Gumamit ka na lamang ng gcash, para talagang instant kung ayaw mo ng marami pang chehcebureche. Kukuha ka nga lang atm sa globe pero atleast every cashout mo instant na talaga walang kahirap hirap kapag may problema security bank g cash ginagamit ko
Hindi ko pa nasubukan to sir. Paano ba yan? Nasa coins.ph lang kasi yung bitcoins ko at hindi ko pa sinusubukang mag-cashout kasi pinalaki ko muna yung ipon ko tapos biglang baba naman ng rate. May account naman ako sa BDO, may hihingin pa bang confirmation kapag dun ko pinadala yung funds? Hiningan na naman nila ako ng ID nung nag-register ako.
Rebit.ph mam di mo na kailangan ng verification para makapag cash out medyo mababa nga lamg palitan dyan kesa kay coins ph pero maganda support nila dyan pag nag ka aberya
Ganon ba, at least may option na ako, pero bakit hindi sila compliance sa law?
Kasi yong coins.ph compliance lang sila para siguro sa AMLA at tuloy tuloy lang business nila, laki ng kita nila sa palitan pa lang, tapos now may charge na ang transfer ng btc.
Ay, meron na ba? Isang beses ko lang kasi sinubukan, isinauli ko yung btc na ipina-utang sa akin. Ilang percent naman yung fee nila? Hindi ba may charge na nga sila kapag nag-cash-out ka at cash-in? Pfft, dami na nilang pinagkakakitaan. Tinanong ko sa kuya ko kung ok na way yung Convert para mag-save ng php habang mataas yung palitaan, eh may charge din daw yun.