, kasi kong malalaman ng marami kong paano gamitin ng tama ang bitcoin at kong paano mag invest ay lalaki ang kanilang income at kasabay nito ay lalaki rin ang kita ng bansa dahil sa mga taxes na pinapataw sa bawat kinikunsume  ng bawat individual.
sr. member
Activity: 714
Merit: 254
August 01, 2018, 04:18:45 AM
#11
ang silbi ng bitcoin sa ating bansa kaya nitong paunlari ang bansa natin kung maraming pinoy ang tatangkilik ng bitcoin kasi lalaki ang demand nito at malaki ang posibilidad na lumaki rin ang value ng bitcoin. siguradong marami nanaman ang maglalabasan na scam mga investment at gagamitin ang bitcoin para makapangbiktima
full member
Activity: 816
Merit: 133
August 01, 2018, 03:39:35 AM
#10
Ang pinaka magandang advantage ng Bitcoin ay hindi ito sakop ng inflation rate ng kahit anong klase bagsak na ekonomiya ng bansa. Ang disadvantage hindi kung ikaw ay full time trader, investor, miner madalas ka masasaraduhan ng banko, dahil wala kang declaration kung saan nanggagaling yung pera mo.  

Siguro sakop padin ng inflation rate dahil bumabase din sa pagtaas at pagbaba ng ekonimiya ang value ng Bitcoin na ang pedeng maging basehan o magdikta ng kakayahan ng tao sa pagbili. Kung ang lahat bayarin e nagsitaasan panigurado apektado na ang kakayahan ng isang tao para ituloy ang mga nakasanayan nilang gawin. Halimbawa ay pagiging Bitcoin miner, Alam namin nating lahat na magastos eto, malakas kumonsumo ng kuryente. Ipagpalagay natin na nag bago ang estado ng ekononomiya tulad ng nabangit ko, may chansa na pedeng ihinto o kaya naman lilimitahan na ng tao ang pagamit nito.

Hindi ko lang maintidihan ang disadvantage na isinaad. Ang pagiging trader/broker, investor ay maaring mag deklara kung saan niya nakuha ang pera niya. Bagamat marami ang umiiwas dito sa kadahilanan ng pagpapataw o pagmumulta ng nararapat na buwis. Siguro ang pag ddeklara nito ay maituturing nating disadvantage sa tao ngunit advantage sa ekonomiya ng bansa.


full member
Activity: 392
Merit: 100
August 01, 2018, 03:25:30 AM
#9
ang nakikita kong advantage sa paggamit ng bitcon ay kung maramng pilipino ang gagamit nito for sure na dadami ang demand at siguradong lalaki ang value ng bitcoin at lahat tayo ay makikinabang dito, disadvantage naman na nakikita ko magiging talamak rin ang pagdami ng mga taong gagamitin ang bitcoin sa scam,
sr. member
Activity: 789
Merit: 273
August 01, 2018, 03:10:50 AM
#8
Marami ang silbi ng bitcoin sa ating bansa gaya na lang ng pagkakaroon mo ng pero o btc ng walang kahirap hirap kaya malaking tulong ito sa mga mahihirap na walang alam na trabaho. Maganda rin siguro kung magiging legal ang bitcoin sa ating bansa at may dagdag na subject na bitcoin o cryptocurrency para naman marami ang matutong mga kabataan at maiiwasan na din nila ang pagka scam.
member
Activity: 280
Merit: 60
August 01, 2018, 01:54:16 AM
#7
Ang pinaka magandang advantage ng Bitcoin ay hindi ito sakop ng inflation rate ng kahit anong klase bagsak na ekonomiya ng bansa. Ang disadvantage hindi kung ikaw ay full time trader, investor, miner madalas ka masasaraduhan ng banko, dahil wala kang declaration kung saan nanggagaling yung pera mo. 
newbie
Activity: 48
Merit: 0
August 01, 2018, 01:02:05 AM
#6
sr. member
Activity: 1008
Merit: 355


Sa aking pananaw di naman talaga tayo nakakaiwas sa buwis lalo na at gumagamit tayo ng mga exchangers na based dito sa bansa tulad ng CoinsPH dahil sa pagkakaalam ko may kasama ng buwis yang conversion rate nila...kumbaga di man sinasabi nila eh kasama na yan sa naibawas dun sa peso na matanggap natin...which is in a way we are really helping the country gain more revenues if we are involved with Bitcoin. When we are doing the Bitcoin business and convert it into the local currency we are actually taxpayers but it is CoinsPH which is doing the whole thing not us individually unlike if you are a US citizen where you have to declare everything in your income tax statement otherwise all hell will broke loose courtesy of the taxman.

Dun naman sa scam...mali lang talaga ang akala ng media sa Bitcoin. Bakit kung ang scam eh gamit PESO or DOLLAR di naman tinatawag na PESO o DOLLAR scam! Dapat nating ipaalam sa kanila na ang Bitcoin is also a currency just like our PESO and it is a mode of payment and anybody whether a scammer or a priest can use it for any purpose legal or illegal. Bago pa lang kasi ang Bitcoin kaya di pa masyado na-gets ng media at ng maraming tao ang full nature nito. Pero darating din tayo dyan...and education is the key here.
legendary
Activity: 1638
Merit: 1046
Para sakin hindi advantage yun na tayu pag bumili ng bitcoin at may tax ang pag convert ng bitcoin or kumita man lang sa pag akyat ng presyo para saakin hindi advantage yun dahil ang gusto ng mga bitcoiner natin ay makalayu sa gobyerno at para maka iwas sa tax which is napakalaki ang nababawas.
ang masasabi ko lang na advantage sa bitcoin yung magamit mo ang bitcoin para maka bili ng online product kahit di man instant  maganda parin ang bitcoin dahil na rin sa mababang fee at kung ang gamit mo is coins.ph na wallet magagamit mo sya in instant kung ang isang store online ay partner ng coins.ph.
jr. member
Activity: 75
Merit: 8
full member
Activity: 434
Merit: 100
Sa totoo lang ang media ang may kasalan kung bakit na tawag na scam ang bitcoins dahil sila ang nagbabalita. Kung mag reresearch lang sana sila sa magandang maidudulot ng bitcoins at ibinabalita din nila ito siguro wala ng tao ang mabibiktima pa mg mga scam investment na nagagamot ang pangalan ng bitcoins para makapangloko sila ng tao.
copper member
Activity: 448
Merit: 110


Ito ay aking isang opinyon lamang kung anu ang silbi ng bitcoin sa ating bansa sa napapansin ko may dalawang klase ito disadvantage at advantage sa ating bansa.

Ang unang kong nakita ang disadvantage. Ito ang nakikita ko sa mga balita sa ating bansa tulad ng mga scam ponzi na ginagamit ang bitcoin. Alam naman natin ang bitcoin ay may kakayahan mag transaksyon saan mang sulok ng buong mundo hindi lang sa ating bansa na hindi na kailangan dumaan sa ating gobyerno sa madaling salita wala tayong babayaran na tax sa pagpapadala ng pera kung ang gamit ang bitcoin. Kung ang Bitcoin na ginamit natin ay nauwi lang sa isang scam at napunta lang sa ibang bansa ang ating bitcoin may posibilidad na liliit ang ating pondo sa ating bansa alam naman natin ang kinukuha ng pondo ng ating gobyerno ay galing sa isang tax isama na natin ang VAT o value added tax. Sunud-sunod na balita sa ating bansa nadadamay ang Bitcoin dahil sa mga scam investment. Sa aking palagay maaaring makaka apekto ito sa ating bansa kung may patuloy na gumagawa o pumapatol sa mga scam. Ang nakikita kong apektado ay isang Value added tax.

ito ang advantage. Kung ang lahat ng pilipino ay marunong lamang gumamit ng Bitcoin sa tamang pamamaraan makakaiwas tayo sa isang scam investment diba po ba.? Sa aking napansin kung ito ay mangyayari may posibilidad na lumaki ang pondo ng ating bansa ng dahil sa VAT o value added tax. Bakit ko nasabi kung ang pilipino ay bumili ng bitcoin sa halagang 1btc noong jan 2017 sa palagay na lng pop natin ang presyo ng bitcoin ay nasa 50k per bitcoin at ibinenta nya ito noong desyembre 2017 sa parehong taon ipalagay na lng  natin ay 1M per bitcoin. Kung papansinin natin ang 1M na binenta mo at ibinili mo dito sa mga produkto ng pilipinas ay bawat binibili natin ay may VAT o value added tax rate 12% ay napupunta sa ating gobyerno. So may posibilidad na mas makakatulong tayo sa ating gobyerno sa pagpasok ng pera sa pilipinas hindi man dumaan sa ating government ang transaction sa huli ang gobyerno parin ang may pakikinabang.

Kung magpapatuloy ang mga scam na nirereklamo sa ating media o balita na naririnig natin, bitcoin ang pinaka ulo ng balita. Marami akong nababasa sa mga facebook tungkol sa mga biktima ng scam ay parang nilalait pa sila tinatawag silang mga 'walang utak' bakit hindi natin sila tulungan upang makaiwas sila sa mga scam investment dahil kung dadami ang mga nauuto dadami din ang mga reklamo maaari kasi humantong sa ating bansa na ma banned ang bitcoin. Pero ang lahat ng ito opinyon ko lamang kung may mga opinyon kayo sa kung anu ang may posible na silbe ng bitcoin sa ating bansa. Comment lang po.
Pages:
Jump to: