maganda ba talaga yang hash ocean kaso masyadong matagal ang roi eh 3 months hinde kase ako mgaling sa referral kaya baka malugi ako meron pang isa yung MMM totoo ba yun ?? 30% daw per month ang daming kong nakikita sa facebook na mga ganyan di ko naman alam kung legit.
Di rin natin masasabing maganda ang HashOcean, take note na ponzi pa rin yan. Hindi sila transparent sa mga mining informations at yung sinasabi nilang refund na video card, ni isa sa mga users wala pang nagko-confirm na nagrerefund ba talaga ng video card ang HO.
Yung MMM, ang alam ko may mga issue din yan.Anyway, same thing, ponzi din yan. Walang legit na HYIPs or MLM.
Lahat yan nagbibigay ng profit na nanggaling sa mga new investors nila at walang mga patunay na meron silang mga funds na naggaling talaga sa sarili nilang bulsa.
Isama nyo na ang bagong pauso ngayon na "crowdfunding" which is also a new form of HYIP. Pinaganda lang ang katawagan, pati yung salitang "invest", ginawang "Donate".
Kung gusto nilang magdonate, bakit hindi na lang sa 700 club? Kasi walang referral system na pwede kang kumita pag nagdonate ang downline mo
Mga kalokohan ng tao ngayon, kumita lang